Followers

Friday, May 15, 2015

Hijo de Puta: Ciento kuwatro

Sinabon ko nang husto ang buo kong katawan. Kahit paano ay nabawasan ang pandidiri ko sa aking sarili. Ang pakikipagniig sa kapwa ko lalaki ay hindi ko naman talaga gusto. Dala lang marahil ng espiritu ng alak, kaya ko nagustuhan ang ginawa sa akin ni Val. Pero, sisikapin kong una at huli na iyon.

"Hector, paligayahin mo ako.." Nasa harap ko na si Val, pagbukas ko ng pinto ng banyo. Nakahubo't hubad siya.

"Tama na, Val. Hindi ko ito gusto.." Umiwas ako, pero nahawakan niya ang braso ko. Malakas siya.

"Ibibigay ko lahat ng gusto mo.." Binitawan niya ako.

Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko pero di ako nakatingin sa kanya. "Hindi mo kayang ibigay ang gusto ko."

"Tell me what you want, Hector." Umangkla pa siya sa akin. "Ito ba?" Dinikit niya sa behind ko ang bur** niya.

Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at hinarap ko siya. Nainsulto ako. "Shit ka! Hindi ako gaya ng iniisip mo."

"Cool down. Hindi naman 'yun nag ibig kong sabihin. I mean, kaya kitang paligayahin. I can be top. I can be bottom. Or both."

"Shut up! " Tinalikuran ko na siya't naghanap na ako ng maisusuot sa cabinet.

"Ikaw ang matagal ko nang hinahanap, Hector." Nasa likod ko na naman si Val.

Natawa ako. "Wake up, Doc! Hindi tayo pwedeng magsama. Wag ako. Iba na lang. Babae ang hanap ko. Si Lianne.. Siya ang gusto kong makasama sa buhay ko. So, fuck off!" Tinulak ko siya at bumagsak siya sa kama.

"Ibang klase ka, Hector. Hahanap-hanapin mo rin ang katulad ko. Fuck you!" Mataas na ang boses niya.

Hindi ako sumagot. Hinanap ko na lang ang mga kasuotan niya. At nang mahanap ko, binilog ko ang mga ito at ibinato sa bura* niya. "Magbihis ka na!"

"Anong nangyayari?"

Nagulat kaming pareho ni Val nang magsalita si Jake.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...