Followers

Saturday, May 16, 2015

Guro, Noon at Ngayon

Napakalaki na ng ipinagbago ng panahon. Ang noon ay hindi na kagaya ng ngayon. Maraming patunay sa pagbabagong aking tinutukoy. 

Ang guro daw ang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Siguro, noon. Pero, ngayon, unti-unti na yatang nalilimutan ang tunay na kabuluhan sa lipunan ng bawat guro. Kasabay kasi ng pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, nagbabago na rin ang pagtingin ng mga mag-aaral, magulang at komunidad sa itinuturing na pinakadakilang trabahador sa mundo—- ang mga guro.

Sa pagbati pa lang, makikita na ang kaibahan.

Noon: "Good morning, Mam!"
Ngayon: "Hi, Mam!"

Idagdag pa ang pagsulputan ng mga adbokasiyang nagtatanggol sa karapatan ng mga bata, na madalas ay nagiging sanhi upang mawalan naman ng karapatan ang mga guro. Gaya nito:

Noon: "Juan, papaluin at ibabagsak kita kapag inulit mo pa 'yan."
Ngayon: "Mam, ipapa-Bantay-Bata kita kapag pinalo mo pa ako."

Noon: "Mam, makulit po ang anak ko. Bahala ka na po sa kanya. Pwede niyo po siyang paluin."
Ngayon: "Mam, makulit po ang anak ko pero wala po kayong karapatang paluin siya!"

Mismong mga magulang nga nila ay sadyang nakalimot na kung paano sila hinubog ng mga guro. Nakakalungkot isipin na silang unang magulang ay may mababang tingin sa mga edukador ng bayan. 

Noon: "Anak, mag-aral kang mabuti at lagi kang makikinig sa guro mo."
Ngayon: "Sus, huwag kang maniniwala sa teacher mo. Naging estudyante din ako."

Pansinin mo pa ang study habit ng mga estudyante. Wala na! Nasaan ang kalidad na edukasyon? Sila mismo ang nagpapahina nito sapagkat ayaw nilang panatilihin ang makalumang istilo sa pagkatuto habang pinagyayaman nila ang makabago (daw) na pamamaraan sa paglinang.  

Noon: "Mam, pwede po ba akong makahiram ng textbook? Magbabasa po ako sa bahay, pag-uwi."
Ngayon: "Mam, may Facebook po kayo? Add kita mamaya."

Ang mga guro noon ay sadyang mapapalad dahil naranasan nila ang dakilang pagpapahalaga sa kanila ng komunidad at dahil may mataas pang pagpapahalaga ang mga kabataan sa edukasyon.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...