"How long have you, two, been together?'' Daddy asked. Nagsisimula pa lang kaming kumain.
I looked at Lanie meaningfully. Hindi ko gustong masira ang kaligayahang nararamdaman ng mga magulang ko kaya hindi ako nagsalita.
"It's been three months now, Tito." She smiled sweetly at my father.
Ang husay niyang magbulid ng istorya. Ni minsan, hindi ako nagparamdam o nagpakita sa kanya ng pagkagusto. Oo, madalas niya akong pakitaan ng flirtation noong 4th year high school kami, pero hindi ko in-entertain kahit isa.
"Talaga?! So ibig sabihin, after high school graduation kayo na ni Zillion?" Mommy was so delighted.
I hate how she gave importance to the fabricated date.
"Yes, Tita! I'm sorry hindi po ako lumapit, at nagpakilala sa inyo."
"It's okay."
Then, the silence came. I know, habang kumakain kami ay nag-iisip pa si Lanie ng mga kuwento tungkol sa amin.
"Excuse, Tita and Tito, for a while." Lanie said. Ngumiti pa siya na tila birhen.
Pinalipas ko ang ilang minuto, bago ako nagpaalam kina. Mommy ar Daddy para mag-toilet.
"You're such a pathetic liar Lanie!" Nahablot ko ang braso niya paglabas niya ng girl's room.
"Ano ba? Let me go!"
May nakatingin sa amin kaya binitawan ko siya.
"Bakit kailangan mong gawin ito?"
She smirked. "Bakla ka ba? Bakit ayaw mo sa akin?" She uttered these near my ear. "Play my game.." Then, she poked my chest. "..or else."
Naiwan akong nakamaang. Hindi ko akalaing may ganitong klaseng babae.
No comments:
Post a Comment