Followers

Friday, May 29, 2015

BlurRed: Bye

"Nagpaalam na ako kay Boss Rey kagabi. Tumawag ako." Kausap ko si Jeoffrey. Tinatanong niya kung bakit wala ako sa bar kagabi.

"Ang aga pa para mag-retire ka." 

"Ogag! Pasukan na kaya. Kailangang ihanda ko ang sarili ko. Ikaw, di ka pa rin ba nagkapagdesisyon?"

"Desisyon? Saan?"

"Mag-aral!" sigaw ko.

Tumawa siya. "Alam ko. Binibiro lang kita. Ayokong mag-aral."

"Sabagay.. Ang sarap na ng buhay mo."

Naasar siya sa sinabi ko. Bawiin ko daw. Bago ko pa binawi, napindot ko na ang 'End Call'.

Paulit-ulit tumimo sa utak ko ang tinuran niya. "Temporary lang ang lahat ng bagay. Kaya, hindi dapat asahan." Minsan lang siya magsalita ng malalalim at matalinghaga kaya napaisip ako. Iba kasi ang dating sa akin, lalo pa nang sabihin niya na "Hindi magtatagal, malalaman mo kung bakit ko ginagawa ito."

Bago pa ako mabaliw sa pag-iisip ng kahulugan ng mga sinabi niya, nag-almusal na ako. Mag-isa akong kumain. Nasa work na si Daddy. Si Mommy naman ay nasa school. Ayos lang kasi malaya akong magtagal sa mesa. Wala kasi akong ganang kumain. Pinilit ko lang ubusin ang inihanda nilang almusal.

Bunga ito ng pagkakalabuan namin ni Dindee. Hindi ako pwedeng magkamali. Miss na miss ko na siya, lalo na ngayong magpapasukan na.

"Hello, Dee.. Huwag mo akong patayan ng cellphone, please." Sinagot niya ang tawag ko, sa wakas.

"Ayan na, kinakausap na kita. May rason ba para hindi ko ibaba?" Iba pa rin ang timpla ng boses niya.

"Sorry na."

"Sorry lang?"

"Ano pa ba ang dapat kong gawin?" Handa akong gawin anuman ang sabihin niya.

"Huwag education ang kunin mo. Ayokong magkapareho kayo ng course, lalo na ng school."

Natigalgal ako. Wala akong nasabi kundi, "Magagalit si Mommy.."

"Puwes, hindi ka dapat humihingi ng sorry. Bye!" 

Umalingawngaw sa kabahayan ang malakas kong sigaw.





No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...