Followers

Wednesday, May 20, 2015

Akala ng Iba

Akala ng iba, ang mga guro
  ay hindi  napapagod magturo.
Konting pahinga lang, ayos na.
Huwag namang walang-wala.
Serbisyo sa bayan, hatid namin.
Wag namang masyadong alipinin.
Sabi nila, kami ay dedikado.
Iyan naman talaga ang totoo.
Ngunit, di nila alam aming puso,
  laman ay puro aralin at yeso.
Ang alam nila, walang bakasyon,
  bawat buwan ay nasa aksiyon.
May buhay sa labas ng paaralan.
Iyan ang dapat nilang tandaan.
Hindi lahat ng araw, guro ay guro.
Minsan, magulang, anak o apo.
Reklamo, marinig man sa amin,
Subalit, para sa lahat, kikilos pa rin.
Hinaing namin, di naman pakinggan
Ngunit ang sa kanila'y sobra naman.
Talo pa nila kaming tunay na pagal
Samantalang sila, puro lang daldal.
Sila na lang kaya ang maging guro
Ewan ko, baka dugo nila ay kumulo.
Ang guro ay tao rin, na nahihirapan
May kalayaan at may karapatan..


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...