Sabi nila, kapag mabango daw ang ginigisa mong bawang at sibuyas, mabuting asawa ka.
Hmm.. Parang totoo nga.
Kapag naggigisa ako, hindi ko nakukuha ang perpektong aroma ng sibuyas at bawang. Parang may kulang na amoy. Hindi puro. Hindi todo.
Never pa ako nakapaggisa na katulad ng sa iba, lalo na ng aking ina, na isang mabuting maybahay ng aking ama. Sinubukan at sinusubukan ko pang magaya ang paggisa niya subalit bigo ako.
Aminado akong hindi ako perpektong asawa. Pero, sana hindi naman kasingbaho ng hilaw na pulang sibuyas ang relasyon ko sa aking partner sa buhay. Hindi naman kasi kami bawang at sibuyas. Tao kami. He he.
Ginisa man kami, ngunit di mabango, sana ay masarap naman ang putaheng niluto ko.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment