Kagabi pa lang ay nagtext brigade na ako sa mga kaklase ko at nagpost ako sa FB wall ko ng tungkol sa Brigada Eskuwela.
Last year, ginawa ko na ito. Tumulong kaming magkakaklase sa school ni Mommy-- sa paglilinis, pagsasaayos, pagkukumpuni at pagpipintura.
Alas-siyete pa lang ay dumating na si Gio sa school. Nakadalo siya sa parada. Alas-otso naman nagsidatingan sina Nico at Rafael. Si Riz, sorpresang dumating. Hindi siya nag-commit sa Facebook invitation ko, dumating siya. Bandang alas-nuwebe na iyon. May dala pa siyang dust pan at walis tambo.
Bale walo kaming tumulong kay Mommy sa paglilinis sa kanyang classroom. Kaya naman, isang araw lang ay areglado na ang silid-aralan niya. Very thankful siya sa amin lalo na sa kin dahil sa pag-initiate ko ng action.
Masaya ako dahil may mga kaibigan akong handang tumulong at sumuporta sa akin. Isang text ko lang o isang PM, ayos na.
Thankful din ang principal ng school dahil sa support ko.
Sa dalawang taon kong pagsali sa volunteerism na ito, this year lang ako nabigyan ng chance na magperform doon. Kanina kasi sa short program, na ginanap after ng parade, ay nagbigay ako ng tatlong magkakasunod na kanta. Nakakatuwa dahil nakatulong na ako, nakapagpasaya pa ako.
I always love to help!
After ng kapaguran, nag-treat si Mommy ng pagkain. Ang saya! Busog much. Sulit ang pagod.
Pag-uwi namin, nag-upload agad ako ng mga pictures na kuha sa Brigada.
"D k mn lng ngyyaya. Sna nktulong dn ako." PM 'yan sa akin ni Jeoffrey.
"Oo nga, no! Hindi ko siya naisip itext. "Nagpost ako sa FB." Palusot kong sagot.
"Now lng ako uli ngFB. Alam mo nmn, db?"
"Sorry."
"Sguro inisip mo na maa-out-pf-place ako dhil kasama mo ang mga kaklase mo."
Ang hirap magpaliwanag. "Hndi ah."
Mabuti na lang at hindi na nangulit.
Si Riz ay nag-thank you pa. Ako o kami ni Mommy dapat ang nagpasalamat sa kanya. Sabi niya, kahit paano daw ay nakatulong sa kanya para mabawasan ang stress niya. Gusto daw niyang laging may kasama. Naunawaan ko naman siya. Hindi pa naman siya talaga nakarecover ng tuluyan sa masalimuot niyang karanasan.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment