Followers

Saturday, May 16, 2015

BlurRed: Sakto

"Sakto!" sabi ko nang sinipat ko ang sarili ko sa salamin.

"Oo nga! Parang sinukat sa'yo." wika naman ni Sharon.

"Mabuti 'yan, hindi na tayo magpapa-repair." si Daddy.

"Mabuti pala, si Red ang nakuha nating kapalit dun sa nag-back out.." ang ama ni Sharon.

"Kaya nga po. At nagkita pa uli kami." May kakaibang kilig akong nakita sa pagbigkas niya.

May sinabi pa ang magkumpare na mas ikinakilig ni Sharon. Hindi ko lang narinig kasi busy ako sa pag-practice kung paano maglakad ang isang abay. First time ko, e.

Hapon na kami pinauwi ni Ninong. Nag-inuman pa kasi sila. Kami naman ni Sharon ay nagkuwentuhan lang.

Ang kulit niya. Pinagkuwento ako ng mga love life ko. Halos, hinalukay niya ang buhay ko.

"Ayan ha! Open book na ako sa'yo. Sana magkuwento ka rin ng love life mo.." biro ko.

"Hala! Huwag na. Boring ang buhay ko. Wala akong kuwentong kasingganda ng sa iyo."

"Bakit naman? Lahat ng pag-ibig, worth remembering."

"Basta.. Saka, hinahanap ko pa ang tunay kong pag-ibig.."

Di na ako nangulit.

"I think nahanap ko na siya."

Nagtaingang-kawali ako. Nagpindot-pindot ako sa cellphone ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...