Followers

Friday, May 15, 2015

Hijo de Puta: Ciento singko

Mabilis na nagbihis si Val at walang kibo na lumabas ng bahay pagkatapos magbihis.

"Pasensiya ka na, Jake. Type niya ako." Tiningnan niya lang ako. "Ipagtitimpla kita ng kape."

"Huwag na, Kuya. Ako na. Bihis ka na."

"Mabuti pa nga. Marami tayong dapat pag-usapan."

Habang nagkakape si Jake, hinarap ko siya. Kinuwento ko sa kanya ang pagpunta ni Lemar at ang mga sumunod na pangyayari.

"Pareho tayo, Kuya. Pareho tayong nandidiri sa pakikipagtalik sa lalaki. Pinipilit ko lang ang sarili ko para lang magkapera. Akala ko nga, sinuwerte na ako kay Lemar. Kalbaryo din pala. At nang nakilala ko si Doc Val, nakita kong gaganda ang future ko, hindi rin pala. Ikaw pala ang gusto niya."

Naawa ako kay Jake. "Jake, huwag kang magagalit sa akin. Hindi ko naman intensyon na matuon sa akin ang libog niya. Kayo pa rin naman. Sundan mo siya ngayon sa condo niya. Mag-usap kayo." payo ko sa kanya.

"Hindi na. Baka nagmamatyag lang diyan si Lemar, masundan pa kami. Pahiram na lang ng cellphone mo. Text ko lang si Lemar."

Nag-usap ang magjowa. Nagkaayos na sila. Pinauuwi na nga si Jake.

"Good dahil okay na kayo. Payo ko lang sa'yo na pakisamahan mo si Lemar ng mabuti."

Hindi nagsalita si Jake. Nakinig lang siya.

"Si Dok naman, isipin mo na lang na customer lang siya. Mag-usap kayo. Tapos, kunin mo na ang mga gamit mo doon. Ang cellphone at ang motor mo. Gusto kong kayo ni Lemar ang magtulungan. Ako naman ay nandito lang para sa inyong dalawa..."

"Bakit ganyan ka magsalita, Kuya? Magretetiro ka na ba?"

Napangiti ako. "Magku-quit na ako sa ganitong trabaho. Gusto ko nang lumagay sa masayang buhay. Si Lianne.. siya ang buhay ko."

"Sana.. lumigaya ka, Kuya. Alam kong magiging mabuting asawa sa'yo si Lianne."

Tumango ako.

Ang hirap sa loob na iwanan ang trabahong naging bahagi ng buhay mo sa ilang taon. Masaya naman sana ako kaya lang, maraming taong nadadarang sa kamunduhan dahil sa akin. Kaya, habang bata pa ako, ititigil ko na.

Alas-otso y medya na nang umalis si Jake. Nakiligo muna kasi siya. Ako naman ay umalis sampung minuto pagkaalis niya. Dala ko bank book para makapag-withdraw ako ng pera na ililimos ko.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...