Followers

Thursday, May 28, 2015

BlurRed: Chickboy

"Nak, sinong kausap mo kanina?" tanong ni Mommy. Nakangiti siya.

"Si Sharon po. Ang kulit nga, e." Nakatutok pa rin ako sa telebisyon.

Mula sa likod, sinapo niya ang mga pisngi ko. Nilapirot niya ito ng marahan, gaya ng madalas niyang ginagawa sa akin noon. "Ang binata ko, may nadagdag na namang admirer."

"Si Mommy! KInakapatid ko po 'yun!"

"E, ano?" Humarap na siya sa akin. "Kinakapatid lang naman, e. Maganda nga iyon para doble ang pagiging magkumpare namin ni Pare."

"Magluto na nga lang po kayo, Mommy. Nagugutom na ang tiyan ko." Tumawa na lang ako para hindi halatang napikon ako.

"Huwag mong ibahin ang usapan.." sabi niya habang patungo sa kusina.

Sinundan ko siya. "Magpapari po ako. Saka, hindi po ako kagaya ni Daddy." sabi ko nang nakalapit na ako. Sinabayan ko ito ng tawa.

"Lagot ka sa Daddy mo! Isusumbong kita."

Ngumiti lang ako.

"Magpapari ka pala pero sa PNU ka mag-aaral? Dapat sa seminaryo." Tumawa muna siya. "Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi kayo okay ni Dindee."

Tiningnan ko si Mommy. Parang hindi na siya nagbibiro. Hindi na rin nagsalita. Bumalik ako sa sofa.

Antagal naging tahimik ang bahay. Kung hindi pa dumating si Daddy, wala talagang maingay.

"Alam mo ba, Daddy, si Red?" Tumingin sa akin si Mommy, na tali nang-aasar.  Binitin niya pa.

"Ano si Red?'' 

Tumawa si Mommy. "Chickboy din, kagaya mo."

Nabilaukan kunwari si Daddy. Natawa tuloy ako.

"Digital na talaga ang karam. Mukhang may ginawa ka na namang kababalaghan."

"Uy, Remedios, huwag mo akong pagbibintangan. Si Red ang topic dito, hindi ako."

Tahimik lang ako.

"Guilty lang ang peg?"

"Hindi, ah. Baka si Red."

Ang parents kong mga pasaway. Ginawa na naman akong dessert.

"Hindi po ako chickboy, Dad."

"Kita mo na! Mana sa akin!" pagmamayabang ni Daddy.

"Sure ka?" tanong niya sa aking ama.

"Oo! Saka okay lang naman sa lalaki na maging chickboy. Kesa naman manlalaki. Di ba, Red?"

"Hoy, hindi bakla ang anak natin. Gusto lang niyang magpari pero hindi siya bakla!" 

"Sinabi ko ba? Sa hitsura at tindig ng anak natin, bakla. Kukurutin ko siya."

Natawa kami kasi nagbakla-baklaan si Daddy. Naiinis lang ako kasi ginawa nila akong panghimagas. Na-speechless tuloy ako.




No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...