"Wagkang mag post nang mali, kong ang manga salita ay magka dikit. Nai inis nako mag basa sa mga post na puro nalang mali. Ayaw kuna naring maka kita nang post na imbes magka dikit ay pinag hiwalay."
Tama ba ang pagkakasulat sa talata?
Maganda bang basahin?
Hindi, di ba? Gawa ito ng isang kapos sa kaalaman sa wika, ngunit may malaking natanggap na impluwensiya mula sa teknolohiya.
Nakakalungkot ang ganitong mga pambabalewala ng mga iresponsableng netizen. Hindi ito nararapat na tanggapin ng mga matatalinong mambabasa sapagkat ang maling salita kapag tinanggap ng madla ay magiging bagong salita-- na katanggap-tanggap.
Basahin mong muli ang talata. Ano-ano ang mga maling salita o kataga? Paano mo ito itatama?
No comments:
Post a Comment