Fathers' Day ngayon. Kinalimutan ko munang lahat ang mga bagabag ko para bigyang-halaga naman ang pagkatatay sa akin ni Daddy.
Gaya ng dati, nag-effort ako. Ang pagkakaiba lang ay kami nina Mommy na ang magkakasama.
Ayan na naman! Hindi ko talaga kayang kalimutan si Dindee. Maikling panahon man kaming nagkasama, malalim naman ang aming naging relasyon. Ilang okasyon din kasi kaming nagsalo. Marami rin problema ang na-solve.
Treat ko ang sine namin. Treat naman ni Mommy ang lunch namin. Masayang-masaya na si Daddy. Sabi nga niya, wala na raw siyang mahihiling pa sa Diyos.
"Mabuti naman kung ganun.." turan ni Mommy. Tapos, nag-excuse siya. Naduduwal.
Nagtinginan kami ni Daddy. Iisa ang nasa isip namin.
Buntis siya?
"Hindi ah!" mariing tanggi ni Mommy. Parang ayaw niyang magbuntis. "Naumay lang ako sa ulam."
Wala na kaming nasabi ni Daddy. Andami niya pa kasing paliwanag. Kesyo, mahirap manganak. Kesyo, andami niya pang plano sa career niya.
Pag-uwi naman. Naduwal na naman siya.
"Mag-PT ka na kaya.." suhestiyon ni Daddy habang hinahaplos ang likod ni Mommy.
Hindi umimik si Mommy. Tapos, binulungan ako ni Daddy. Pinabibili ako ng PT. Tumalima naman ako na may halong kaba at excitement. Para kasing gusto kong magkaroon ng kapatid.
"Sabi ko naman sa inyo na hindi ako buntis, e!" Galit si Mommy na tinanggap ang PT.
"Sige na. Wala namang mawawala kung i-try mo." si Daddy. Niyakap pa siya.
Paglabas ni Mommy. Nalungkot siya. Positive raw kasi. Natuwa naman kami ni Daddy habang tinitingnan ang resulta. Nakipag-apiran pa siya sa akin.
Hindi naman nagtagal, natanggap na ni Mommy ang pagbubuntis niya. Ang husay kasing mag-emote ni Daddy. Dinahilan pa ang pagiging babaero niya. Hehe. Sabi pa niya, blessing daw ang baby sa amin dahil nataon pa sa Fathers' Day ang pagkakadiskubre namin.
Kuya na ako! Yahoo!
No comments:
Post a Comment