Maayos na naidaos ang kasalan. Nakasurvive ako sa suot ko. Sabi nga ni Sharon, 'kering-keri' ko raw at bagay na bagay kami. Naging laughingstock tuloy kami.
Lakas ng trip ng kinakapatid ko. Pansinin na nga ako (hehe) lalo pa akong napansin dahil sa kanyang pagpapansin. (Ang labo!)
Nang ihahagis na ng bride ang bouquet, pinakiusapan niya ang mga single.na.huwag nilang saluhin dahil siya daw ang susunod na ikakasal. Tawanan uli ang mga bisita. Naging kenkoy na tuloy ang usapan. Idagdag pa ang ginawa niyang pagbulong sa mga single na lalaki at mga abay, maliban sa akin. Alam ko na ang binulong niya. Kaya nga ako ang nagtanggal ng garter sa binti ng bride.
Palakpakan na may kasamang tawanan at hiyawan ang nangyari nang pinagpares kami ng host. Pinasayaw kami ng sweet music. Tuwang-tuwa ang lahat, pati ang mga tatay namin. Ang mga buwisit, kinilig pa
Game naman ako. Hindi ko ipinakitang naaasar ako. Iyon lang pala, e. Kaso, may sumigaw ng ng 'Kiiiss!'
No choice kundi, ikiss ko siya. Sa, cheeks lang.
Kakaibang experience! Worth it.
Alas-nuwebe ng gabi nang nakauwi kami sa bahay. Imbes, na tungkol sa kasalan ang pag-usapan namin, si Mommy ay nagkuwento tungkol sa usapan nila ni Dindee sa cellphone.
"Hindi rin ako magsosorry sa kanya, Mommy. Hindi ako nagkamali sa kanya. Patigasan po kami." Tapos, pumasok na ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Nalumbay ako. Hindi ko kaagad nahubad ang mga suot ko sa pag-abay.
Kalahati ng puso ko ay magsasabing magsorry ako.
Followers
Wednesday, May 27, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment