Followers

Sunday, August 31, 2014

Red Diary: Origami

Nakuhaan pala ako ng video ni Dindee habang kumakanta ako sa labas kanina. Pinadaan niya sa bintana. Naka-side kasi ako kaya di ko napansin.

Okay lang naman. Natuwa nga ako sa kuha niya. Malinaw at klaro. Dinig na dinig ang boses ko.

Mas natuwa pa ako nang i-upload niya ito sa Youtube. Gusto daw niyang malaman ng buong mundo ang talent ko.

“Salamat!” sabi ko.

“Welcome!”

“Pero... ang mas gusto ko... sana sa susunod, kasama na kita sa video.”

“He he. Sino naman ang kukuha sa atin ng video? Mabuti sana kung nandito si Karryle.”

“Si Mommy o kaya si Daddy.”

“Nakakahiya naman.”

“Hindi. Papayag sila.”

“Try mo. Kahit si Tito na lang.”

“Next week na lang. O kaya pag may time bukas. Gabing-gabi na, e.”

Hinampas niya ako sa braso. “Pilosopo ka. Siyempre. Sinabi ko bang ngayon na?!”

“Just kidding! Peace...”

Bago kami pumasok sa kanya-kanya naming room, may inabot sa akin si Dindee--- isang polo shirt origami.

“Good night! Sweet dreams!” sabi pa niya.

Inulit ko ang sinabi niya tapos nag-I love you pa ako.

Tulog na si Daddy kaya di na ako nagbukas ng ilaw para mabasa ang laman ng origami. Ginamit ko na lang ang cellphone ko as flashlight.

Red,

Mahal na mahal din kita. Hindi ko na kayang tiisin pa ang nararamdaman ko para sa’yo. Kaya lang, kailangan kong hintayin ang tamang panahon.

Salamat  sa lahat! Hindi kumpleto ang araw ko kapag di mo ako kinukulit..

Masaya ako pag kasama ka..

Dindee,


Halos mapatalon ako sa tuwa at kilig. At least, may pag-asa na ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...