Followers

Friday, June 26, 2015

Respetadong Guro, Marami ang Umiidolo

"Ang tapang ng titser na 'yun! Grabe! Nakakagigil!" may galit na sambit ng isang binatilyo pagkatapos na dumaan ang grupo ng mga guro.

Nakakagigil din kung tutuusin ang estudyanteng iyon, ngunit hindi natin maiaalis sa kanya ang hinanakit o higit pa roon sapagkat maaaring naging biktima siya ng pang-aalimura ng gurong kanyang tinutukoy. Hindi naman niya iyon masasabi sa kanyang mga kaibigan kung walang pinag-ugatan.

Naniniwala akong ang isang guro ay naaalala ng kanyang mga mag-aaral hindi sa kanyang husay sa mga araling kanyang itinuro, kundi sa kanyang kabaitan o kabagsikan. Kahit gaano man siya kagaling magturo, balewala ito kung siya ay matapang, marahas at mapang-alimura. Mas tumatatak sa mga puso at isipan ng mga mag-aaral ang gurong mabait, mapagmahal at may malasakit.

"Ang respetadong guro, marami ang umiidolo" sabi nga ni Makata O.

Hindi naman masama ang magalit sa mga bata. Kailangan lamang na ipaunawa sa kanila ang kanilang mga pagkakamali. Kailangan ding may hinahon upang hindi manaig ang takot at poot sa mga puso nila.

Tandaan na ang mga estudyante, gaano man kapasaway, ay may respeto at may mataas pa ring pagtingin sa mga guro. Kaya, ang mga guro ay nararapat ding magbigay ng respeto sa mga kabataan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...