Followers

Thursday, May 21, 2015

Wattpad Lover: I

Bumagsak mula sa pinakamataas na book shelf ang mga copies ng published books ko, nang masagi ko ang pinapapatungan nila. Pinulot ko ang mga ito. Marami-rami na rin pala akong naging libro, naisaloob ko.

"Dad, give me break. I just want to focus on my studies." sabi ko pagkatapos niya akong i-convince na ipagpatuloy ko ang mga nasimulan kong wattpad stories.

"Anak, why now? Why now kung kelan andaming readers ang nag-aabang sa mga stories mo?"

"It's not my responsibility to please them. Ayoko pong maging hilaw ang mga kuwento dahil lang sa kagustuhan nating hindi sila mawala sa akin, as readers. Please, Dad, I don't want to write anymore. Hope naunawaan mo po ako."

Nilapag ni Dad ang mga published books ko, bago siya lumabas sa library namin. Marahan lang iyon pero sa tingin ko ibinagsak niya.

"I'm sorry, Dad." nasambit ko. "Handa na akong magsulat uli."

"Zil?" Pumasok si Daddy. Nakita niyang hawak ko ang mga libro.

Hindi ako nakapagsalita, hanggang nakalapit siya sa akin.

"It's been two years since you quit writing. Did you miss it?" Pinatong niya pa kamay niya sa balikat ko.

I nodded. "I missed Gelay, too." 

"That's good, Nak. But, she's nowhere to find. Maybe may sarili na siyang lovelife.."

"..or identity." I suggested.

"What do you mean?"

"She's a wattpad lover. Sinikap niyang makapagsulat noon, right? And, she succeeded.."

"Naalala ko. But, do you still love her?"

I nodded again. Timidly. My dad patted my shoulder once again. "It's alright. It's normal. Pero, huwag mong kalimutan ang.."

"Yes, Dad! I had once put her life in danger. I was so sorry that time. Kaya nga siguro, hanggang ngayon siya pa rin nag laman ng isip at puso ko.."

"Tara, Zil, mag-ice cream tayo sa labas. I think, you have to take a break." 

Hindi ako nakawala sa braso ni Daddy. Nadala niya ako hanggang sa kanyang sasakyan. Nadala ko rin ang mga libro. Nagkatinginan kami at nagkatawanan.




No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...