Followers

Thursday, May 14, 2015

BlurRed: Sing Trip

"Hindi ako sanay ng ganito, Jeoff. Sorry na." Na-corner ko siya sa may pintuan. Hinintay ko talaga ang paglabas niya.

Tiningnan niya ako. Medyo, galit pa rin ang tingin niya. "Masanay ka na." Binangga niya uli ako sa balikat.

Nag-perform ako ng wala sa mood. Wala ngang pumalakpak sa una kong kanta. Kaya, bumawi ako sa pangalawa at panghuli.

"Anong nangyayari sa'yo, Red? Apektado ang performance mo kanina? Sabihin mo lang kung napapagod ka na. Maging concern ka naman sa negosyo ko.." Andami pang sinabi ni Boss Rey. Pinalusot ko na lang sa kabilang tainga. Mabuti at iniabot kaagad ang bayad ko.

Ayokong malaman niya na siya ang dahilan ng away namin ng kaibigan ko. Tiyak matutuwa lang siya.

Pinilit kong matulog pagkatapos naming magtext ni Dindee.

Hindi naman si Jeoffrey ang pinag-usapan namin. Ang tungkol sa pagkamiss namin sa isa't isa ang topic namin. Inalala namin ang mga sandaling masaya kaming magkasama sa mga pasyalan at kainan.

Ang hirap pala.. Mas nararamdaman ko ang layo namin sa isa't isa kapag inaalala. Gayunpaman, nakabawas iyon ng alalahanin kay Jeoffrey. Ayoko nang maapektuhan ang performance ko dahil sa kanya.

Kaya, kanina, pinapunta ko sina Gio, Rafael at Nico sa bahay. Tinugtugan ko sila. Naki-sing-along pa nga sila. Ang saya nga e. Para kaming mga sabog. Sing trip!

Ang tatlo dun ang kakantahin ko mamaya sa bar.

"Sama mo naman kami sa MusicStram mamaya." hirit ni Nico.

"Oo nga, daya mo naman, Red, e, si Gio lang ang naisama mo." ani Rafael. "Kami din."

Napangiti ako. Nagkatinginan kami ni Gio. "Siyempre, rocker itong best friend ko, e!" Nakipag-apir pa ako sa kanya.

Nagtawanan ang dalawa. Sabi pa ni Nico, "Rocker na 'yan? Kailan pa?"

"Nung di pa sikat ang Metallica!" hirit ni Rafael. Tapos, tawa uli sila ng tawa. Muntik na nga rin ako mapatawa.

"Uy, wag niyong ganyanin 'to. Di ko kayo isasama." biro ko naman.

"Joke lang yun, di ba, Raf?"

"Oo! Alam na 'yan ni Gio."

"Fuck you both!"

Nagtawanan kaming apat. Tapos, sinabi ko na sa kanila na isasama ko na sila mamaya. Tuwang-tuwa sila, lalong-lalo na ang dalawang alaskador



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...