Ang mahigit kuwatro-anyos kong anak ay natutong magsalita ng Aklanon sapagkat doon siya nag-aral ng Kinder, 1 kaya nang makasama ko nagkaroon kami ng languange gap.
Madalas, hindi niya ako maunawaan. Hindi ko lang alam kung hindi niya talaga ako marinig o talagang hindi niya maunawaan ang Tagalog ko. Kaya, ang resulta ay inuulit-ulit niya ang salita o di kaya'y 'Ha?' ang tanong niya.
Nainis ako isang gabi kaya nasagot ko ng 'Bungol!'
Hindi na siya nagsalita. Naglaro na lang ulit siya.
Ang tanda ko, madalas mangyari ang ganoong tagpo. Pero, kinabukasan, binulungan niya ako. Hindi ko narinig kaya tumango lang ako. Mabuti at hindi niya alam na nabungol din ako.
"Huwag mo na akong sasabihan ng bungol, ha?" sabi niya uli. "Lakasan mo na lang ang boses mo." payo pa niya.
Maliwanag na maliwanag sa akin ang dating. Naawa akong bigla sa kanya, kasabay ng pagkakaroon ng guilt. Na-realize ko na dinidibdib niya pala ang salitang iyon.
Ang mga magulang ay dapat maging maingat sa paggamit ng mga salita kapag nakikipag-usap sa kanilang mga anak.
No comments:
Post a Comment