Pinapunta ko uli si Jeoffrey sa bahay. Kami na lang na dalawa. Hindi ko na niyaya si Romeo.
Nang dumating siya, nakahanda na ang beer at pulutan.
"Nakanang! Birthday mo ba?" Naki-apir pa siya sa akin. Sabay, sumalampak siya sa sofa. Alam niya kasi na wala pa ang mga magulang ko.
"Hindi. Gusto ko lang ng kausap. Ang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon." Nagbukas na ako ng dalawang bote ng serbesa.
Tumawa siya. "Huwag mong seryosuhin 'yun. Andaming babae d'yan." Tumungga muna siya. Nagpulutan. "Para di ka masaktan, magmahal ka ng kapwa mo." seryoso niyang sabi.
Habang naghahanap siya ng palabas sa TV, inisip ko ang sinabi niya. Timing! Hindi na ako mag-eeffort. Siya na mismo ang nag-open.
Nanunuod siya ng Oprah.
"Bro, masaya ka ba sa relasyon niyo ni Boss? Tanong ko lang. Sorry kong nakaka-offend."
"Hindi nga, e!" Walang kagatol-gatol niyang sinabi.
"Bakit naman? E, asensado ka na nga."
"Basta lang. Tiyaga lang muna ako."
Hindi ko na pinahaba ang usapan. Nakita king hindi siya interesado. Kaya, nag-isip ako ng ibang paraan.
Natamaan na ako sa ikalawang bote nang makaisip ako ng ideya. "Jeoffrey, pag naging bading ba ako, papatulan mo ako?"
Nagulat ako sa sagot niya kasi, imbes na tawanan o biruin niya ako, oo ang sagot niya. Walang kagatol-gatol.
"Biro lang, ah. Practice lang ba." Nakipag-cheers ako sa kanya.
Tapos, isang mahabang katahimikan ang naganap. Pumikit na lang ako at nagkunwaring lasing.
"Red, okay ka lang ba?" Narinig kong ang tanong niya. Naramdaman ko ring pinisil niya ang binti ko.
Shit!! Nakaboxer pa naman ako.
Bumalikwas ako at nagyaya akong uminom pa. Kaya lang ayaw na niya dahil baka abutan daw siya ng Daddy ko. Ayos lang sa akin. At least, may na-accomplished ako ngayong araw.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment