Followers

Sunday, May 31, 2015

BlurRed: Pasalubong

"Iuwi mo na lang ang mga 'yan." Ni hindi ko nga hinawakan ang mga dalang pagkain ni Jeoffrey, nang malaman ko na galing ang mga iyon kay Boss Rey.

"Arte mo naman! Ikaw na nga ang inalala, e." Binuksan niya ang box ng pizza at kumuha ng isang slice. "Huwag mo na lang kasing isiping galing kay Boss." 

"Basta! Ayoko niyan!"

Hindi na niya ako pinilit. Pero ako, pinilit ko siyang magsabi ng totoo kung bakit ginagawa ito ng aming boss, gayong siya naman ang jowa.

Nagtapat siya.

Kaya pala nasabi niya noong isang araw na malalaman ko rin kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na iyon.

Walang hiya! Ako pala talaga ang trip hindi si Jeoffrey. Ginamit at ginagamit lang siya.

"Ang suwerte mo nga, e. Nasa iyo na ang lahat, sabi ni Daniel Padilla. Kung ako lang ikaw..."

Hindi na niya naituloy.

"Tadyakan kita, e. Hindi ako ikaw. Sana umiwas ka na. Wala kang mapapala sa ganyan. Ako kung pwede lang.. kung wala lang akong kontrata sa kanya, hindi na ako tutugtog sa bar niya. Dapat sa kanya magtayo ng gay bar."

Natawa si Jeoffrey, pero ako nabubuwisit. Ayoko kasing maalala ang pambababoy niya sa akin.

Alas-singko na nagpaalam si Jeoffrey. Hindi naman niya dinala ang mga pagkain. Sabi niya kina Daddy, pasalubong daw niya.

Ang yabang ng mokong!

Pagkaalis niya, nakaramdam ako ng takot. Kakaibang takot. Hindi ko maipaliwanag.

Nagtanong naman si Daddy. Bakla daw ba si Jeoffrey?

"Hindi po! Bakit po?" 

"Parang bakla magsalita, e. Saka, iba ang mga hawak sa'yo.." 

Hindi ba ako nagsalita. Hindi ko naman kasi iyon napansin.

Hindi naman siya bakla. Namamakla siya. Kung alam lang ni Daddy.


Saturday, May 30, 2015

E Di, Wow!

"Pa, masaya ka ba dito!" tanong ng 5-anyos na anak sa ama.

"Opo! Masaya ako. Ikaw, masaya ka rin ba?"

"Hindi." mabilis na sagot ng bata. Nakangiti pa siya.

"Bakit naman?"

"Kasi kokonti ang laruan dito. Doon kay Lola, andami."

"Konti pa ba 'yan? Andami-dami na nga, e. Hindi mo pa nga maiayos, e."

"Gusto ko marami."

"Kaya nga mag-aral kang mabuti para bilhan kita ng kompletong Cars." Ang tinutukoy ng ama ay ang collection ng Cars The Movie.

"Kompleto?" ulit ng anak.

"Opo. Kompleto."

"E di wow!" Pilyong bata, tumawa pa.

"Sige ha? Hindi ko na sasagutin ang lahat ng tanong mo kasi sinasabihan mo ako lagi ng e di, wow." Tinalikuran niya ang anak.

"O, sige ah..hindi na ako magsasalita ng e di, wow, araw-araw."

Hindi na nga nagsalita ang ama. Hindi na rin namilit ang anak. 

Nakakaapekto talaga sa mga bata ang mga expression naririnig nila sa telebisyon. Nagiging matatas nga silang magsalita pero madalas, hindi nakakatuwa ang mga sinasagot nila sa mga nakakatanda.

BlurRed: Hadlang

"Hindi pwede ang sinasabi niya." mariing tanggi ni Mommy nang ikuwento ko sa kanila ni Daddy ang kondisyon ni Dindee sa akin.

"Mahal mo pa ba?" tanong naman ni Daddy. Tinanggal pa niya ang gardening gloves.

Nahihiya akong tumango.

"Pareho naming gusto ng Mommy mo ang desisyon mong maging teacher. Pero.. Mommy ikaw na nga. Ang hirap, e!" Nginitian pa niya kami.

Alam ko hindi siya sanay sa madramang usapan.

"Ang ibig sabihin ng Daddy mo.. hindi kami namimili ng babaeng mamahalin mo. Pero, gusto namin na maging teacher ka. Kapag may babaeng humadlang doon, hindi kami makakapayag, Red."

"Kahit si Dindee? Na anak ng bff mo?" Tumawa pa si Daddy.

"Oo, kisihudang anak siya ng bessy ko! Mali namang hadlangan niya ang pangarap ng anak natin. Hindi lang siya ang babae sa mundo, Red."

Tahimik pa rin ako.

"Hindi dahil anak ka namin, pero, alam kong marami na naman ang magkakagusto sa'yo. Mamili ka sa kanila. 'Yung pareho kayo ng gusto sa buhay." payo ng aking ama. "Tingnan mo kami ng Mommy mo."

Tiningnan ko nga sila. Nagtinginan din sila. Maya-maya ay nagtawanan sila. Nahawa ako.

"Ikaw, talaga.. " Kinurot-kurot ni Mommy si Daddy sa tagiliran. "May problema na nga itong anak natin, nagbibiro ka pa. Para namang maniniwala si Red sa mga sinasabi mo. Bolero!"

Nang mapag-isa ako, saka ko pinag-isipan ko ang lahat ng mga sinabi ng mga magulang ko.

Tama naman sila.

Gayunpaman, nanghihinayang ako sa relasyon namin. Sa simpleng bagay o dahil sa isang tao na hindi naman talaga hadlang, mawawasak ang sinimulan namin. Nakakapanghinayang. Bakit hindi niya ako ipaglaban? Bakit kailangang i-give up ko ang course ko? Ang labo niya talaga!

My Wattpad Lover: Kane

I never thought na muli akong mahihilig sa wattpad, nang binasa ko ang unang limang chapters sa nobelang 'Nang Inibig Kita' na sinusulat ni joy.

Hindi ko kilala si joy, pero parang kilala ko ang kuwento. Kung hindi ako nagkakamali, akong ang bidang lalaki na kaloveteam ng bidang babae sa kuwento.

Dalawang beses kong binasa ang bawat kabanata para lang makasiguro na ang kuwento ng wattpad writer na si joy ay katulad ng kuwento namin ni Gelay.

"Zil," Sumungaw si Mommy, after she knocked the door thrice. "..telephone call from Lanie."

"Thank you, Mom!" Mabilis kasi akong nakalapit sa kanya. Hindi ko na siya hinayang makalapit sa computer ko.

She left after I joylessly said 'Hello?' to Lanie.

Nangungulit na naman siya. Gusto niyang pumunta sa bahay bukas.

"For what?" Irritated, I was.

"For you! I missed you. Ang lapit na ng pasukan. Hindi na tayo magkaklase. Sige na, payagan mo na ako.." 

Hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng babae, siya pa ang nahuhumaling sa akin.

Oo, maganda siya. Elegante. Pero, hindi siya ang babaeng hinahanap ko.

"No! As I told you often, hindi ako permitted magdala ng babae sa bahay.."

She laughed. "But, I asked your Mom awhile ago. She permitted me."

"I'm busy. Good night. Maybe some other time.."   

I threw the wireless phone on my bed. Then, I pursued reading until someone named Kane was involved in the story.

The sixth chapter says: "Hi, Miss! I'm Kane! May I know yours?" tanong ng binata pagkatapos nilang magpalitan ng titig sa loob ng clinic.

"Hi! I'm Zany.'' Tila, kinikilig pang ngumiti ang dalaga. 

I turned off the computer at nahiga ako.

That night, hindi ako nakatulog. Inalala kong lahat ang mga pangyayari sa naging relasyon namin ni Angela. Nasaktan ko siya ng husto. Pero, muntik na ngang manganib ang mga buhay namin. I'm apologetic. Hanggang ngayon. But, it hurts if she has found someone.

Three o'clock in the morning, gising pa ako.
Later, nasa harap na uli ako ng computer. Hindi ang katulad ni Kane ang dapat makatuluyan ni Zany.











Friday, May 29, 2015

Negative 0: "Weak People Revenge. Strong People Forgive. Intelligent People Ignore."

"Weak people revenge. Strong people forgive. Intelligent people ignore.

Hindi rin!

Ang tunay na matalino ay hindi nang-iignore. Iniintindi niyang lahat. Hindi niya binabalewala ang mga bagay-bagay. Hindi niya pinapalampas sa kanyang kaisipan o paningin ang mga pangyayari sa paligid o sa bansa. Hindi rin niya pinagkikibit-balikat ang mga usapan o sinasabi ng kapwa niya. Nagbibigay siya ng sagot, opinyon, kuro-kuro o saloobin sa mga ito.

Imagine, matalinong tao pero walang masabi dahil in-ignore ka. Nasaan ang talino?

Oo, maaaring applicable itong kasabihan sa ibang pagkakataon. Halimbawa, sa away o tsismisan. Ni-reject niya ang ideya. Matatawag siyang matalino sapagkat umiwas siya sa gulo o posibleng away. Ngunit sa malalim kong pakahulugan, taliwas ito sa katotohanan.

Isa pa, ang 'ignore' ay makakabuo ng salitang 'ignorant'. So, kung iisipin ang quotation, parang sinasabing 'Intelligent people are ignorant.' It is wrong. Paano naging matalino kung ignorante?

He he



Synopsis ng Pahilis


Pssst! Pssst! Estudyante k a ba?

Sa pagkamit ng edukasyon, hindi lang 1+1 at abakada ang dapat mong matutunan. Madalas,   mas mahalagang malaman natin ang tamang diskarte sa buhay. Ang mga grades ay numero lang. Kayang-kaya mong gumuhit ng pahiga, patayo tuwid at pahilis na guhit sa buhay mo para marating ang tagumpay.

Kung graduate ka, na may flying colors. Congrats! Pero, sorry. Better luck next time kung boring ang student life mo. Pero, ayos lang ‘yan, sa trabaho naman ay may adventure pa.

Kung high school ka pa lang, goodluck sa’yo! Balansehin mo ang studies at family. Mahalaga sila pareho. Ang pagsyosyota, oo, inspiration ‘yan, pero, kwidaw ka, baka mauwi sa desperation.

Kung nasa elementary ka pa lang, welcome! Napakasaya ng buhay mo. Marami ka pang pupudpuding lapis at patataehing ballpen. Maglaro ka lang. Huwag puro honors ang nasa isipan mo. Ang medalya ay binilog na bakal lamang. Hindi iyan ang iyong karunungan.

Oo! Ang pag-aaral ay maraming ups-and-down. At makakarating ka kung saan-saan. Pero, side-by-side ay may kababalaghan, may kabiguan, may kalokohan, may katuwaan, may tawanan. Minsan, makikilala mo ang mga taong pinangalanan mo ng Mam Lipstick o kaya Mr. Ego.

Kung nasubukan mo namang matulog sa klase. Normal lang 'yan. Pero kung makatanggap ka ng award na 'Tataero of the Year', hanep! Bihira 'yan! Idagdag pa ang 'Best Actor' Award. O di ba, parang Famas lang?!

Kung na-try mong manligaw o maligawan sa library, sus, common lang 'yan. Subukan mo namang sumuka sa labas ng library. Astig 'yan dre! Lalo pa siguro kapag hinimas pa ng librarian ang likod mo..

Sa pag-aaral, dalawa lang ang dapat mong gawin para magtagumpay ka: magseryoso at magloko. Pag pinagsabay mo, sigurado, gragraduate ka sa entablado. Pag isa lang, hmmm, delikado. Mental asylum ang abot mo.

Kung hindi ka pa marunong magbilang ng 1 up to 100, dito tiyak ikaw ay makakarelate.


Basta, tandaan mo: walang 100% success. Laging may PAHILIS.


BlurRed: Bye

"Nagpaalam na ako kay Boss Rey kagabi. Tumawag ako." Kausap ko si Jeoffrey. Tinatanong niya kung bakit wala ako sa bar kagabi.

"Ang aga pa para mag-retire ka." 

"Ogag! Pasukan na kaya. Kailangang ihanda ko ang sarili ko. Ikaw, di ka pa rin ba nagkapagdesisyon?"

"Desisyon? Saan?"

"Mag-aral!" sigaw ko.

Tumawa siya. "Alam ko. Binibiro lang kita. Ayokong mag-aral."

"Sabagay.. Ang sarap na ng buhay mo."

Naasar siya sa sinabi ko. Bawiin ko daw. Bago ko pa binawi, napindot ko na ang 'End Call'.

Paulit-ulit tumimo sa utak ko ang tinuran niya. "Temporary lang ang lahat ng bagay. Kaya, hindi dapat asahan." Minsan lang siya magsalita ng malalalim at matalinghaga kaya napaisip ako. Iba kasi ang dating sa akin, lalo pa nang sabihin niya na "Hindi magtatagal, malalaman mo kung bakit ko ginagawa ito."

Bago pa ako mabaliw sa pag-iisip ng kahulugan ng mga sinabi niya, nag-almusal na ako. Mag-isa akong kumain. Nasa work na si Daddy. Si Mommy naman ay nasa school. Ayos lang kasi malaya akong magtagal sa mesa. Wala kasi akong ganang kumain. Pinilit ko lang ubusin ang inihanda nilang almusal.

Bunga ito ng pagkakalabuan namin ni Dindee. Hindi ako pwedeng magkamali. Miss na miss ko na siya, lalo na ngayong magpapasukan na.

"Hello, Dee.. Huwag mo akong patayan ng cellphone, please." Sinagot niya ang tawag ko, sa wakas.

"Ayan na, kinakausap na kita. May rason ba para hindi ko ibaba?" Iba pa rin ang timpla ng boses niya.

"Sorry na."

"Sorry lang?"

"Ano pa ba ang dapat kong gawin?" Handa akong gawin anuman ang sabihin niya.

"Huwag education ang kunin mo. Ayokong magkapareho kayo ng course, lalo na ng school."

Natigalgal ako. Wala akong nasabi kundi, "Magagalit si Mommy.."

"Puwes, hindi ka dapat humihingi ng sorry. Bye!" 

Umalingawngaw sa kabahayan ang malakas kong sigaw.





Thursday, May 28, 2015

BlurRed: Chickboy

"Nak, sinong kausap mo kanina?" tanong ni Mommy. Nakangiti siya.

"Si Sharon po. Ang kulit nga, e." Nakatutok pa rin ako sa telebisyon.

Mula sa likod, sinapo niya ang mga pisngi ko. Nilapirot niya ito ng marahan, gaya ng madalas niyang ginagawa sa akin noon. "Ang binata ko, may nadagdag na namang admirer."

"Si Mommy! KInakapatid ko po 'yun!"

"E, ano?" Humarap na siya sa akin. "Kinakapatid lang naman, e. Maganda nga iyon para doble ang pagiging magkumpare namin ni Pare."

"Magluto na nga lang po kayo, Mommy. Nagugutom na ang tiyan ko." Tumawa na lang ako para hindi halatang napikon ako.

"Huwag mong ibahin ang usapan.." sabi niya habang patungo sa kusina.

Sinundan ko siya. "Magpapari po ako. Saka, hindi po ako kagaya ni Daddy." sabi ko nang nakalapit na ako. Sinabayan ko ito ng tawa.

"Lagot ka sa Daddy mo! Isusumbong kita."

Ngumiti lang ako.

"Magpapari ka pala pero sa PNU ka mag-aaral? Dapat sa seminaryo." Tumawa muna siya. "Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi kayo okay ni Dindee."

Tiningnan ko si Mommy. Parang hindi na siya nagbibiro. Hindi na rin nagsalita. Bumalik ako sa sofa.

Antagal naging tahimik ang bahay. Kung hindi pa dumating si Daddy, wala talagang maingay.

"Alam mo ba, Daddy, si Red?" Tumingin sa akin si Mommy, na tali nang-aasar.  Binitin niya pa.

"Ano si Red?'' 

Tumawa si Mommy. "Chickboy din, kagaya mo."

Nabilaukan kunwari si Daddy. Natawa tuloy ako.

"Digital na talaga ang karam. Mukhang may ginawa ka na namang kababalaghan."

"Uy, Remedios, huwag mo akong pagbibintangan. Si Red ang topic dito, hindi ako."

Tahimik lang ako.

"Guilty lang ang peg?"

"Hindi, ah. Baka si Red."

Ang parents kong mga pasaway. Ginawa na naman akong dessert.

"Hindi po ako chickboy, Dad."

"Kita mo na! Mana sa akin!" pagmamayabang ni Daddy.

"Sure ka?" tanong niya sa aking ama.

"Oo! Saka okay lang naman sa lalaki na maging chickboy. Kesa naman manlalaki. Di ba, Red?"

"Hoy, hindi bakla ang anak natin. Gusto lang niyang magpari pero hindi siya bakla!" 

"Sinabi ko ba? Sa hitsura at tindig ng anak natin, bakla. Kukurutin ko siya."

Natawa kami kasi nagbakla-baklaan si Daddy. Naiinis lang ako kasi ginawa nila akong panghimagas. Na-speechless tuloy ako.




Wednesday, May 27, 2015

Bungol

Ang mahigit kuwatro-anyos kong anak ay natutong magsalita ng Aklanon sapagkat doon siya nag-aral ng Kinder, 1 kaya nang makasama ko nagkaroon kami ng languange gap.

Madalas, hindi niya ako maunawaan. Hindi ko lang alam kung hindi niya talaga ako marinig o talagang hindi niya maunawaan ang Tagalog ko. Kaya, ang resulta ay inuulit-ulit niya ang salita o di kaya'y 'Ha?' ang tanong niya.

Nainis ako isang gabi kaya nasagot ko ng 'Bungol!'

Hindi na siya nagsalita. Naglaro na lang ulit siya.

Ang tanda ko, madalas mangyari ang ganoong tagpo. Pero, kinabukasan, binulungan niya ako. Hindi ko narinig kaya tumango lang ako. Mabuti at hindi niya alam na nabungol din ako.

"Huwag mo na akong sasabihan ng bungol, ha?" sabi niya uli. "Lakasan mo na lang ang boses mo." payo pa niya.

Maliwanag na maliwanag sa akin ang dating. Naawa akong bigla sa kanya, kasabay ng pagkakaroon ng guilt. Na-realize ko na dinidibdib niya pala ang salitang iyon.

Ang mga magulang ay dapat maging maingat sa paggamit ng mga salita kapag nakikipag-usap sa kanilang mga anak.

BlurRed: Garter

Maayos na naidaos ang kasalan. Nakasurvive ako sa suot ko. Sabi nga ni Sharon, 'kering-keri' ko raw at bagay na bagay kami. Naging laughingstock tuloy kami.

Lakas ng trip ng kinakapatid ko. Pansinin na nga ako (hehe) lalo pa akong napansin dahil sa kanyang pagpapansin. (Ang labo!)

Nang ihahagis na ng bride ang bouquet, pinakiusapan niya ang mga single.na.huwag nilang saluhin dahil siya daw ang susunod na ikakasal. Tawanan uli ang mga bisita. Naging kenkoy na tuloy ang usapan. Idagdag pa ang ginawa niyang pagbulong sa mga single na lalaki at mga abay, maliban sa akin. Alam ko na ang binulong niya. Kaya nga ako ang nagtanggal ng garter sa binti ng bride.

Palakpakan na may kasamang tawanan at hiyawan ang nangyari nang pinagpares kami ng host. Pinasayaw kami ng sweet music. Tuwang-tuwa ang lahat, pati ang mga tatay namin. Ang mga buwisit, kinilig pa

Game naman ako. Hindi ko ipinakitang naaasar ako. Iyon lang pala, e. Kaso, may sumigaw ng ng 'Kiiiss!'

No choice kundi, ikiss ko siya. Sa, cheeks lang.

Kakaibang experience! Worth it.

Alas-nuwebe ng gabi nang nakauwi kami sa bahay. Imbes, na tungkol sa kasalan ang pag-usapan namin, si Mommy ay nagkuwento tungkol sa usapan nila ni Dindee sa cellphone.

"Hindi rin ako magsosorry sa kanya,  Mommy. Hindi ako nagkamali sa kanya. Patigasan po kami." Tapos, pumasok na ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Nalumbay ako. Hindi ko kaagad nahubad ang mga suot ko sa pag-abay.

Kalahati ng puso ko ay magsasabing magsorry ako.






Tuesday, May 26, 2015

BlurRed: Tiaong

Kagabi, pagkatapos akong ihatid nina Boss Rey at Jeoffrey, naghanda naman ako para sa pagbiyahe namin patungong Tiaong, Quezon kung saan mag-aabay ako sa kasal.

Alas, tres ng hapon, nasa bus terminal na kami. Hinintay lang namin ng konting sandali sina Sharon at sumakay na kami ng bus. Magkatabi kami ni Sharon. Ang magkumpare naman ang nasa likod namin.

Ang daldal ni Sharon. No dull moment. Hindi naman siya nonsense pero ultimo ang bagay na hindi na dapat ikuwento ay ikinukuwento niya. Nalaman ko tuloy na ang kuya niya ay kapatid niya lang sa ama.

All in all, gusto ko ang companionship ni Sharon. Hindi siya boring kasama. Ang ayaw ko lang sa kanya ay ang pagiging madikit niya sa akin. Kung ibang lalaki lang ako, o kung hindi ako magpapari, hehe, sasamantalahin ko ang mga touching at flirting niya, lalo na't obvious at vocal ang paghanga niya sa akin.

Maganda siya at chubby. May sense kay pag hindi niya binawasan ang pagiging sweet sa mga lalaki, masisira ang buhay niya. Gusto ko nga siyang pagsabihan kaso ayokong makaoffend. Umiwas na lang ako. Niyakap ko ang backpack. Naging frontpack tuloy.

Mga pasado alas-singko, dumating na kami sa Tiaong. Akala ko ay makakaligtas na ako kay Sharon. Hindi niya pa rin ako nilubayan. Niyaya pa akong maglakad-lakad sa plaza nila. Tinour niya ako. Mabuti na lang ay magaganda naman ang tanawin sa kanila kaya hindi ako naboring.

"Gusto ko dito ako ikasal sa lalaking mamahalin ko." sabi niya nang mgawi kami sa simbahan, sabay kapit sa braso ko.

Hindi ako nagreact siyempre. Kasal agad?! Ligawan niya muna ako. Jeje

Monday, May 25, 2015

BlurRed: Buffet

"Bro, samahan mo nga akong bumili ng drumsticks." Bigatin na si Jeoffrey. Tumatawag na siya. Hindi na siya marunong magtext.

"Hindi pa ako nakapaghanda ng tutugtugin ko mamaya."

"Mabilis lang naman."

Napilit niya ako. Sumama ako kasi libre daw niya ako ng pagkain.

Binilisan namin ang pagbili para makauwi ako agad. Kaya lang, tumawag si Boss Rey kay Jeoffrey. Noong una ay hindi ko alam. Nang tumigil ang kotse niya sa harap namin, saka ko lang na-realize na siya pala ang kausap ni Jeoffrey.

Grabe! Nag-eenjoy na siya sa relasyon nila. Sabagay, nagiging mapera siya dahil dito.

Nasa kotse na kami nang nagsalita si Boss Rey. "Mabuti, nakasama ka kay Jeoffrey, Red."

Hindi na ako nagpaliwanag. Tumango lang ako dahil tiningnan niya ako sa salamin.

"Kakain tayo sa buffet. Treat ko." announce ng boss namin, boss ko pala.

Si Jeoffrey lang ang nagpakita ng katuwaan. Natuwa din ako dahil first time ko sa buffet restaurant.

Andami kong nakakain. Siyempre, andami ring kuwentuhan. Nakakawala daw kasi ng busog kapag nagkukuwentuhan.

Sa aming pagkukuwentuhan, napansin kong hindi naman sweet ang dalawa. Parang hindi naman sila. Siguro, dahil nasa public kami. Napuna ko lang kasi parang ako lagi ang kinakausap ni Boss. Panay ang tanong tungkol sa akin. Nalaman niya na nga ang tungkol sa.pag-aaral ko pati ang mga babaeng malapit sa akin. Para ngang wala siyang ginawang masama sa akin noon kung makapagtanong. Sabagay, wala namang masama. Ang ayoko lang malaman ay kung may pagnanasa pa rin siya sa akin.

Sunday, May 24, 2015

Hijo de Puta: Ciento diyes

"Baka marinig tayo." pabulong na sabi ng babae.

Narinig ko siya kanina lang bago ako nakatulog. Siya yata ang girlfriend ni na Leonardo kararating lang. 

Nakapatay ang ilaw pero nababanaagan ko ang mga katawan nila.

"Hindi 'yan. Lasing na lasing 'yan kanina." Mahina rin ang boses ni Leonardo. 

Tapos, nagsimula siyang maglatag ng banig sa sahig. Kinuha niya ang isang unan sa tabi ko. Hindi ako kumilos.

Wala na ang pagkahilo ko. Nawala na rin ang antok ko. Sensitibo na ako sa ingay kaya naririnig ko na ang mga kaluskos ng magkasintahan.

Ang ingay ng halikan nila. Kumakatas. 

Tinayuan agad ako ng sandata. 

Sumunod na narinig ko ay nagsimula na silang magtanggal ng mga saplot. Lalo namang tumigas at humaba pa si Manoy. Gusto ko na itong batihin. 

Sa kagustuhan kong mapanuod ng live, kahit silhoutte lang, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at itinukod ang mga siko ko sa kama para masulyapan ko ang dalawa. Sa paanan ko,  sarap na sarap si Leonardo sa paglabas-masok ng bibig ng babae sa tarugo niya. Hindi na nga niya napigilan na hindi umungol. Kaya naman, bumalik ako sa dati kong puwesto. In-imagine ko na lang sila habang pinapakinggan ang mga nakakalibog na tunog ng kanilang oral sex. 

Matagal ding nilaro at sinipsip ng babae ang ari ni Leonardo bago sila nagpalit ng puwesto. Siya na ngayon ang umuungol. Pero, mas malakas kahit paimpit. Siguro, ang sarap dumila ng girl friend niya. Naalala ko tuloy si Romina. 

Alam kong nakapikit ang babae kaya dumukwang ulit ako ng bahagya. Nakakalibog.. Tayong-tayo na ang bura* ko. 

Hinimas ko si Manoy. Nagkukumawala. Kaya, hindi ko napigilang ipasok ang kamay ko sa pantalon, at sunod sa loob ng underwear ko. Sinubukan kong jakolin pero mahirap.

Maya-maya pa ay may kumaluskos. Alam kong itinarak na ni Leonardo ang talong niya sa p*ke ng gf. 

Tinanggal ko ang kamay ko sa ari ko baka makita ako. Tapos, pinakinggan ko ang nakakalibog na mga sound effects ng kanilang pagkadyot. Nakakalibog. Gusto na tuloy pumulandit ng katas ko. Kung majajakol ko lamang ito, malamang sasabog agad ako sa loob lang ng tatlong pagbati.

Inggit na inggit ako sa kanila. Nagawa pang pumatong ng babae sa lalaki upang siya naman ang kumadyot. 

Hindi agad ako nakatulog nang makaraos ang dalawa. Gusto ko kasing magjakol. Ang sakit sa ano. Hindi ko nagawa. 


BlurRed: Peace Be With You

"Simba tYo, Red. SmhaN mko." text ni Riz, alas-sais pa lang ng umaga. Naalimpungatan tuloy ako.

"nxt tyM n lnG, Riz. NpuyAt aq kgbi s gig.."

"Sus! Pg s tugTugan, game k. Pro pg s Dyos, hndi.."

Parang nakonsensiya tuloy ako. Tama naman siya.

"Sn b tyo mgccmbA?" Napilitan ako.

Naisip ko, mas matinding sakit ang naranasan niya pero di pa rin siya natinag sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Siya pa ngayon ang nagpapaalala sa akin na dapat ako ay laging magpasalamat sa mga biyayang natatamo sa araw-araw.

"Red, salamat, sinamahan mo ako." Tinapik pa niya ang kamay ko.

Nagsesermon na noon ang pari, kaya pabulong akong sumagot. "Welcome! Bakit di mo pala kasama ang parents mo? Bakit ako? I mean,.di ba dapat family day ngayon?"

"Mamaya pang hapon, e. Gusto ko kasi ngayong umaga. Saka, gusto kong.."

"Ah. Kami rin. Mamaya pa sana magbobonding."

Wala na kaming kibuan hanggang matapos ang misa.

Sabi ng pari, batiin daw namin ng 'Peace be with you!' ang mga katabi namin. Ginawa namin. Nakakatuwa si Riz kasi parang gusto niya pang makipagbeso. Siguro ay nasanay sa magulang niya.

Matapos ang misa, niyaya ko siyang mag-lunch.

"Sana lagi tayong ganito, Red.." turan niya pero nahihiyang tumingin sa akin.

Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako pero parang di niya yata napansin.

"Hindi ka ba masaya na kasama ako?" Inangat na niya ang paningin niya sa akin.

Nagkatitigan kami.

"Masaya. Pero, hindi naman tayo pwedeng ganito palagi. Alam mo naman 'yun, di ba?"

"Oo. Alam ko. Okay na ako sa ganito." Uminom muna siya ng softdrink. "Masaya ako kapag kasama ka. Sa tindi ng pinangdaanan ko, nababawasan iyon pag nakikita kita. Sana naunawaan mo ako."

Nginitian ko siya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung alam niya lang.. Masaya naman ako kapag magkasama kami. Pero, may taong nalulungkot.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin kami okay. Malabo na yatang magsorry siya sa akin. Ang alam ko lang malinaw na hindi ako yuyukod sa pagkakataong ito. Pinangako ko na iyan sa sarili ko.

Kung hindi siya magsosorry sa loob ng isang linggo, ibig sabihin ay sinuko na niya ako.  Pag nangyari iyon, wala na rin akong magagawa kundi isuko siya.

Saturday, May 23, 2015

Ano Ba Talaga?

Kapag nanalo, magaling raw siya.
Kapag natalo, nadaya daw siya.

Kapag mainit, nagrereklamo.
Kapag malamig, nagrereklamo.

Bubuksan ang aircon magdamag,
Pero, magkukumot naman agad.

Magtitimpla ng mainit na kape
Pero, hihintaying lumamig ng konti.

Hindi nag-lunch, diet raw siya,
Pero, ang sasarap ng dinner niya.

Ang hilig niyang mag-hashtag POTD.
Suot naman niya lagi, ay uniporme.

Sa beach, nagpapa-tan raw siya.
Dati naman talaga siyang negrita.

Hindi daw siya grade conscious,
Pero, nagtanong kung ilang points.

Sabi ng jeepney driver, may isa pa.
Pagsakay ko, mga baboy, nauna na.

Mabait lang raw, OK ng maging asawa.
Huwag ka, gwapo pala ang hanap niya.

Wala raw siyang kahilig-hilig sa tsismis
Pero, kilala niya ang may ibang misis.

Very strict daw ang mga parents niya,
Pero, sa kalsada, nagpapaligaw siya.

Maka-Diyos daw siya at relihiyosa,
Pero, ang lutong niyang magmura.

Siya raw ay purong Pilipino,
Pero, imported ang paborito.

Kapag nakasakit ng kapwa, ang bait.
Kapag nasaktan ng kapwa, ang sungit.





TV Ads Alumni Homecoming 2015

Sa mahabang dining table, nag-usap-usap ang magkakaibigan slash magkakaribal. Basahin niyo ang usapan nila. Magbabago ang tingin niyo sa TV niyo.

Royal: "Snackulit time na!"
Mega Sardines: "Sari-sari ang sarap."
Aji-Ginisa: "Ginisarap. Ginisaya!"
Milkita: "Masarap na, may calcium pa."
Mama Sita: "Ang sarap nito. Usok pa lang, ulam na."
Nips: "Ha-Nips!"
Nescafe. This is the best tasting coffee ever.
Kopiko Coffee: "No. Ito ang masarap! Sarap ng saktong timpla."
Bear Brand Choco: "Ito. Gatas na choco."
Selecta Cornetto: "Hmm. Sarap ng 20."
Sprite: "Corny mo. Magpakatotoo ka nga!"
Cerelac: "Ito naman has big nutrition for small tummies."
Datu Puti: "Mas masarap pag pares."
EQ: "Walang tatalo sa alagang EQ."
Charmee: "Ang alaga for me, Charmee!
Babyflo: "That's my baby!"
Buscopan: "Tiyan kayo magaling! Tumigil nga kayo."
Sinutab: "Mas gagaling ako!"
Emperador Light: "Relax. Gawin mong light, kaibigan."
Jollibee: "Bee happy."
McDo: "Love ko 'to."
Cheezy: "Say Cheezy!"
Hansel: "Tama na 'yan. Kainan na! Snack happily ever after."
Swiss Miss: "Well, let's indulge in the moment."
Spicy Bulalo: "Korek! Happy kahit saan."
Clusivol: "Let's gana eat, dahil bawal magkasakit."
Kit Kat: "Have a break. Have a Kit Kat."
Magic Sarap: "Dumale ka na naman. Anong nakain mo?
Bonakid: "Batang may laban, e!"
Grand Monaco: "Listen guys! Tutulungan ko kayong magkabahay."
LBC: "Yehey! We like to move it!"
Clear: "I have nothing to hide. Gusto ko ng bahay, Grand Monaco."
Grand Monaco: "Sure. Tutulungan kita."
Globe: "Wow! Connecting people."
Creamy White: "Ikaw anong choice mo?
Cebuana: "Pera, siyempre! Basta pera, ipa-Cebuana."
Sunsilk: "Mukhang pera. Nakakagigil!"
Biogesic. "Sssh. Ingat na kitang-kita. Ingat na damang-dama."
Growee: "Grand Monaco, ask ko lang. Matibay pa ang bahay mo? Not just tall, tough din ba?."
Grand Monaco: "Naman!"
TalkNText: "Araw-Araw panalo."
Growee: "Paano kung magiba ng earthquake?"
Modess: "Stop the kaba."
Dove: "E, di, repairs damage in just 1 minute.
Nido: "Laking Nido, protektado."
Ped-Zinc: "Protektadong-protektado!"
Lactum: "Basta ako, 100% panatag."
Breeze: "Guaranteed or our money back?"
Grand Monaco: "Yeah!"
Lumina: "Sa akin na kayo kumuha ng bahay. It's every Juan's home."
Alaska: "Suki for life."
Nesfruta: "I want to discover what's real."
TCL: "I'm looking for the creative life."
Wilkins: "Ikaw na ang artist!"
Smart: "So, live more."
Strepsils: "Enjoy life and live well."
B'lue: "Live to feel."
Nips: " Uy, may bagong dating! Ha-nips!"
Cherifer: "Tangkad sagad!"
Rejoice: "Wow! Parang nakapag-asawa ng mayaman.
Myra E: "Next level ang skin natin. Next level ang ganda natin.
Wilkins: "Ikaw na ang beauty queen!"
ACLC: "Ang sarap ng buhay ng may hanapbuhay. Birthday ko lang naman ngayon."
Selecta 3-N-1: "E, di, happy, happy kaarawan!"
Goldilocks: "My Goldilocks, my goldilove, asan ang pasalubong ko?"
ACLC: "Sorry, I forgot."
Goldilocks: "Okay lang, laro na lang tayo."
ACLC: " Sige, tara!"
Kit Kat: "Have a break. Have a Kit Kat, mga isip-bata!
Johnson's: "Hindi lang laro ang laro. The more they play, the more they learn. "
Bear Brand: "Ikaw, Kit Kat, saan galing ang tibay mo?"
Kit Kat: "Sa Nestle! Ha ha!"
Cornetto: "Saan ka ba galing, Bactidol?"
Bactidol: "Sa CR. I feel the chill, inside."
Rebisco: "Ang sarap ng filling mo."
Cleene Clio: " Did you keep it Cleene?"
Bactidol: "Yes!"
Maxi-Feel: "Bagong ganda. Bagong pag-asa."
Clear: "Maiba ako. Payuhan niyo ako kung paano magpainom ng gamot sa mga bata."
Enfagrow: "Give your child a 360 advantage."
Biogesic: "Give him Biogesic for kids. Mas masarap inumin, mas mabilis ang paggaling.
Wilkins: "Ikaw na ang Mommy!"
Rexona: "That's true. It won't let you down."
Bravo: "Yes, it's simply, bravo!"
Sunsilk: "Ang saya! Kailan mauulit ito?"
Samsung: "Next is now."

My Wattpad Lover: Joy

Ilang minuto na akong nakaharap sa laptop ko pero blangko pa rin ang Word ko.

Nag-type ako.

"Sa isang madilim ma sulok ng bahay...

Dinelete ko. Pangit.

"Sorry, Lira. Sorry sa..

Deleted uli.

Tumayo ako. Naglakad-lakad. Pumikit ako at inisip si Angela. Shit! Wala akong maalala sa kanya kundi ang tagpong nasa hospital siya.

Bumalik ako sa harap ng computer. I closed the Word and typed wattpad.com on the search box.

Username and password are needed. What a heck?! I almost forgot. Sinubukan ko ang nasa isip ko. Mali. I tried another. Mali pa rin.

I quit trying and find myself on my bed. Binalikan kong lahat ang mga alaala ni Gelay. Pinilit ko ring hikayatin ang sarili ko na magsulat ulit.

One hour later, tumunog ang cellphone ko. It is a call from Glenda. Pinakinggan ko lang ang ring tone ko because I don't want to talk to her.

Another ring was heard. It annoys me so I power it off. Then, I went back to my lappy to try the last possible username and password.

Halos, tumalon ako sa tuwa nang maging  successful ang mga entries ko. Kaya agad kong inisa-isa ang notifications sa wattpad ko.

Sobrang dami. Thousands. Nakakatuwa. Nanumbalik ang eagerness kong magsulat because I still have my followers. They are waiting for my updates. They are looking for me.

Hindi ko kinayang mabasa lahat ng comments kaya I clicked Works. Eventually, my works lined up. Natuwa ako dahil milyong-milyon na ang Reads sa bawat story ko.

Then, I searched Angela's account. Agad ko itong nakita ngunit ikinalungkot ko ang aking nabasa. She's not using that account already. Wala siyang sinabing dahilan but I guess she just wanted to put an end in our relationship and communication.

Pinanghinaan ako ng loob. Useless ang drive kong magsulat kong wala akong inspirasyon. I want to hear from Angela.

I explore my wattpad and a story entitled 'Nang Inibig Kita.." by joy, captivated my attention. The cover looks great and the title sounds interesting. Hence, I start to read it..


I Maybe Daft, But I'm Not Stupid

I maybe daft, but I'm not stupid.
So if you fool me once, shame on you;
Fool me twice, shame on me.
I will never be a fool forever
Remember that there's no fool
 like an old fool
Because a fool at forty
  is a fool forever.
Sometimes, I go to fool's paradise
And I play the fool.
I'm also a penny wise, pound foolish,
But I know that a fool and his money
  are easily parted.
And I believe that fools rush in
  where angels fear to tread.

Idiomatic Eye-xpressions

Ang mga mata ay mahalagang bahagi ng katawan sapagkat ginagamit ang mga ito sa pagbabasa. Samantalang, ang pagbabasa naman ay gawaing nagpapayaman sa ating intelektuwal na kaisipan.

Kaya, nangalap ako ng English idiomatic expressions na may salitang 'eye' upang hindi lang natin pahalagahan ang ating mga mata, kundi mapaunlad pa natin ang ating kaalaman.

Simulan na natin:
1. A fresh pair of eyes. Ang taong matamang sinuri ang isang bagay.
2. All eyes are on someone. Ang lahat ng atensiyon ay nasa kanya.
3. An apple of your eye. Sinumang napakaespesyal na tao sa isang tao
4. Beauty is in the eye of the beholder. Ang bawat isa ay may kanya-kanya opinyon para sa o ng kagandahan.
5. Bedroom eyes. May seksing paningin sa kanyang mga mata.
6. Better than a stick in the eye. Isang bagay na hindi gaanong maganda o mabuti, pero mas maigi kaysa wala.
7. Bird's eye view. Perpektong anggulo para makita ang kabuuan ng isang bagay.
8. Blink of an eye. Ito ay napakabilis na pangyayari kaya imposibleng mapansin ng tao.  9. Blue-eyed boy. Ang paboritong tao
10. Cast sheep's eyes at. Mapagmahal na pagtingin sa isang tao.  
11. Cry your eyes out. Umiyak na parang walang katapusan.
12. Discerning eye. Mahusay sa paghuhusga sa kalidad ng isang bagay.
13. Eagle eyes. Kakayahang makita ang kahit napakaliliit na detalye ng isang bagay.
14. Eye candy. Siya ay napakaganda.
15. Eye-opener. Isang nakakagulat na katotohanan para sa lahat tungkol sa isang bagay o tao.
16. Eyes are bigger than their stomach. Ang taong gahaman o masiba.
17. Four-eyes. Taong nakasalamin. O salamin sa mata
18. Give your eye teeth. Kung nais mo ang isang bagay, paghahandaan mo o magsaskripisyo ka para maabot ito.
19. Green-eyed monster. May matinding pagseselos
20. Hit he bull's-eye/bullseye. Nakuha ang minithing pangarap o plano.
21. In the twinkling of an eye. Napakabilis na pangyayari.
22. Keep your eye on the ball. Maging alerto sa maaaring mangyari.
23. Keep your eyes on the prize. Magpokus sa pagkamit ng positibong resulta.
24. Keep your eyes peeled. Maging laging alerto o mapagmatyag.
25. More than meets the eye. Mas mahirap kaysa sa inaasahan.
26. Mud in your eye. Ibang paraan ng pagsabi ng ' Cheers!" kapag nag-iinuman
27. Not bat an eye. Hindi siya nag-react gaya ng normal na reaksiyon ng iba.
28. One in the eye. Kapag nagtagumpay ka pero kinainisan ka sapagkat akala nila ay wala ka talagang kakayahan.
29. Pull the wool over someone's eyes. Dinaya o niloko mo sila.
30. Raises eyebrows. Nagulat o namangha ang sila.
31. Roll your eyes. Ipinakita mo sa mata mo na hindi ka intetesado o naniniwala sa sinasabi niya.
32. Scales fall from your eyes. Na-realize mo agad ang katotohanan tungkol sa isang bagay.
33. See eye to eye. Umaayon sila sa lahat.
34. Sight for sore eyes. Bagay o tao na masrap tingnan o titigan.
35. Stars in their eyes. Ang taong may pangarap maging sikat.
36. Take their eye off the ball. Hindi sila nakapokus sa mahalagang bagay.
37. Talk a glass eye to sleep. Napakaboring at paulit-ulit.
38. Turn a blind eye. Mariing binalewala mo ang isang bagay, lalo na dahil may ginawang hindi maganda ang iba.
39. Up to your eyes. Ikaw ay malalim na pagkahumaling sa isang gawain. Gustong-gusto mo ito.
 40.Worm's eye view. Kabaligtaran ng bird's eye view. Ibig sabihin, galing sa ilalim.

Don't lose your eyes to these information. Hehe. Mahalaga ang bawat kaalaman.

Mga Pangalang Idyomatiko

Ang mga pangalan ng tao ay ginagamit din bilang idyomatikong pananalita. Mahalaga na malawak ang ating pagkakakilalan sa kanila upang hindi tayo maging ignorante.

Narito ang ilan:
1. Adam's apple. Ito ay bahaging nakaumbok sa lalamunan ng isang lalaki.
2. Any Tom, Dick or Harry. Kayang gawin ng kahit sino.
3. Every Tom, Dick or Harry. Alam ng lahat.
4. Average Joe. Siya ay ordinaryong tao na walang katangi-tanging kakayahan o anyo.
5. Benjamin of the family. Pinakabatang anak. Bunso.
6. Jack Robinson. Maiksing panahon/orasr
 Mabilis
7. Davey Jones' locker. Ilalim ng karagatan. Libingan ng mga nalunod na manlalayag.
8. Do a Devon Loch. Matalo o mabigo, na halos malapit nang manalo/magtagumpay.
9. Do a Lord Lucan. Mawala na walang bakas ng pagkawala.
10. Jack Frost. Panahon ng niyebe. Winter.
11. Jack the Lad. Binatang may malakas na loob at hindi masyadong seryoso. Hindi niya iniintindi ang sasabihin ng iba.
12. Mickey Mouse. Isang bagay na.may mababang uri at hindi pinapansin.
13. Midas touch. Kakayahang magkapera sa anumang paraan.
14. Real McCoy. Tunay na artikulo.
15. Rich as Croesus. Napakayaman.
16. Smart Alec. Palalo. Ipinapangalandakan niya kung gaano siya katalino o kahusay.

Maaari na rin nating gamitin ang mga ito sa pagsasalita, pakikipag-usapan o pagsulat.





BlurRed: Emo

"May maitutulong ba ako sa inyo ni Dindee?" bungad sa akin ni Jeoffrey. Kararating ko lang sa bar. Naghihintay siya ng performances nila.

Hindi na ako nagtataka kung bakit niya alam na may problema kami ni Dindee. "Wala, Bro. Ayos lang. Kaya pa."

"Mukhang hindi, e."

Ngumiti lang ako ng pakunwari. Pero, ang totoo, tama siya.

Mabuti na lang ay tinawag na ang banda nila. Hindi na niya ako nakulit.

Pagkatapos ng performances nila, ako naman ang tinawag.

"Red, hihintayin kita. Goodluck!" Tinapik-tapik niya pa ako sa balikat.

"Okay!"

Ang lungkot nga ng mga tinugtog ko. Pero, nakita kong tawa ng tawa si Jeoffrey. Kahit nang nakababa na ako, di pa rin siya mapigilang tumawa.

"Puta! Sabi mo ayos ka lang! E, bakit emo ang mga kanta mo! Walang hiya! Inom tayo, ako ang taya." Nakipag-aapir pa siya.

Nag-isip muna ako bago ako umapir.

"Ayos! Sandali lang, paalam lang ako sa mga kabanda ko."

Pumuwesto na ako sa bakanteng table.

Ang sarap uminom kapag may problema. Sarap din pag libre. Iba na ngayon si Jeoffrey. Paldo na. Iba na ang may Papa.

Hindi naman ako nag-confide kay Jeoffrey. Siya nga ang nagkuwento tungkol sa mga napag-usapan nila ni Dindee. Tindi talaga ng pagseselos niya kay Riz.

Nalasing ako sa dalawang bucket na ininom namin ni Jeoffrey. Mabuti na lang at nakauwi ako. Pero, paggising ko, ala-diyes, ang bigat ng ulo ko. Pinagsabihan pa ako nina Mommy at Daddy. Nasasanay na raw akong uminom.

"Hindi naman po lagi. Saka, nayaya lang naman ako ni Jeoffrey." depensa ko.

"Wala namang problema, Nak. Basta, may limitasyon. Alam mo naman 'yun, di ba. Ingat ka lang. Malapit ka pa naman sa kapahamakan." litanya ng maunawain kong ama.

"Opo." Tapos, lumapit ako sa kanya. "Ah, ganyan pala ang ginagawa sa mga bonsai.."

Napangiti si Daddy. Alam niyang niliko ko ang usapan.


Hijo de Puta: Ciento nuwebe

Nakatihaya na ako sa kama ni Leonardo. Nakapikit na rin ang mga mata ko para makatulog na ako kahit umiikot na ang paligid ko.

"Hindi yata sanay uminom si Hector, niyaya-yaya mo pa." May halong paninisi sa tinuran ng ina. "Matulog ka na nga rin. Pasaway kang lalaki ka!"

"Wait lang naman po. Ililigpit ko lang 'yung mga.." Hindi ko na narinig pa ang karugtong.

"O, ikaw naman, Lianne, magpahinga ka na rin. Ang lalim na ng mga mata mo. Mamaya niyan bumigay na ang katawan mo. Sige na."

"Hindi pa po ako inaantok.."

Gumalaw ako para mapansin ako ni Lianne. Pinilit ko rin siyang tingnan.

"Si Hector, asikasuhin mo na lang muna kaya. Kape. Tama, kape! Painumin mo siya. Ako na ang bahala sa labas." Nakita kong lumabas na ang ina.

Nataranta si Lianne nang mahuli kong nakatingin sa mukha ko. Nginitian ko siya kaya biglang lumabas sa kuwarto. Natawa ako.

Ilang minuto ang lumipas, nang bumalik si Lianne. May dala siyang tasa ng kape. "Uminom ka ng kape para mawala ang pagkalasing mo." Niyugyog pa niya ang braso ko.

Isang masarap na sensation ang tumakbo sa aking mga ugat. Nabuhay ang dugo ko.

Umungol ako bilang tanda na narinig ko ngunit hindi kaya ng katawan ko na bumangon. Mahihilo lang ako ng kaunti pero kaya ko. Chance ko na iyon..

Nilapag muna ni Lianne ang kape saka muli niya akong niyugyog. Sa balikat, hinawakan niya ako. Kinuha din niya ang kamay ko at hinila patayo. "Inumin mo na ang kape."

"H-hindi kape ang kailangan ko.. ikaw." pilyo kong sabi. Nakamulat na ako. Tapos, ako na ang nakahawak sa kamay niya.

"Ah, ganun!?" Humulagpos siya para kunin ang tasa. "Buhusan kaya kita nitong mainit na kape para tumino ka. Arte mong lalaki ka!" Ang cute niya magalit. Ang sarap ulit-uliting asarin.

Napabangon ako bigla. Nginitian ko siya. Saka namang pasok ni Leonardo.

"O, Leonardo, ikaw na nga ang mag-alaga dito!" galit na utos sa kapatid.

Tumawa muna si Leonardo. "Kaya mo na 'yan. Magto-tong-its kami ng tropa ko."

Ayos talaga ang magiging bayaw ko!

Inabot na niya ang kape sa akin. "Ang sarap mong hambalusin."

Bago ako humigop ng kape, sinagot ko siya. "Salamat! Ang sarap mo rin.." Ngumiti pa ako.

"Bastos mo talaga!"

"Walang bastos dun. Sinagot lang kita. Pero, sorry na rin." Nagseryoso na ako. "Lianne, kahit nakainom ako, sorry na. Sana mapatawad mo na ako."

"Paano kita mapapatawad e, lalo mo lang dinadagdagan ang mga kasalanan mo!" Galit pa rin siya.

"Paano ba? Gusto mo bang lumuhod pa ako?"

"Hay naku! Wag na, Hector! Ayusin mo lang 'yang buhay mo. Diyan ka na. May aasikasuhin pa ako." Lumabas na siya.

Napag-isip-isip ko ang katuturan ng kanyang sinabi. Pinapatawad na niya ako pero kailangang magbago ako.


Nabuhayan ako ng loob.

Hijo de Puta: Ciento otso

"Bakit umiiwas ka, Lianne?" tanong ko habang walang makakarinig. Nasa kusina kami. Tumutulong ako sa pagtitimpla ng kape para sa mga naglalamay. 

"Hector, this is not the right time." 

"Kailan?" Mas lumapit ako sa kanya.

"Kapag napatawad na kita." sabi niya bago siya tumalikod at lumabas sa kusina. 

Naiwan akong nakamaang. Sunod ay nag-isip ako ng paraan para mapatawad niya. 

"Kuya, Hector.. bakit ikaw na ang gumagawa niyan?" ang kapatid ni Lianne.

Nagising ako mula sa pag-iisip. "Hindi. Tumutulong lang ako sa ate mo." Pinagpatuloy ko na ang paghalo ng asukal sa kape.

"Sige na po. Ako na. Tapos, hayaan mo na sila niyan. Andami namang nag-aayuda. Doon tayo sa likod, may konting salo-salo." Kinuha na niya sa akin ang tray ng mga ng natimplang kape. "Tara!"

Sa umpukan ng mga lalaking kaedaran niya, ipinakilala ako ni Leonardo sa bawat isa. Lima silang lahat. Agad naman akong tinagayan ng isa, pagkatapos bigyan ng mauupuan ng isa. 

Ang sarap palang uminom kapag may babaeng gusto kang makausap pero wala kang lakas ng loob masyado. Narealize ko, malaki rin pala ang nagagawa ng alak. Nakakapagbigay ito ng kakaibang tama sa utak.

"Alam mo, 'tol, L-leonardo mahal na mahal ko.." Maliwanag pa ang pag-iisip ko pero, nahihirapan na akong ayusin nag pananalita ko. "..ang ate mo!" Kami na lang ang nag-uusap kasi nagkanya-kanya kuwentuhan na. "Hindi ko lang alam kung bakit..h-hanggang ngayon, hanggang n-ngayon..ay hindi niya pa ako.. napapatawad!"

"Bakit? Anong kasalanan mo sa ate ko?" Alam kong mas marami pang nainom si Leonardo kesa akin pero malinaw pa ang kanyang pananalita. 

Hinilamusan ko ang mukha ko ng aking mga palad, saka ako nagsalita. "K-kasi.. gago ako, e. Ang gago ko!" Naiiyak na ako.

"Leonardo, ipasok mo na ang kuya mo dito." Naulinigan ko ang boses ng mahal ko mula sa bintana, sa likod ko. 

Shit! Narinig niya yata lahat.

"Sandali lang, Te. Nagkukuwentuhan pa kami." 

Tumayo na ako. Muntik pa nga akong matumba. Mabuti at maagap si Leonardo.

"Pasok na tayo dun, Kuya." Inalalayan niya na ako paloob.

"Pasensiya na po.." sabi ko sa nanay nila nang marinig kong kausap at sinisisi si Leonardo.

"Sige lang, Hector. Pasok na. Pahinga ka muna ha?!" 

Nahihiya ako kaya kailangan kong makabawi..


Makabagong Laro vs. Laro ng Lahi

Online at offline games, dumarami.
Epekto sa bawat manlalaro, ang tindi.
Ang Candy Crush, noon man at ngayon,
Nakakaadik pa rin at nakakagumon
Astig na Dota, patok sa mga estudyante.
Nagka-cutting pa sa kanilang mga klase.
Naalala ko pa ang Farmville sa Facebook
Alagaan ang mga tanim para di mabulok
Sipag daw ang puhunan para yumaman,
Pero ang totoo, wala namang kahihinatnan.
Kaya nga sa larong Plant Vs. Zombies,
Magtanim ka para sa kalaban, may ihahagis.
Ang Clash of Clans, tayo'y nakikipaglaban.
Ang tinuturo ay katapangan at karahasan,
Ang Counter Strike ay isa ring halimbawa
Patayan, barilan.. saksakan, napakasama!
Mga Angry Birds, nagagalit at nakabilanggo.
Sa Temple Run, bida ay takbo lang ng takbo.
Si Flappy Bird, sa ere, ay lipad lang ng lipad.
Daliri ay nagagasgas, nasisira ang keypad.
Mga mata ay nasisilaw, oras ay nasasayang
Sa mga larong makabago, ngunit abala lang.
Ang mga ito'y wala naman talagang panama
Sa mga laro ng lahi, gaya ng siato at sungka.
Talino't lakas ng katawan, hatid sa manlalaro
Pagkakaibigan pa sa kanila ay nabubuo.




Nakakabulag ang Cartoons

Isang araw, nagsabi ang anak ko na kuhaan ko raw siya ng picture, hawak ang bolang styro.

"Parang Earth." aniya nang makita ang picture niya.

"Alam mo ba 'yung Earth?" tanong ko naman sa pag-aakala kong may alam na ang apat na taong gulang na bata.

"'Yung..yung nakikita sa langit."

"Hindi nasa lupa ang Earth. Ang lupa na kinatatayuan ng bahay natin ay Earth."

"Hindi. Sa langit ang Earth. Doon." giit niya. Itinuturo pa ang taas. "Malayo."

"Nasa Earth nga tayo. Ibang planeta ang nandoon."

"Napanuod ko sa Oggy, ang Earth nasa taas."

Hindi na ako kumibo. Ang hirap kalabanin sa rason ang batang nabulag ng cartoons.

BlurRed: Caption

"Gusto ko sa first year anniversary natin, magpapakuha tayo ng pictures sa studio..together. Gusto mo rin ba 'yun?" Hinarap niya pa ang mukha ko sa mukha niya. Nakaharap kasi ako sa computer. Nag-a-upload ng mga shots niya.

"Oo naman, gusto ko rin! Nice idea."

"Yehey! Thank you!" Tapos, dinampi niya pa ang lips niya sa lips ko. Mabilis lang, kaya di ko naramdaman.

"Pakiulit nga."

"Ito gusto mo?" Itinaas niya ang kanyang kamao.

"Huwag 'yan. Masarap masyado 'yan!"

Nagtawanan kami.

Those were the days, 'ika nga.

Nakakatuwang alalahanin ang mga masasayang samahan namin ni Dindee. Pero, nalungkot akong bigla habang nakatitig ako sa larawan ni Riz.

Siya ang dahilan ng away namin. Siya na madalas biktima ng maling pagseselos.. Siya na walang kamalay-malay.

Bakit nga pala ang selfie picture niya ang una kong nakita sa FB? Ang ganda pa naman niya ngayon. Idagdag pa ang caption niya na: "Excited to be with him, everyday."

Yay! Parang ako ang tinutukoy niyang 'him'. Kasi ako ang makakasama niya araw-araw
sa PNU. Magkaklase kami.

Natuwa ako. Wala namang masaya kung ma-excite siya. Hindi naman kami magkaaway. Nagkakasundo kami sa karamihang bagay. At sa totoo lang, excited na rin akong pumasok dahil sa kanya. Iba na kasi ang may kasama o kakilala ka na pagpasok mo sa kolehiyo oara hindi ka na mai-intimidate sa iba. Malakas ang loob mo dahil dalawa kayo.

Gusto kong mag-comment sa post niya. "Who is he?" Tinype ko na. Pero, di ko na ginawa. Baka lalong hindi kami magkabati ni Dindee.

Mamaya sa MusicStram, kakantahin ko ang tatlong malulungkot na kantang OPM gaya ng 'Paalam Na'. Kung paalam na nga ito, para kay Dindee ang kantang ito.

BlurRed: Mapride

Ma-pride talaga si Dindee. Ni hindi siya nagtext o nag-PM. Wala! Talo pa siya ng multo, dahil nagpaparamdam. Pero, siya, hindi.

Ayaw ko na ring manuyo. This time, magiging ma-pride na rin ako. Lagi na lang kasi ako ang nanunuyo. Nakakapagod.

Si Karryle ang nagtext. Nagtanong kung anong problema namin. Sinabi ko naman.


Hindi naman siya nangialam o kaya ay nagsuggest. Parang gusto niya lang na pag-usapan namin si Jeoffrey. Nakita ko ang interes niya sa kaibigan ko kahit di niya sabihin. Ayaw ko lang ding mangialam sa kanila. Basta, sinagot kong lahat ang mga tanong niya.

"Red, may sinabi sa akin si Dindee.." ani Mommy, pagkatapos kong salubungin siya ng kiss. Galing siya sa school.

"Nakita niyo naman po ang mga ginawa namin sa Brigada. Pinagbibintangan si Riz. Mali naman po yata 'yun." paliwanang ko habang nagtatanggal ng sapatos ang aking ina.

"Suyuin mo na, Nak, para okay na kayo.. Madali lang namang mapalambot 'yun.."

"Nasasanay po siya. Kung narinig niyo lang ang mga sinabi niya against Riz.." Tumigil ako. Natapon kasi ang asukal na ititimpla ko sa kape. "..Masasakit na salita, Mommy."

"Ganun talaga, Red. Intindihin mo na lang. Mahal na mahal ka kasi niya kaya feeling niya lahat ng babae na mapalapit sa kanya ay nilalandi ka."

Gusto kong matawa sa tinuran ni Mommy, pero naiinis ako dahil pati si Mommy ay nabulag niya. Siya pa ngayon ang kinakampihan.

"Ayokong suyuin siya, Mommy. Kung mahal na mahal niya nga ako, dapat malalim ang pang-unawa niya. Kape niyo po."

"Salamat!"

Pumasok na ako sa kuwarto. Ayoko nang marinig ang mga sasabihin ni Mommy dahil baka mag-away din kami.

Dapat ako naman ang suyuin niya ngayon. Kapag di siya nagtext o nagchat, mas lalong di ko gagawin 'yun. Kailangang maging ma-pride na rin ako, hindi dahil pogi ako (hehe), kundi dahil wala akong ginawang kasalanan sa kanya. Mahal na mahal ko siya.



E.S.T.U.D.Y.A.N.T.E

Edukasyon, huwag binabalewala.
Sa bisyo at kalokohan, umiwas ka.
Trabahong disente hahanapin pa.
Umasenso ang buhay, isipin mo na.
Dulot nito'y panghabambuhay talaga.
Yari ka naman, kapag nagpabaya ka.
Ang pag-aaral ay hindi basta-basta.
Nangangailangan ng sipag at tiyaga,
Tamang desisyon, tamang disiplina.
E, di wow, kapag nakapagtapos ka!

Pasukan Na Naman

Dalawang buwang bakasyon, o kaybilis
Hunyo Uno, parating na, buwang humahagibis!
Sa classroom, kailangang pang maglinis
Tiyak puno ito ng mga alikabok at ipis.
Mga files at abubot, dapat ding maimpis.

Ang sarili at ang utak, ihahanda na ko rin.
Mapapasabak sa pagtuturo ng mga aralin.
Aking mga mag-aaral dapat pang kilalanin.
Sa mga ugali nila, ako'y magiging bugnutin.
Lord, patnubayan Niyo po ako at palakasin.

Kapamilya Dramady

Nathaniel: Flordeliza.. Bumalik na ako. Ito na ba ang Home, Sweetie, Home natin? Let's Get Married..

Flordeliza: Oh, My G, Nathaniel! Nasaan Ka ng Kailangan Kita?

Nathaniel: Nasa Passion de Amor ako. Nagtrabaho.

Flordeliza: Nagtrabaho? Sinungaling! Kasama mo si Inday Bote!

Nathaniel: Hindi totoo 'yan. Wala akong Two Wives.

Flordeliza: Lumayas ka! Doon ka matulog sa ilalim ng Bridges of Love!

Nathaniel: Ngayong gabi lang, ha?!

Flordeliza: Hindi! Forevermore!




Thursday, May 21, 2015

Awkward Moment: simbahan

Awkward moment, kapag pinagtitinginan ka ng mga katabi mo sa simbahan dahil nagbubuklat ka ng Banal na Aklat habang ang pastor ay nagsasalita o nagteteksto.

Hindi man sila nagsalita, para ka namang matutunaw sa pagkapahiya, na akala mo ay may napatay kang elepante.

Pero, nakakainis kapag hindi ka man lang sinita ng nag-imbita sa'yo. Hinayaan ka na lang na matunaw ng mga nanlilisik na mata.

:))

Responsibilidad Daw

Matagal nang nagchachat sa akin ang estudyante ko dahil kinukuha niya ang card niya. Hindi niya kasi nakuha noong nagbigay ang school ng one week para sa issuance of cards.

Kanina...

''Sir anong date po pwedeng kunin?" tanong niya. "Baka po kasi enrollment na eh!" dagdag niya pa bago ako nagapag-reply.


"Bukas nasa school ako." Sigurado na ako kasi next week pa uli ang check-up ng mata ng Mama ko. Saka kailangan ko na rin talagang pumunta sa school dahil tiyak na ako na lang ang may maalikabok at magulong silid-aralan. Eleven days to go ay magre-resume na ang school year 2015-2016.

"Thank you po sir! Pupunta rin po kasi kami sa school ng kapatid ko, isusunod ko na lang yung akin." Ilang minuto pa ang lumipas bago niya ako nasagot.

Tamang-tama naman na ang kapatid ko ay hindi umuwi mula sa trabaho. Ibig sabihin, walang mag-aalaga sa aking ina kapag umalis ako bukas.

"Hindi pa pala ako makakapunta. Sorry." sagot ko. Nahiya ako sa bata.

Wala na siyang reply.

Kinabukasan..

Ginamit ang FB account niya ng kanyang guardian. "Sir good morning, guardian ako ni Ella, hindi pwedeng hindi namin makuha ngayon ang Form 138 niya kasi magpapasukan na at mag-eenroll pa ang mga bata. Nasa Paranaque na kami at  ngayon lang kami may free time para makuha ang card niya. So, we are expecting na magagawan n'yo ng paraan na makuha namin 'yan today."

Nagta-type pa ako nang masend uli siya ng text. "Sinabi n'yo din kagabi na pupunta kayo today kaya nag-settle kaming pumunta ngayon. Actually nasa biyahe na kami. So, please gawan natin ng paraan. Wag pabago-bago."

Kalmado pa ako nang nang-reply ako. Sabi ko: "Nasa Antipolo City ako. Inaalagaan ko ang Mama kong bulag. Hindi umuwi ang kapatid ko kaya di ako makakaalis."

Natuwa ako nang sabihing niya ito: "On Monday na lang siguro."

Hindi na ako nag-reply sa pag-aakalang okay na. Pero, nagtanong pa siya uli.

"Bukas po ba nasa school ka, Sir?"

"Ayaw ko ng mangako. Mahirap ang kalagayan ng isang bulag kaya kailangan ako.. Basta sa June 1, nandoon ako sa school. Sigurado 'yan." kako.

Hindi pa siya tumigil. "Pasukan na sa June 1. Oo, alam ko, Sir, mahirap 'yang sitwasyon mo. Pero, pasukan na 'yun. Magtatransfer si Ella. Siguro naman hindi din tamang kami pa ang mag-adjust just because of your situation. In fact, responsibility mo po 'yan as their teacher."

Nanginig na ako sa inis. Kaya, agad tumaas ang dugo sa ulo ko. Hindi ko naman sinabing mag-adjust sila. Ang akin lang ay maghintay sila at unawain ako.

Nagtype ako ng sagot ko. Mali-mali tuloy ang napapindot ko pero nasa logic pa rin ako. Hindi ako pwedeng magpatalo dahil mas makabuluhan ang rason ko.

Tapos, nag-send pa siya nito: " Pwede naman siguro namin makuha 'yun kahit wala kayo. Di ba po?"

"Ang layo ko nga e. Walang mga mata ang ina ko. Ni hindi makaluto dahil di makakita. Nagpapatak ng mga gamot. Kung malapit lang, bakit pahihirapan pa natin ang isa't isa. Ni hindi pa nga ako nakalinis ng classroom ko dahil dito. May date para sa kuhaan ng card, di kayo pumunta.. Nasa classroom ko ang card. Walang nakakaalam dahil nagtago ako ng mga gamit, gawa ng mga nanirahang performers from Davao. Hintayin niyo na lang po ako." Inisang type ko na lang ang lahat ng sagot ko.

Kulang pa nga iyan. Kung personal o tawag sana, mas nasabi ko pa ang mga kamalian nila.

"Konting unawa po sana.." Dinagdag ko pa ito.

Hindi na siya nag-reply.

Talo siya sapagkat siya mismo ang nagsabi na June 1 ang pasukan. Nang di sila sumipot sa kuhaan ng card, hindi naman ako nagalit sa kanila.

Oo, responsibilidad kong mag-issue ng card, pero mas mahalaga ang kalagayang kalusugan ng aking magulang. Tapos, na ang responsibilidad ko sa kanyang anak. Sadya lang talagang hindi siya makaunawa dahil akala niya sa mga guro ay guro buong taon.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...