"Sorry na!" Pagsusumamo ko kay Dindee. Masakit man sa loob ko na ako na naman ang hihingi ng tawad kahit wala akong ginawang kasalanan, ginawa ko para lang magka-ayos kami.
"Kahit patawarin kita ng isang milyong beses, kung hindi mo talaga magagawang lubayan iyang malanding Riz na 'yan, balewala!" Nag-alsa siya ng boses.
Hindi ko gusto ang timpla ng pananalita niya. Hindi malandi si Riz. Hindi siya ang dapat nagiging dahilan ng away namin. Wala siyang kinalaman dito.
"Ang hirap sa'yo, sarado 'yang pag-iisip mo!" Tinumbasan ko ang boses niya. Galit na ako. "Lagi na lang ba si Riz ang pag-aawayan natin? Walang siyang kinalaman dito. Ayusin mo naman ang pananalita mo. Hindi tama na tawagin mo siyang malandi dahil hindi mo kayang patunayan 'yan."
"Hindi?! Hindi pa pala katunayan ang mga pictures. Bakit kasama mo siya, aber? Para ano?"
"Para tumulong. Anong landi dun?"
"Malandi siya dahil dikit pa siya ng dikit sa'yo.. Palibhasa.."
"Palibhasa, ano?"
"Palibhasa nakatikim na!"
"Nakakadisappoont ka, Dindee.." Binaba ko na. Ayoko na na lumalim pa ang usapan namin. Nakakasakit na siya ng damdamin. Kahit hindi ako si Riz, nasasaktan ako sa mga salita niya.
Hinintay ko ang apology niya pero wala. It means, paninindigan niya.
Ang labo niya. Hindi ko siya maunawaan. Hindi ko na siya kilala.
Naaawa ako kay Riz. Walang kamalay-malay ang tao, pinagseselosan pa at pinagsasalitaan ng masama. Wala na ba siyang karapatang lumigaya? E, ano kung nakatikim na? Virginity lang ang nawala sa kanya. May puso at isip pa siya na magagamit niya para magmahal at magpaligaya ng tao.
Siya nga itong walang bawas, siya pa ang kulang sa pang-unawa.
Ngayon, nabawasan ng singkuwenta porsyento ang pagmamahal ko sa kanya. Sa mga narinig ko, hindi niya kayang magmahal at magtiwala.
Sayang..
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment