Followers

Monday, June 29, 2015

Kabataan: Pag-asa Pa Ba ng Bayan?

Sabi nga, "Ang kabataan ay siyang pag-asa ng bayan." Ngayon ba ay pag-asa pa sila ng bansa?

Sobra na ang pagpapasaway ngayon ng mga kabataan o estudyante. Nawawala na ang kanilang respeto sa paaralan, guro, kapwa o magulang. Hindi na marahil angkop na tawagin  silang 'pag-asa ng bayan'.

Mangilan-ngilan na lamang ang may pagpapahalaga sa edukasyon. Iilan na lang ang may mataas na pangarap. Bihira na rin ang may pagmamahal sa bansa.

Nakakalungkot..

May mga kabataan mang disiplinado, may respeto at may direksiyon ang buhay, mas marami pa rin ang pasaway. Kaya kung magpapatuloy ang pagdami nila, malamang hindi na sila ang pag-asa nitong ating bayan.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 7

Isang linggo na rin ang lumipas, simula nang umuwi si Lolo sa Juban. Malaki ang pinagbago sa kasiglahan ni Elias. Marami naman siyang rason ...