DENNIS' POV
Asar-talo ako roon, ah. Pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng dalawang babae-- ang kakambal ko sa dugo at ang kakambal ng puso ko. Hindi ako puwedeng maisahan... Bago pa mangyari `yon, ako muna ang mang-iisa sa kanila. Buwahaha!
May naisip na akong ideya. Kapag nagkataon, si Denise na mismo ang magsasabi kay Krishna na layuan siya nito.
Sa school, lumayo ako sa kanila. Kung dati-rati ay panay ang buntot ko sa kanila, ngayon para akong palos sa sobrang ilap. Pero, hindi nila alam, may patibong ako. Inutusan ko ang isang lalaking Grade 7 para kunan ng picture sina Denise at Krishna habang sweet na sweet na nagkukuwentuhan
Sabi ko, lahat ng anggulo ay kunan nito. Mas gusto kong ma-capture nito ang mga intimate na eksena, dagdag ko pa. Naunawaan naman ng ogag na photojournalist.
"Ang usapan natin, ah!?'' sabi pa nito.
"Oo na!" Muntik na akong mapasinghal. Mukhang pera, e. Akala naman, hindi ko kayang bayaran ang mga larawang makukuha nito.
Agad namang tumalima ang litratista nang ipakita ko rito ang ilang 100-peso bills ko sa wallet ko. Nanghihinayang naman ako sa pera. Ilang linggo kong inipon iyon, mapupunta lang sa suhol. Ang hirap pala talagang ma-in love. Bukod sa masakit na, magastos pa. Gago kasi itong kapatid ko, naging tomboy pa. Sa dinami-dami naman ng magiging karibal ko, siya pa! Kung minamalas ka nga naman. Ayaw pang magpatalo. Nakikipagkompetensiya pa nga. Ito namang si Krishna, lalo namang nai-in love sa kapatid ko. Pareho lang naman silang merong... ano!
Grrr! Ano bang nangyayari sa mundo?! Bakit kasi pinapayagan o sinusuportahan ang LBGT community? Mali na nga, kinukonsente pa. Hindi ba nila alam na kasalanan iyon sa Diyos? Ang lalaki ay para sa babae. Ang babae ay para sa lalaki.
Sa madaling sabi, si Krishna ay para sa akin...
No comments:
Post a Comment