Followers

Tuesday, May 12, 2015

Double Trouble 35

DENNIS' POV

"You're siblings?" gulat na tanong ng principal nang malaman ang pangalan namin.

"Yes, Ma'am!" Natatakot ako pero ako ang sumagot. Naisip ko kasing si Denise ang mayayari kapag nagkataon dahil malalaman na nina Mama at Papa na tibo siya. "Actually... we're twins po." Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Titig na titig pa nga ako sa punungguro.

Sumandal ang gurang sa kaniyang swivel chair at ibinalik ang eyeglasses mula sa kaniyang ulo. "So, kung magkapatid kayo at magkambal pa, bakit kayo nahantong sa gano'n? Aber! Please narrate it, Ms. Denise, before I call you, Hindi Nice."

Muntik na akong pumulanghit ng tawa. Mabuti, nakagat ko ang labi ko.

Si Denise, nautal muna. "Nagsusulat po kasi ako..." Tumingin muna siya sa akin. "Nag-uusap naman sila ni Krishna. `Tapos, bigla na lang akong ginulo. Nasulatan po ang notebook ko ng kung ano."

"Ikaw naman, Dennis the Menace." May sense of humor pala ang principal namin kahit nakaka-intimidate. Parang si Mirriam Santiago.

Napangiti ako.

"Bakit mo naman ginulo ang kapatid mo? Naturalmente, magagalit siya sa `yo."

Hindi ako nakasagot. Napayuko na lang ako. `Tapos, naisipan kong senyasan si Denise sa pamamagitan ng aming mga paa.

"Sorry po, Ma'am," sabi ni Denise.

"Sorry rin po." Gumaya na rin ako.

"Wait. Wait. Hindi n'yo pa na-explain kung bakit nagsisigawan ang mga kaklase n'yo. And I heard... ang isinisigaw nila ay love triangle. What is the meaning of that? Who's the other one? May I know him?"

Naghintay ang principal kung sino ang sasagot. Nagtinginan lang kami ni Denise. Until, nagulat kami sa sigaw niya ng 'Sino?'

Napilitan akong magtapat.

Natawa ang principal. "Gusto n'yo bang ipatawag ko ngayon din ang mga magulang ninyo?"

"Naku, Ma'am, huwag po, Ma'am. Magagalit po sa akin. Baka po hindi na ako pag-aralin."

"Then, you should behave. Both of you. Our school caters no gender discrimination. The problem is you. Kayo ang nagsisimula para mapansin ang mga problema ninyo, kung problema mang matatawag iyon."

Natigilan kaming lahat. Kahit ang principal ay wala na ring masabi. Naunawaan ko na ang gusto niyang iparating lalo na kay Denise.

"Your sexual preference is not a problem. The issue here is your act. Nakagagawa kayo ng ingay dahil sa love triangle na `yan. So, I'm not tolerating same sex relationship anymore, as of now. Is that clear, Denise?"

Ayaw pa sanang tumango ng kapatid ko, inulit lang ng principal.

"Okay... Asahan ko iyan. Aasahan ko rin that after this, you, two, will reconcile. Love each other. Understand one another. Don't hate each other because of someone. Hindi kayo dapat nagkakasira dahil sa pag-ibig." `Tapos, nagkuwento na siya ng love life niya. Nalaman tuloy namin na bitter siya sa first boyfriend niya, kaya `di na siya nakapag-asawa.

Andami niya pang payo kay Denise. Para tuloy kaming naabsuwelto. Pero, nangako kaming hindi na iyon mauulit.

"Talagang `di dapat maulit. Remember, you're graduating students. Sige na, go back to your classroom. And tell your adviser to see me here now."

Nahugutan ako ng tinik sa dibdib. Siguro ay lalo na si Denise.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...