Followers

Thursday, May 14, 2015

Hijo de Puta: Ciento dos

"Sino 'yan?" Naulinig kong sigaw ni Val. Nakita kong lumapit siya sa may pintuan.

"Si Lemar. Hector, buksan mo ang pinto!"

Bigla akong bumangon nang mag-sink in sa utak ko na si Lemar ang kumakatok. Nawala ang pagkalasing ko. "Val, itago mo si Jake. Dali!"

Nataranta kami pareho dahil kinakalabog na ni Lemar ang pinto.

Nakahubo pa pala ako.

Hindi tumalima si Val. Bagkus, naghubad siya ng saplot. Pulang brief ang natira sa kanyang katawan. Napamaang ako sa ginawa niya. Hindi ko kaagad naintindihan. Tapos, binuksan niya ang pinto.

"Asan si Jake?!" agad na tanong ni Lemar pagkabukas ng pinto. Nakita niya kami ni Val. Natigilan siya.

"Ayan si Jake mo. Bagsak. Wala palang sinabi ang jowa mo sa inuman." ani Val. Nagpakabading ang boses niya.

Nahiya naman akong bigla kaya tinakpan ko ang taru** ko. "Pasok ka, Mar."

Pumasok nga si Lemar. Nilapitan si Jake at niyugyog-yugyog. Inamoy pa. Hindi naman natinag ang jowa niya.

"Nag-away daw kayo." Ako na ang nagsalita. "Si Val nga pala, jowa ko. Pinakilala sa akin ni Jake."

Mabilis si Val. Inabot niya ang palad niya kay Lemar. Nakipagkamay naman ito sa kanya.

"Iuwi mo na si Jake kong gusto mo. Pero, I suggest, hayaan mo na siya dito.." kako.

"Dito na lang siya. Pakisabi, dumaan ako. Nakita kita sa bar kanina kaya nagbakasakali akong makikita ko dito si Jake. Oo, nag-away nga kami." Tiningnan niya pa si Val ng masama. "Papatay talaga ako kapag may nang-agaw sa kanya."

Walang nagsalita sa loob ng ilang segundo. Si Lemar naman ay kinakapkapan si Jake. Hinahanap yata ang cellphone. Wala siyang nakita.

Nagsuot ako ng boxer dahil sa sobrang tense. Tapos, inalok ko si Lemar na magkape.

Hindi siya nagsalita. Nagtimpla na lang ako.

"Bhe, timpla mo rin ako. Less sugar, ha." Nagpa-sweet pa si Val. Ang galing niyang umarte. Then, binulungan niya ako nang nasa kusina na kami. Mabuti raw ay iniwan ni Jake ang cellphone niya sa condo niya.

Nang nagkakape na kami biglang nagbago ang isip ni Lemar. Hihintayin na lang daw niyang magising si Jake para sabay na silang umuwi.

Yari, naisip ko.

Sa tono ng pagtatanong ni Lemar sa amin ni Val, parang hindi siya naniniwalang magjowa kami. Since, mabilis siyang mag-isip. Hinila niya ako papunta sa kama.

"Go with the flow.." bulong niya sa akin. Sunod ay hinalikan niya ako sa leeg, pababa sa aking dibdib.

Umubo kunwari si Lemar. "Siguro ay babalik na lang ako."

Agad na bumangon kami ni Val para ihatid siya sa may pintuan.

Walang kamalay-malay si Jake na dumating at umalis si Lemar.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...