Followers

Saturday, May 23, 2015

BlurRed: Emo

"May maitutulong ba ako sa inyo ni Dindee?" bungad sa akin ni Jeoffrey. Kararating ko lang sa bar. Naghihintay siya ng performances nila.

Hindi na ako nagtataka kung bakit niya alam na may problema kami ni Dindee. "Wala, Bro. Ayos lang. Kaya pa."

"Mukhang hindi, e."

Ngumiti lang ako ng pakunwari. Pero, ang totoo, tama siya.

Mabuti na lang ay tinawag na ang banda nila. Hindi na niya ako nakulit.

Pagkatapos ng performances nila, ako naman ang tinawag.

"Red, hihintayin kita. Goodluck!" Tinapik-tapik niya pa ako sa balikat.

"Okay!"

Ang lungkot nga ng mga tinugtog ko. Pero, nakita kong tawa ng tawa si Jeoffrey. Kahit nang nakababa na ako, di pa rin siya mapigilang tumawa.

"Puta! Sabi mo ayos ka lang! E, bakit emo ang mga kanta mo! Walang hiya! Inom tayo, ako ang taya." Nakipag-aapir pa siya.

Nag-isip muna ako bago ako umapir.

"Ayos! Sandali lang, paalam lang ako sa mga kabanda ko."

Pumuwesto na ako sa bakanteng table.

Ang sarap uminom kapag may problema. Sarap din pag libre. Iba na ngayon si Jeoffrey. Paldo na. Iba na ang may Papa.

Hindi naman ako nag-confide kay Jeoffrey. Siya nga ang nagkuwento tungkol sa mga napag-usapan nila ni Dindee. Tindi talaga ng pagseselos niya kay Riz.

Nalasing ako sa dalawang bucket na ininom namin ni Jeoffrey. Mabuti na lang at nakauwi ako. Pero, paggising ko, ala-diyes, ang bigat ng ulo ko. Pinagsabihan pa ako nina Mommy at Daddy. Nasasanay na raw akong uminom.

"Hindi naman po lagi. Saka, nayaya lang naman ako ni Jeoffrey." depensa ko.

"Wala namang problema, Nak. Basta, may limitasyon. Alam mo naman 'yun, di ba. Ingat ka lang. Malapit ka pa naman sa kapahamakan." litanya ng maunawain kong ama.

"Opo." Tapos, lumapit ako sa kanya. "Ah, ganyan pala ang ginagawa sa mga bonsai.."

Napangiti si Daddy. Alam niyang niliko ko ang usapan.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...