Followers

Monday, June 29, 2015

BlurRed: Read Between the Lines

"Red, join ka sa amin sa canteen." yaya sa akin ni Fatima. 

Hawak na niya sa kamay si Riz kaya hindi na ako nakahindi. Gusto ko sanang tapusin ang composition habang vacant namin. 

"Ang tahimik mo naman, Red. Parang si Riz ka rin." pansin sa akin ni Fatima.

Naasiwa ako. Isa pa, ayokong panay ang salita kapag ngumunguya. 

Ngumiti na lang ako at tumingin ng bahagya kay Riz. 

Hindi naman nakuntento si Fatima, pinansin niya ang lipstick ni Riz. "Ang taray ng lipstick mo, friend! Saan mo nabili? Bibili ako ng lima para gumanda rin ako." 

Iba ang ngiti ni Riz. Alam kong hindi niya gusto ang inaasal ni Fatima. Naiirita siya lalo na nang pati ang kilay niya ay napagdiskitahan.

"May problema ba sa kilay ko?" Nagawa pa rin niyang kumalma.

"Ah, wala. Wala naman. Ang ganda nga, eh. Ganyan ang mga kilay ng pokpok sa lugar namin." Then, patay-malisyang sumipsip siya ng softdrink. 

Nagkatinginan kami ni Riz. 

"Riz naman.. Below the belt na ang tirada sa'yo pero okay lang!? Hinayaan mo lang na ganunin ka.." pagalit ko sa kanya nang makagawa ako ng paraan na maihiwalay ko siya kay Fatima.

"Nakikisama lang ako. Hindi naman niya sinabing pokpok ako, di ba?"

"Oo nga. Pero read between the lines. Riz, last time na 'yun. Hindi ka na sasama sa kanya. Kahit ako ayaw ko na rin. Lumayo ka sa kanya, pwede ba?"

"Bakit?" Nakakurba ang kilay niya. 

"Basta! Halika na nga!" Hinila ko na siya. Sumunod naman siya.

Hindi ko namalayan na hanggang sa room ay hawak-hawak ko pa ang kamay niya. Nagpalakpakan at naghiyawan tuloy ang mga kaklase namin. Narinig ko pa ang malakas na 'Uuuy!'. 

Tinakasan yata kami ng dugo ni Riz pagkatapos maghiwalay ang mga kamay namin. Namula naman sa galit si Fatima. Siya lang ang hindi natuwa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...