May nagtext sa akin. Sabi niya: "Good morning! Dis s Sharon. Kinakapatid mo. Pnhingi ko ang no. mo ky paPA. Musta k n, Red?"
Wala akong load kaya di ko siya nareply-an. Ala-una na ako nagload at nag-reply.
Sinagot ko lang ang tanong niya. Pero, di naman agad niya tinapos. Gusto niya talaga akong makatext. More than that, she invited me to their house. Hindi ako ang-commit. Basta ang sabi ko, pag may time.
Alas-nuwebe ng gabi ay nasa MusicStram na ako. Gusto ko kasing makapagperform ng mas maaga para makauwi ng maaga.
"Good evening, Sir!" masayang bati ko sa guard.
"Good evening dun, Sir Red! Halos magkasunuran lang kayo ni Sir Jeoffrey."
Nagulat ako. Ang alam ko ay wala siyang gig dahil di pa naililibing ang labi ng kanyang tiyuhin.
"Ah.." Nagmadali akong pumasok para makausap ko siya. Pero, wala siya sa doon. Naisip ko kaagad na nasa office siya ni Boss Rey. At, alam ko na kung bakit nandun siya.
Kumatok ako sa pinto ng opisina. Narinig kong pinatuloy ako. Nagulat silang pareho nang makita ako. Pero, mas nagulat ako nang kumakain sila.
Business owner at drummer? Nagsasalo? Walang masama kung iisipin. Pero, may kakaibang nangyayari.
Naging abala si Jeoffrey sa pagkain niya. Inalok niya naman ako pero parang ayaw niya akong kausap. Okay lang naman kasi ang kailangan ko lang naman ay payagan ako na magperform ng mas maaga.
Pumayag naman ang boss ko.
Hanggang sa pagpikit ko, naiisip ko pa rin ang posibilidad na makabuo ng bawal na relasyon sina Boss Rey at Jeoffrey. Game ang kaibigan ko kaya malamang maggagamitan sila. Tsk tsk!
Followers
Wednesday, May 6, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment