Followers

Tuesday, May 19, 2015

Tawag

Naalimpungatan ako nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello, good evening po!" bati ko.

"Hello, Mr. ________?" ang tanong sa akin ng tumawag.

Alam kong ang taga-Viva-PSICOM-Wattpad-TM Republic ang kausap ko kasi nag-register ako, ilang oras pa lang ang lumipas, sa "Ready. Set. Write." Isa itong workshop para sa mga wattpaders.

"Yes! It is me, Sir!" sagot ko sa bading na nasa kabilang linya.

Mahina ang signal. Choppy. Nawala ang kausap ko kaya nag-hello pa uli ako.

"Isa ka sa 100 participants sa 'Ready.Set.Write.'.." Naputol ang sinabi niya pagkatapos kong sumagot ng "Yes, Sir!"

"Hello, Sir? Hello po!?" Tuluyan nang naputol ang linya.

Masaya ako dahil nakasama ako sa 100 participants na isasalang sa workshop at magkakaroon ng chance na mapublish ang sariling story. Subalit nang nasa ulirat na ako, na-realize ko na hindi pala ako tinawagan. Naka-charge ang cellphone ko dahil lowbat na lowbat bago ako pumikit. Pinaniwala ko pa nga muna ang sarili ko na tinawagan ako, pero hindi talaga.

Kabaligtaran daw ang panaginip kaya hindi na ako umaasa, lalo pa't Smart user ako. TM naman an isa sa mga sponsors ng workshop.

Better luck next time.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...