Ang bawat guro ay may prinsipyo.
Sa pagtuturo, sila'y matapat, totoo.
Kung mag-aaral man ay di natuto,
Kasalanan nila, hindi ng mga guro.
Ang lahat ng maestra o maestro,
May adhika, may damdami't puso.
Nasasaktan sila kapag binobobo
O kinukuwestiyon ang pagtuturo.
Silang mga guro, talagang makatao.
Kamangmangan ay di nila ginugusto.
Nais nila, mga kabataan ay lumago.
Hangad nila bawat bata ay matalino.
Pagkukulang niya, di lingid sa mundo
Pero, pagpapahalaga niya'y buong-buo.
Tingnan mo na lang, ang mga edukado.
Guro ang naghulma, guro ang bumuo.
Kung may nabulok man o hindi nabuo
Hindi siya ang may gawa ng mga ito
Kundi ang mga may katawan mismo
Pagkat mas pinili nilang magpakabobo.
Kaya ikaw sa panghuhusga ay huminto
Unawain at mahalin mo ang mga guro
Kung guro ka rin, tiyak na alam mo ito.
Kung hindi naman, ikaw ay magpakatao.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment