Followers

Friday, May 15, 2015

Double Trouble 38

DENISE' POV

Tawa kami nang tawa ni Krishna nang mabuo ang plano naman. Niyakap pa nga niya ako.

"Hoy, bakit mo kami kinukuhaan?'' sigaw ko sa estudyanteng nakapuwesto sa kabilang bench. Nilapitan ko ito. Kaya lang bago ako nakalapit ay nakalayo na ito.

"Denise, hayaan mo na baka crush ka lang," sawata sa akin ni Kris. Kundi lang niya ako pinigilan, bugbog-sarado sa akin ang batang `yon!

"Stalker mo yata `yon, e," biro ko.

"Ew!'' Tumawa siya. Lalo tuloy akong na-in love sa kaniya. "Halika na nga. Time na natin."

"Wait lang... Nag-text na si Bruno."

"Sinong Bruno?"

"Ano ka ba? Ang inutusan natin. Bruno ang pangalan. Lalaking-lalaki, `di ba?"

Nagtatawanan kami habang naglalakad patungo sa aming classroom. Punong-puno kami ng pag-asa na hihinto na si Kuya Dennis sa panggugulo sa relasyon namin. Hindi-hindi na niya tatangkain pang agawan ako ng pag-ibig.

"Sa'n ba kayo galing? Hinahanap na kayo ni Ma'am!' Nakasalubong namin si Kuya sa hallway. "Hello, Krishna!" Inabot pa niya ang kamay ng gf ko.

"Hindi siya lola para alalayan mo!" Naasar ako sa asta niya. Dinaig pa ako. Si Krishna naman, agad na inabot ang kaniyang palad. Mabuti na lang at binitawan din kaagad ng asungot.

"CR lang muna ako, Kris. Pakisabi kay Ma'am," paalam ni Kuya.

"Whatever!" sagot ko. Hindi naman nagsalita si Krishna dahil napansin niyang namula ako sa selos. Kung hindi niya lang ipinaalala sa akin na i-text ko na si Bruno, baka tuluyan nang nasira ang mood ko.

Nag-apiran kami ni Krishna bago pumasok sa classroom. Nakasunod na kasi si Bruno kay Kuya. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...