Followers

Monday, May 18, 2015

Anong Hayop Ka?

Huwag ka munang magagalit kapag sinabihan ka ng ''Hayop ka!" dahil maraming uri ng hayop. Tanungin mo muna siya kung anong uri ka ng hayop.

Gaya ng tao, ang mga hayop ay may kanya-kanyang katangian. Iba't iba rin ang kanilang kakayahan, kilos at ugali. Madalas, ikinukumpara tayo sa hayop. Sa pagkakaalam natin, ito ay negatibo o pang-aalimura

Masakit naman talagang maikumpara sa hayop. Itinuturing kasi itong pagmumura o mura. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon, ang salitang hayop ay nakakasakit sa damdamin. Kaya nga, aking ipinapayo na naging mahinahon muna. Tanungin muna ang taong tumawag sa iyo ng 'hayop' baka hindi niya rin alam ang sagot.

Kapag tinawag kang 'ahas', tanungin mo kung anong klaseng ahas.

Serpent ba o viper?
*SERPENT - devil, treacherous person
*VIPER - vicious or treacherous person

Iyan ang sabi nina Merriam at Webster.

Sa ating mga Pilipino, ang ahas ay nangangahulugang lang na traydor. Pero, may mas malalim pa palang kahulugan.

Dalawa pa lang iyan.

Heto pa:
* TORTOISE - slow or sluggard
* SNAIL - sluggish person

Parehong makupad. Ang isa, tamad pa. Tsk tsk. Negatibo...

Positibong hayop naman tayo.
*FOX - clever crafty person, a good looking young person
*LION - important, powerful and successful person

See? May mga hayop na positibo ang katuturan.

Sad to say, karamihan ng hayop ay may di-kanais-nais na meaning. Tiyak akong ayaw mong matawag na:
*DOG - unattractive person/girl
*CAT - malicious woman
*HEN - fussy middle-aged woman
*TOAD - contemptible person
*PIG - immoral woman; a dirty, glutunous and repulsive person.
*SKUNK - obnoxious and disliked person
*TIGER - very fierce and aggressive person
*CRAB - ill-tempered person; grouch
*LOUSE - bad or cruel person
*DRAGON - violent, combative or strict person
*APE - rude person
*SHARK - rapacious crafty person

Andaming hayop na pwedeng itawag sa mga taong may masamang pag-uugali o gawain!

Speaking of 'gawain'. Ang mga hayop, gaya ng tao ay may kanya-kanyang gawain. May masama. May mabuti.
*MONKEY - child who causes trouble in playful way
*RAT - informer, contemptible person, one who spends much time in one place like mall, a cruel or bad person, one who betrays or deserts friends, one who is not loyal or can be trusted
*WOLF - philanderer, Casanova
*CHAMELEON - person given to often expedient or facile change in ideas or character
*VULTURE - a person who tries to take advantage of someone who is in very bad situation
*BARRACUDA -  one who uses aggressive, selfish and sometimes unethical methods to obtain a goal especially in business
*PEACOCK - one who makes proud display of himself
*BUTTERFLY - a person who goes to many parties and other social events
*HAWK - supporter of war
*DOVE - person who doesn't want war and does want peace
*COW - to make someone afraid to do something
*APE - to imitate
*CROW - to rejoice
*DUCK- to lower the head or body
*SQUIRREL - to store up for future use
*PARROT- to repeat by rote

Sa madaling sabi, sila ang mga tao, I mean, hayop. Oo, tao nga, na inihahalintulad sa kilos ng tao, I mean, hayop. Ay, tao!

Ang labo! Basta 'yun na 'yun!

Ang sumusunod naman ay mga trabaho. Siyempre, gaya ng tao, ang hayop ay may trabaho din.
*COCK- leader
*HORSE- athlete whose performance is consistently strong and reliable
*BULL- police officer; detective
*LEECH - (archaic) physician or surgeon
*COYOTE- smuggler of immigrants to US
*ZEBRA- referee

Heto naman ang mga pwedeng itawag sa mga kakatwang tao:
*BIRD - peculiar person
*GOAT - scapegoat
*GOOSE - stupid person
*CUCKOO - silly or slightly crack-brained person
*SHRIMP- very small or unimportant person
*DONKEY - stupid or obstinate person

Andami, no? Heto pa. Last na 'to, para matapos na:
*PIGEON - young woman
*CROCODILE- a line of people esp schoolchildren who are walking pairs
*WHALE- one that is impressive, especially in size
*DINOSAUR - obsolete or out-of-date person
*FISH - a person who is caught or wanted
*WORM - a person who is not liked or respected, very bad person
*CHICKEN - a person who is afraid, coward, young woman; (slang)young male homosexual
*CHICK- child, woman or girl
*SHEEP - innocent; timid;  a person easily cheated,
*BUG - enthusiast, crazy person,  a prominent person
*MOUSE - timid person

Kapag sinabihan ka naman ng "You have ants in your pants.", ibig sabihin 'restless' ka.

Ngayon, matanong kita. Animal ka ba? I mean, anong hayop ka?




















No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...