Followers

Monday, May 18, 2015

Kanino

Sa ating katawan, may demonyong namamahay
Sumusutsot, nagmamatyag at naghihintay
Tungo ay kasamaan, gawa'y kawalang-hiyaan
Umaga't gabi, diwa natin ay inaabangan
Kaya kung tayo ay pagagapi at paalipin
Wasak na buhay at impyerno ang lalandasin.
Subalit, sa ating puso laging may naghahari
Ating Diyos naTagapagligtas, kapiling palagi.
Walang kasamaang mananahan sa puso't isipan
Kapag Siya ang ating yayakapin at kakapitan.
Kahit sa unos, mga balakid o ating kahinaan
Siya ang sandigan, siya ay laging maaasahan.
Katawan natin ay may itim at may puti
May bahaging masama at may mabuti
Ngunit, marapating kabutihan ang umiral
Dahil ito ang nakasaad sa gintong aral
Panginoon natin, ito Kanyang ikalulugod
Si Satanas naman ay lalong mapopoot.
Ngayon ay kailangang magdesisyon ka na
Kung kanino mo iaalay ang iyong kaluluwa.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...