Followers

Monday, May 18, 2015

BlurRed: Fit

"Hindi na masyadong maga ang panga mo, Red." Alam kong nagbibiro na naman si Jeoffrey.

Pinatulan ko siya. "Oo nga, e. Pati nga ilong mo, bumabalik na sa dati. Nung isang gabi, para kang si Allan K."

"Put..! Magperform ka na nga. Tinatawag ka na sa stage."

Nakipag-fist bump muna ako sa kanya gaya ng madalas naming gawin kapag nagkikita kami.

"Goodluck sa akin."

Natawa siya. "Goodluck!"

Hindi naman ako agad na pinauwi after ng performances ko. Nagpahintay si Jeoffrey. Iyon pala ay may pinaorder na pagkain si Boss Rey para sa amin. Dahil daw iyon sa reconciliation namin.

Hindi ko gustong makatikim ng panunuhol o galing sa panggagamit ni Jeoffrey kay Boss Rey pero hindi ko na lang inisip na ganun. Sayang din. Nabubulag daw kasi ang tumatanggi sa grasya.

Niyaya pa nga nila akong mamasyal kinabukasan. Ayoko lang. Sila na lang. Baka makaistorbo pa ako. Isa pa, family time namin pag Linggo.

Nagsimba nga kami kanina. Tapos, hapon, nagyaya si Daddy na magpawis kami. Basketball ang naisip ko. Kaya, Nagbasketball kami. Tamang-tama daw iyon as exercise para laging kaming fit.

"May pinagpapapogian ka ba, Dad, maliban kay Mommy?" Kahit tumawa ako, maayos naman ang pagkatanong ko.

"Wala. Siya lang talaga. Gustong-gusto niya akong yakapin kaya kailangang matitigas ang muscle."

"Ang sweet naman." 

Ngumiti si Dad. "Next time, pagbigyan natin ang hiling niya na samahan natin siyang mag-Zumba. Gusto daw niyang i-try."

"Oo ba! Next week po."

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...