Followers

Saturday, May 23, 2015

BlurRed: Caption

"Gusto ko sa first year anniversary natin, magpapakuha tayo ng pictures sa studio..together. Gusto mo rin ba 'yun?" Hinarap niya pa ang mukha ko sa mukha niya. Nakaharap kasi ako sa computer. Nag-a-upload ng mga shots niya.

"Oo naman, gusto ko rin! Nice idea."

"Yehey! Thank you!" Tapos, dinampi niya pa ang lips niya sa lips ko. Mabilis lang, kaya di ko naramdaman.

"Pakiulit nga."

"Ito gusto mo?" Itinaas niya ang kanyang kamao.

"Huwag 'yan. Masarap masyado 'yan!"

Nagtawanan kami.

Those were the days, 'ika nga.

Nakakatuwang alalahanin ang mga masasayang samahan namin ni Dindee. Pero, nalungkot akong bigla habang nakatitig ako sa larawan ni Riz.

Siya ang dahilan ng away namin. Siya na madalas biktima ng maling pagseselos.. Siya na walang kamalay-malay.

Bakit nga pala ang selfie picture niya ang una kong nakita sa FB? Ang ganda pa naman niya ngayon. Idagdag pa ang caption niya na: "Excited to be with him, everyday."

Yay! Parang ako ang tinutukoy niyang 'him'. Kasi ako ang makakasama niya araw-araw
sa PNU. Magkaklase kami.

Natuwa ako. Wala namang masaya kung ma-excite siya. Hindi naman kami magkaaway. Nagkakasundo kami sa karamihang bagay. At sa totoo lang, excited na rin akong pumasok dahil sa kanya. Iba na kasi ang may kasama o kakilala ka na pagpasok mo sa kolehiyo oara hindi ka na mai-intimidate sa iba. Malakas ang loob mo dahil dalawa kayo.

Gusto kong mag-comment sa post niya. "Who is he?" Tinype ko na. Pero, di ko na ginawa. Baka lalong hindi kami magkabati ni Dindee.

Mamaya sa MusicStram, kakantahin ko ang tatlong malulungkot na kantang OPM gaya ng 'Paalam Na'. Kung paalam na nga ito, para kay Dindee ang kantang ito.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...