Followers

Tuesday, May 5, 2015

BlurRed: Sharon

Invited ako ni Riz sa kanyang 17th birthday. Imbitado rin ang ilan sa mga kaklase namin. Hindi naman nawala ang barkada.

Ang ingay nga ng bahay nila nang mabuo kami, lalo na si Romeo. Hinarot-harot na naman ako. Namiss niya daw kasi ako.

"Grabe ka naman makahimas. Tinalo mo pa ang girl friend niya!" seryosong sawata ni Gio kay Roma.

"Wapakels ka! Selos ka lang.. Hmp!" sagot naman ng bakla.

"Bekilaw ka!"

"Planet of the apes ka naman."

Muntik na namang magkapikunan ang dalawa. Naawat lang namin nina Rafael at Nico. Tawa naman ng tawa si Riz.

Hindi agad kami pinauwi ni Riz pagkatapos ng kainan. Miss na miss niya na raw kami kaya pinagbigyan namin. Mabuti ay nadala ko ang gitara ko kaya wala akong dahilan para tumanggi. Ginawa nga lang nila akong jukebox. Kada gusto nilang kanta ay pinapatugtog sa akin. Okay lang din dahil nakapagpractice na ako para sa gig ko.

Alas-nuwebe na kami nagpaalam kay Riz. Ayaw niya pa nga kaming payagan.

Pag-uwi ko sa bahay. Pauwi na rin si Ninong Virgilio. Galing siya sa Davao. Nagdala lang ng mga pasalubong. Matagal din siyang di nakadalaw. Binata na raw ako.

"Si Sharon, dalaga na, Pare! Bagay sila." bulong ng ninong ko kay Daddy. Nagtawanan sila. Akala nila ay di ko maririnig.

Ayos lang. Interesado din akong makita siya. Last time kaming magkita ay noong 7th birthday niya.

Maganda naman siya. Maputi. Mapungay ang mga mata.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...