Followers

Thursday, May 14, 2015

BlurRed:Traydor

"Putang ina! Hindi ka pala pwedeng pagkatiwalaan, Red!" galit na salubong sa akin ni Jeoffrey. Galing siya sa opisina ni Boss Rey. Ako naman ay kapapasok pa lang ng bar.

Siyempre, nagulat ako. Nagtinginan sa amin ang mga customer at crew ng bar. "Bakit? Anong problema?" Medyo cool pero napahiya ako.

Binangga niya ang balikat ko pagdaan niya. "Traydor ka!"

Sinundan ko siya sa labas. Hinintay niya ako ako doon. Gusto niya marahil na magkausap kami.

"Di ba nakiusap na ako sa'yo na ilihim natin ang tungkol sa.. Shit! Bakit sinabi mo?"

"Teka! Wala akong sinabi kay Dindee, lalo na kay Karryle?"

"Wala? E, paano niyang nalaman? Puta! Alangang ako ang magsabi!" 

"Jeoff, maniwala ka, hindi ako nagtext sa kanila kagabi o kanina.." paliwanag ko.

"Bakla ka, Red! Wala kang isang salita!" Nag-pwe pa siya bago pumasok sa bar.

Nag-stay siya sa office ni Boss kaya di.na uli kami nagkita bago at pagkatapos kong mag-perform.

Sinubukan kong magpaliwanag muli sa text pero di siya nag-reply.

Bago ako natulog ay inalala ko ang mga nangyari. Sumagi nga sa balintataw ko ang pagtext namin ni Dindee. Sabi pa nga niya sa akin ay hayaan ko na lang daw si Jeoffrey. Peri, hindi pa noon nangyari. Siguro ay nahulaan lang ni Dindee kaya nagtanong o nagpag-usapan nila.

Kanina, tinawagan ko si Dindee. Wala naman daw problema. Hindi naman daw nabawasan ang respeto niya kay Jeoffrey. Ang problema mnga lang ay kapag nalaman ni Karryle. Kaya, nagkasundo kami na hindi namin ipapaalam sa kanya.

Tinext ko si Jeoffrey pagkatapos naming mag-usap ni Dindee. Huwag na raw akong mag-explain dahil nawalan na siya ng tiwala sa akin. Hindi naman daw big deal na malaman ng dalawang babae ang nangyari sa kanya. Ang masama daw ay hindi ko nagawang ilihim.

Makitid ang isip niya. Hindi niya nakikita ang concern ko sa kanya. Akala niya ay sinisiraan ko siya.

Ang labo niya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...