Followers

Saturday, May 23, 2015

Hijo de Puta: Ciento nuwebe

Nakatihaya na ako sa kama ni Leonardo. Nakapikit na rin ang mga mata ko para makatulog na ako kahit umiikot na ang paligid ko.

"Hindi yata sanay uminom si Hector, niyaya-yaya mo pa." May halong paninisi sa tinuran ng ina. "Matulog ka na nga rin. Pasaway kang lalaki ka!"

"Wait lang naman po. Ililigpit ko lang 'yung mga.." Hindi ko na narinig pa ang karugtong.

"O, ikaw naman, Lianne, magpahinga ka na rin. Ang lalim na ng mga mata mo. Mamaya niyan bumigay na ang katawan mo. Sige na."

"Hindi pa po ako inaantok.."

Gumalaw ako para mapansin ako ni Lianne. Pinilit ko rin siyang tingnan.

"Si Hector, asikasuhin mo na lang muna kaya. Kape. Tama, kape! Painumin mo siya. Ako na ang bahala sa labas." Nakita kong lumabas na ang ina.

Nataranta si Lianne nang mahuli kong nakatingin sa mukha ko. Nginitian ko siya kaya biglang lumabas sa kuwarto. Natawa ako.

Ilang minuto ang lumipas, nang bumalik si Lianne. May dala siyang tasa ng kape. "Uminom ka ng kape para mawala ang pagkalasing mo." Niyugyog pa niya ang braso ko.

Isang masarap na sensation ang tumakbo sa aking mga ugat. Nabuhay ang dugo ko.

Umungol ako bilang tanda na narinig ko ngunit hindi kaya ng katawan ko na bumangon. Mahihilo lang ako ng kaunti pero kaya ko. Chance ko na iyon..

Nilapag muna ni Lianne ang kape saka muli niya akong niyugyog. Sa balikat, hinawakan niya ako. Kinuha din niya ang kamay ko at hinila patayo. "Inumin mo na ang kape."

"H-hindi kape ang kailangan ko.. ikaw." pilyo kong sabi. Nakamulat na ako. Tapos, ako na ang nakahawak sa kamay niya.

"Ah, ganun!?" Humulagpos siya para kunin ang tasa. "Buhusan kaya kita nitong mainit na kape para tumino ka. Arte mong lalaki ka!" Ang cute niya magalit. Ang sarap ulit-uliting asarin.

Napabangon ako bigla. Nginitian ko siya. Saka namang pasok ni Leonardo.

"O, Leonardo, ikaw na nga ang mag-alaga dito!" galit na utos sa kapatid.

Tumawa muna si Leonardo. "Kaya mo na 'yan. Magto-tong-its kami ng tropa ko."

Ayos talaga ang magiging bayaw ko!

Inabot na niya ang kape sa akin. "Ang sarap mong hambalusin."

Bago ako humigop ng kape, sinagot ko siya. "Salamat! Ang sarap mo rin.." Ngumiti pa ako.

"Bastos mo talaga!"

"Walang bastos dun. Sinagot lang kita. Pero, sorry na rin." Nagseryoso na ako. "Lianne, kahit nakainom ako, sorry na. Sana mapatawad mo na ako."

"Paano kita mapapatawad e, lalo mo lang dinadagdagan ang mga kasalanan mo!" Galit pa rin siya.

"Paano ba? Gusto mo bang lumuhod pa ako?"

"Hay naku! Wag na, Hector! Ayusin mo lang 'yang buhay mo. Diyan ka na. May aasikasuhin pa ako." Lumabas na siya.

Napag-isip-isip ko ang katuturan ng kanyang sinabi. Pinapatawad na niya ako pero kailangang magbago ako.


Nabuhayan ako ng loob.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...