Followers

Wednesday, May 20, 2015

Mga Pangalang May Katuturan

Hindi pa tayo isinilang, may pangalan nang inihanda ang mga magulang natin. Ganyan kahalaga ang pagkakaroon ng sariling pangalan.

Bawat magulang ay namimili ng pangalang may katuturan.

Kaya naman, sa English vocabulary, maging sa talasalitaang Filipino, ginagamit na rin ang mga pangalan ng tao upang makapagbigay pa ng bagong kahulugan.

Kakambal ng pagkakaroon ng pangalan ng tao ay ang pagkakaroon ng sariling identity na dadalhin natin hanggang kamatayan at lampas pa. Kaya nga ang iba, sinisikap na maging sikat at malinis ang kanilang pangalan.

May mga pangalan nga na ginagamit sa pang-araw-araw na pananalita at pagsulat upang mapainam, mapaganda ang mga usapan at babasahin.

Narito ang mga halimbawa:
*HERCULEAN. Galing ito sa pangalang Hercules isang tauhan sa Greek mythology. Siya ay kilala sa  hindi ordinaryong lakas at kakayahan. Kaya naman, ang salitang 'herculean' ay nangangahulugang "extraordinary power, extent, intensity or diffuculty"
*ACHILLES' HEEL. It means 'vulnerable point'. Kapag mayroon ka nito, may kahinaan ka, sapagkat si Achilles, na isang Greek warrior sa Troy, ay 'heel' ang kahinaan. Halimbawa: "Ang pagiging sensitibo ko ang aking Achilles' heel."
*QUIXOTIC. Ito ay galing sa pangalan ni Don Quixote. Siya ay romantic but not practical. He is capricious. Ang 'quixotic' ay nangangahulugan ding 'imaginary' at  'unpredictable'.
*OEDIPUS COMPLEX. Sa Greek mythology, si Oedipus ay anak nina Laius at Jocasta. Pinatay niya ang kanyang ama at pinakasalan ang ina. Sa sikolohiya, ang Oedipus complex ay ang seksuwal na pagnanasa ng anak sa magulang na may kasamang pagseselos.
*DEAR JOHN. Ito ay isang uri ng sulat na nakikipagkalas ang babae (asawa o kasintahan) sa lalaki. Nagsimula ito noong 1945 nang sinulutan ang sundalong si John ng kanyang asawa na sila ay maghiwalay na.
*JANUS-FACED. Kapag ikaw ay may 'Janus-faced', ikaw ay peke, manlilinlang, doble-kara, pretentious, o may dalawang magkasalungat na kaisipan, ideya o paniniwala. Si Janus kasi ay isang Roman god na may dalawang mukha. Siya ang simbolo ng mga pinto, bintana at lahat ng simula.
*PHILIPPIC. Kapag ang isang deklamasyon o talumpati ay punong-puno ng mapait na pananalita laban sa isang tao, ito ay matatawag na 'philippic'. Nagsimula ito sa mga speeches ni Demosthenes patungkol kay Philip II ng Macedon.
*JOHN BARLEYCORN. Katunog ito ng brand ng alak. Malamang sa ibang bansa ay isa na nga itong pangalang inuming nakakalasing. Sa Merriam-Webster dictionary, ito ay literal na nangangahulugang 'alak'.
*CESAREAN SECTION (C-Section). Alam ito ng mga nanay na nagpa-CS o nagpahiwa. Isa itong medikal na operasyon sa panganganak. Si Julius Caesar ang pinanggalingan nito.
*JACOB'S LADDER. Hindi ito hagdanan na pag-aari ni Jacob, kundi tawag ito sa uri ng hagdanan na ginagamit ng mga marino. Maaaring ito ay gawa sa lubid o kadenang may tabla o metal. Nagsimula ito sa panaginip ni Jacob sa Genesis 28:12.
*ADAMIC. Dahil si Adan o Adam ang unang tao sa mundo, kapag tinawag tayong 'adamic', nangangahulugang tayong 'sinaunang tao' o 'taong may matandang kaugalian'.
*TOM THUMB. Siya ay tinatawag na 'legendary English dwarf'. Kaya ang salitang ito ay nangangahulugang 'dwarf race, type or individual'.
*PECKSNIFFIAN. Ito ay nagmula sa karakter ni Seth Pecksniff sa akda ni Charles Dickens na Martin Chuzzlewit. Si Pecksniff ay isang ipokritong tao. Halimbawa: ''Malapit na ang election, makakarinig na naman ako sa meeting de avanse ng mga 'pecksniffian' speech ng mga politiko.''
*GOLIATH. Si Goliath ay ang higanteng napatay ni David sa Biblia (Samuel 17), kaya ito ay nangangahulugang 'higante'. Halimbawa: "His family owns a Goliath manufacturing company."
* DON JUANISM. Kapag tinawag kang Don Juan ikaw ay 'womanizer' o kagaya ng CASANOVA. Ang Don Juanism ay isang gawain ng isang lalaki na nang-aakit ng mga babae o pagkakaroon ng maraming karelasyong babae. Ang Casanova naman ay may kakayahang makaakit ng mga babae sa mali at masamang paraan. Ito ay kinuha sa pangalang Giacomo Girolomo Casanova.

Ilan lamang iyan. Marami pang halimbawa nito. Meron pa ngang pang mga pangalan na ginagamit naman para itawag sa lahi ng tao.

Ang pinakamagandang halimbawa nito ay JUAN DELA CRUZ. Ito ang tawag sa mga Pilipino o sa ating bansa.

Si JOHN BULL naman ay nagrerepresenta para sa mga taga-England.

Si UNCLE SAM naman ay para sa mga Amerikano.

Napakayaman na nga ng ating wika, sapagkat patuloy tayong nanghihiram at gumagamit ng mga banyagang salita. Nag-aambag din tayo ng salita, gaya ng IMELDIFIC.

Ang salitang 'imeldific' ay hango sa pangalan ng dating first lady na si Imelda Marcos. Dahil nakilala siya sa magarbong kasuotan at engrandeng pamumuhay, ang salitang ito ay nangangahulugan din ng katulad ng kanyang pamumuhay at katangian.

Gusto ko na rin tuloy makapag-ambag ng salita sa diksyunaryo! Kapag nangyari iyon, nais ko ay ang salitang 'poroy'. At ito ay mangangahulugan ng isang pinakamabuti kong katangian. Hehe

Ikaw, anong pangalan mo?










No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...