"Miss na miss na kita." sabi ko nang tinawagan ko si Dindee. Miss na miss niya na rin daw ako. "Kapag may pagkakataon, gusto ko uling umuwi d'yan para makasama ka."
Hindi siya nagsalita. Pero, naniniwala akong maligaya siya dahil nagkausap kami.
Napagkuwentuhan din namin ang pagkamatay ng tiyo ni Jeoffrey. Alam na daw niya. Tinawagan niya nga raw kahapon ang kaibigan namin.
Then, nag-text pa kami. Ang mga plano naman namin sa college ang aming topic. Magna-nursing siya.
Ipinadama kong masaya ako sa desisyon niya. Naramdaman ko ring masaya siya sa choice niya. Ang tingin ko rin ay tanggap na niya na magkakalayo kami ng tuluyan at matagalan.
Nakakalungkot pero wala na kaming magagawa. Wala na akong magagawa. Ang dapat ko na lang panghawakan ay ang pagmamahal niya. Habang patuloy niya akong minamahal kahit magkalayo kami, patuloy ko rin siyang iibigin. Lalo ngang tumitibay ang pagmamahal ko sa kanya habang lumalaon.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment