"Ano naman kung bading si Boss?" balik na tanong sa akin ni Jeoffrey nang tinanong ko siya kung alam niya ang sexual preference ng employer namin.
Wala tuloy akong mahagilap na sagot. Nabakante ang utak ko.
"Mabait naman siya. Saka, paano mo naman nasabi?"
"Mahabang istorya, Jeoff.." sagot ko. Wala akong balak magkuwento kasi parang di naman niya ako paniniwalaan.
"Gaano kahaba?" Tumawa pa siya. "Willing naman akong makinig. Doon tayo sa labas." Tumayo siya. Sinundan ko siya palabas.
Sa kabilang kalsada kami pumuwesto. Malayo naman sa lamay at sa mga nakikilamay.
"Hindi ako naniniwala na siya 'yun."
Disappointed ako kay Jeoff. Binalewala niya ang kuwento ko. "Ikaw ang bahala, kung ayaw mo akong paniwalaan. Huwag mo na lang sabihin kay Boss ang tungkol dito."
"Siyempre, hindi. Kaibigan kita. Sisiraan ba kita? Huwag kang mag-alala." Tinapik-tapik pa niya ang likod ko. "Saka, huwag ka mag-isip ng kung ano-ano laban sa ating boss. Mabait siya. Suwerte nga natin sa kanya."
"Tama ka naman. Pasensiya na lang. Uwi na ako, Bro."
Nagulat siya. "Akala ko ba, bukas ka na."
"Nagtext si Mommy. Wala daw siyang kasama sa bahay. Nasa birthday party kasi si Daddy." Nagsinungaling ako.
Hindi na niya mag-usisa. Sana naramdaman niya na badtrip ako sa kanya. Sinayang niya ang pagmamalasakit ko sa kanya.
No comments:
Post a Comment