Followers

Wednesday, May 20, 2015

Hijo de Puta: Ciento siyete

"Salamat!" Narinig kong sinabi ni Lianne. Tinapik niya pa ako.

Nakaidlip pala ako sa single sofa kung saan ako pinaupo ng kanyang ina kanina. 

Pagdilat ko, isang Lianne na may malalalim na mata ang nakita ko. Ibang-iba siya sa dating siya. Gayunpaman, siya pa rin ang mahalagang pakay ko sa lugar na iyon. Alam kong bunga lamang iyon ng kalungkutan, pagod at puyat.

"Lianne.." Napatda ako. 

"Salamat sa tulong mo." Hindi siya umupo sa bakanteng sofa.

"Wala 'yun. Pasensiya na, nakaraang araw ko lang nalaman. Nasa probinsiya kasi ako." 

"Okay lang. Sige, iwanan na kita. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko."

Akma na siyang tatalikod nang mabilis kong maabot ang kanyang braso. "Tulungan na kita." Agad ko rin siyang binitawan.

Walang kibo si Lianne na isinama at isinali ako sa kanyang ginagawa. Kasama namin ang mga kapitbahay at ilang kamag-anak niya. 

Hindi ko naman gusto ang ginagawa ko. Panay lang ang tingin ko sa kanya. Pinakikiramdaman ko siya. Nagpapakiramdaman kami. 

Nang natapos, nagkahiwalay kami. Nasa loob siya ako naman ay nasa labas. Nanunuod ako ng mga nagsusugal. Napatagay nga ako ng mga nag-iinuman doon kaya pumasok ako sa kabahayan nila.

"Kain na tayo, Hector. Halika ka na." Hinila na ako ng nanay ni Lianne, papunta sa dining area. 

Natuwa ako.

Doon ay naabutan ko ang magkapatid na naghahanda ng hapag. Tamang-tama. Apatan ang dining table nila. 

Pinaupo ako sa harap ni Lianne. Kitang-kita ko ang reaksiyon niya. Parang ayaw niya pa rin akong makasalamuha. Mailap ang mga mata niya. Pero, thankful ako sa kanyang ina. Nakikita kong bini-build up niya ako para kay Lianne. Sinabihan niya pa nga ang anak na kausapin naman ako. Parang di daw kami magkakilala. 

Nang nakahinga na ako, nagtanong ako kay Lianne. "Si Paulo napunta na ba dito?"

"Oo. Nung unang gabi."

"Ah. Kelan siya uli pupunta?"

"Di ko alam. Di nagsabi."

"Ate, sabi niya di ba, na bukas narito siya. Last night." singit ng kapatid niya.

"Ganun ba?"


Natuwa ako at nagdesisyong di muna umuwi para magkita kami. Gusto kong humingi sa kanya ng apology at tulong na rin para mapatawad na ako ni Lianne.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...