Followers
Saturday, May 2, 2015
Ang Aking Journal -- Mayo, 2015
Mayo 1, 2015
Masakit na naman ang puwitan ko. Gaya ng dati, di ako makakilos ng normal. Kagabi ko pa ito naramdaman. Mas lumalala pa nga pagkagising ko. Siguro nasobrahan ako sa mga pagkaing may uric acid at nakulangan sa tubig.
Gayunpaman, naging aktibo pa rin ako. Naghugas. Sinamahan ko ang mga bata sa beach. Tapos, gumawa ng 'ribbon with names' para sa ataul ni Papay Benson.
Gabi. Mas lumala ang sakit. Nakapag-bike pa nga kami ni Ion hanggang sa simbahan. Pagdating namin ay grabe na. Paika-ika na ako.
Mabuti na lang ay postponed ang workshop nina Zillion sa Jollibee bukas. Hindi ko rin kasi maeenjoy. Ang moment ng anak ko.
Sana um-okay na ako bukas. Mas gusto ko ang nakakatulong, lalo't darating na sina Tito Boy bukas.
Mayo 2, 2015
Nang magising ako, medyo nabawasan ang sakit na naramdaman ko kagabi. God is good talaga. Kaya naman, marami akong nagawa at natulong. Unang-una na ang paggawa ng baskets of flowers para sa patay.
Alas-onse ay sinabi sa akin ni Aileen na tuloy ngayong araw ang Talent Camp na sasalihan ni Zillion sa Jollibee. Mabuti na lang at nawala na ang sakit.
Alas-dos ay nasa Jollibee na kami. Kasama ko sina Skye at Kylle. Kami ang nauna doon. Di naman agad nagsimula. Nainip nga si Ion.
Mabilis lang natapos ang unang araw ng camp. Nagpakilala, gumawa ng name tag, kumanta at sumayaw sila. Tapos, kumain.
Ayos! Sulit na sulit ang P500 na bayad.
Sa Lunes na uli ang susunod na camp. Bale limang araw pa, kasama ang graduation.
Another milestone na naman ito ng anak ko.
Mayo 3, 2015
Marami ulit akong nagawa at naitulong ngayong araw. Naubusan na nga ako ng almusal. Pero, ayos lang dahil nakapagkuwentuhan kami ni Ate Quennie habang naghihimay ng malunggay.
Sandaling tumigil ang mundo mamg magsimula ang laban nina Pacman at Mayweather. Tinutukan ko ito para malaman ko ang hula ko. Nabigo ako pero ayos lang. Ang hindi mabuti ay ang desisyon ng mga judges na panalunin si Mayweather gayong tumakbo-takbo lang at niyakap ng niyakap si Pacquiao. Nalungkot ang karamihan.
Alas-dos, dumating sina Tito Boy at Auntie Lida.
Gabi. Nakinig ako sa service. Ang ganda ng mensahe ng speaker. Marami akong natutunan. Bumalik ang drive ko para magserbisyo uli sa Diyos.
Pagkatapos nito, nahipo ko na mainit si Ion. May sinat. Kaya pala sumuka nang pinapakain ko ng biko. Sana huwag naman itong maging lagnat.
Mayo 4, 2015
May lagnat pa rin si Zillion paggising ko. Ang masama, nag-diarrhea pa siya. Ilang beses siyang nagpo-poo maghapon.
Sa kagustuhan kong makakain siya ng marami, napalo ko siya habang sinusubuan ng almusal. Nakakain siya kahit paano. Pero, hindi pa rin tumigas ang tae niya. Mabuti na lang ay postponed ang Talent Camp nila sa Jollibee.
Dumating sina Auntie Vangie at Auntie Emol pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ng almusal. Si Tito Zaldo naman ay dumating bandang alas-singko ng hapon. Ang mga Diokno naman ay pasado alas-sais y medya. Hindi ako nagpakita sa kanila. Ayaw ko sana silang makasalamuha. I know ganun din sina Jano, Mama at Tito Boy.
Nakatulog si Ion pagkatapos kung pakainin. Nawala na rin ang lagnat. Nakatulong ang Paracetamol ni Ate Lory at ang pagpupunas ko sa kanya. Sana bukas ay magaling na siya.
Mayo 5, 2015
Nawala naman kaagad kagabi ang lagnat ni Ion. Pareho nnga kaming nakatulog ng mahimbing. Kaya lang, wala pa rin siyang lakas at gana. Isinuka niya lang ang inalmusal niya. Tapos, natulog hanggang alas-diyes.
Pumu-poo din uli siya.
Alas-onse niyaya niya akong mag-bike. Kahit napakainit ay pinagbigyan ko siya dahil parang nahihirapan siyang huminga.
Pagdating namin nakagawa na ako at nakatulong. Naayos ko ang mga bulaklak. Nakapag-lunch ng maayos. Nakapaglaro ng scrabble.
Mabuti na lang din ay postponed pa rin ang Talent Camp.
Alas-kuwatro, bumalik na naman ang panghihina niya. Si Mama naman ang umintindi sa kanya, habang ginagawa ko naman ang video presentation para sa tribute kay Papay Benson.
Bago magsimula ang service, nagising si Ion. Nilabas ko dahil nainitan siya at sumasakit ang tiyan niya. Mabuti na lang at tumigil at siya ay nakatulog. Sana bukas ay okay na siya.
Nang nakatulog siy, dumalo ako sa eulogy. Naging successful ang video presentation. Marami ang umiyak. Kahit ako ay personal na humanga sa output. Si Jano ay nagandahan daw. Akala niya ay St. Peter ang gumawa.
Gusto ko rin sanang mag-share ng mga salita patungkol sa namayapa. Inabot lang ako ng hiya. Di bale.. Mayroon pa naman bukas.
Mayo 6, 2015
Alas-dos ng madaling araw kanina, sinusubukan kong huwag akong antukin, pero di ko kinaya. Natulog ako sa bahay ni Ate Ning, since ukupado ni Mama ang higaan ko. Mabuti naman dahil may kasama si Ion.
Alas-singko yata iyon ng umaga ng bumangon ako at lumipat sa tabi ni Ion. Nakabawi ako sa puyat.
Alas-dose, nilabas na ang ataul. Nagkaroon ng service sa FMBC. Then, may eulogy uli. Tinawag ako ni Pastor para magbigay ng mensahe.
Iyak ako ng iyak that time dahil sa mga sinabi nina Kuya Tan-Tan at Ate Ning. Pero nang masabi ko sa kalagitnaan ang naihanda kong message, natawa ang lahat.
Sabi ko: "Si Papay Benson, naging mas tatay ko pa kesa sa tunay kong ama. Siya ang nagsabi sa akin na huwag kong pakasalan ang ang ina ng dalawa kong anak. Gusto niya pala akong mag-aral. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng dalawang pamilya.."
Binicol ko yun kaya nagtawanan ang lahat. Natawa rin ako..
Nang nagpatuloy ako, nakinig pa rin sila
Ang iba ay tawa pa rin ng tawa. Ayos lang. Ang mahalaga ay nasabi ko ang aking pasasalamat. Late man ay nahabol pa rin.
Hindi nga lang maka-move on ang iba sa mensahe ko. Tumimo ito sa kanilang isipan. Sa gitna kasi ng iyakan ay napatawa ko sila.
Alas-kuwatro ay nakabalik na kami. Sobrang pagod at gutom ko. Nun ko lang naramdaman ang gutom. Nawala kasi ang gana ko. Di ako makain ng husto, lalo pa't nagkasakit pa si Zillion. Mabuti na nga lang at buo na ang kanyang poo-poo.
Alas-singko, nag-bonding kami ni Ate Quennie habang kumakain ng singkamas at inihaw na isda. Marami kaming napagkuwentuhan tungkol kay Papay Benson, bago nagsidatingan sina Auntie Vangie at Auntie Emol. Ayos! Ang saya!
Alas-siyete. Pumunta kami sa Pon-od, kina Manay Lerma. Nagtampisaw kami sa dagat. Ang totoo ay manghuhuli kami ng alimasag doon. Pero, walang buwan, kulang sa flash light at naunahan kami ng mga mangingisda, kaya konti lang ang nahuli. Okay lang. Nag-enjoy naman si Zillion.
Mayo 7, 2015
Mga alas-9 ng umaga ay pumunta kami sa Polot. Ang saya! Nag-enjoy si Ion.
Pumunta rin kami ni Jano kay Mamay Gaya. Natuwa siya, lalo na nang binigyan namin siya ng tig-isang daang piso.
Dinalaw din namin ang aming lupa. Nagustuhan nina Auntie Vangie. Naging mas interesado pa siya doon kesa sa lupa ni Mamay Gaya na tiningnan namin. Kakausapin niya raw si Tito Sam.
Si Jano naman ay biglang nagbago ang isip. Dati ayaw niyang tumira doon.
Naawa ako kay Ion. Napapalo at napipitik ko kasi ang bibig dahil ayaw lunukin agad. Ang hirap niyang pakainin kaya kailangan kong gawin ang mga ito. Labag man sa loob ko ay dapat na siyang daanin sa kamay na bakal.
Mayo 8, 2015
Nag-diarrhea na naman si Ion, umaga pa lang. Nag-aalala na ako. Kaya nga nagpabili ako ng Gatorade para di siya madehydrate.
Pinahirapan ako ni Ion sa pagpapakain. Hindi pwedeng hindi ako magalit sa kanya. Grabe! Iniiyakan niya ang pagkain.
Namasyal kami sa Bariis Lake. Alas-sais na kami nakarating doon kaya inabutan na kami ng dilim. Pakatapos, sa Sabang Park naman kami nagpicnic.
Hindi ko naenjoy ang gabi. Iniyakan na naman ni Zillion ang kanin. Nakakainis na ugali!
Alas-otso y medya nakauwi na kami. Parang wala namang nangyari. Di masaya. Pero, okay lang. Dagdag na naman sa experience ni Zillion.
Mayo 9, 2015
Nang mawithdraw ko ang mid-year bonus ko, bandang alas-sais y medya, nagdesisyon akong umuwi na. Ngayon din bibiyahe si Kuya Jape. Isasabay niya si Jano, si Eking at ang dalawang naming tiya.
Okay naman kay Mama ang desisyon ko dahil gustong-gusto na niyang makapagpacheck-up.
Nagpareserve kami ni Ion bandang alas-otso. Nakita ko ang apelyidong Flores sa reservation sheet ng Mark Eve's Transit, kaya pinatira ko ang kasunod na upuan. Makakasabay namin sina Tito Boy at Autie Lida. Kaya lang, nauna na pala sila. Pang-alas-dos na bus pala ang nasakyan nila. Kaya pala, dalawa ang Flores doon.
Ayaw niya kaming makasabay. Okay lang.
Pumunta sina Auntie Leny, Auntie Melda at Auntie Ludim kina Mama Leling, bago mananghalian. Nakita namin ang ulo ni Auntie Leny na nalagasan ng buhok dahil sa chemo. Naawa ako.
Mayo 10, 2015
Sa tagal kong bumibiyahe, kanina lang ako inabot ng tawag ng kalikasan. Lumapit ako sa driver ng bus at nagtanong kung mag-i-stopover. Sabi niya ay malapit na. Ang malapit sa kanya, napakalayo naman para sa akin. Kaya, antagal kong namilipit sa sakit ng tiyan. Muntik na ngang di umabot. Ginhawa naman ang naramdaman ko nang mairaos ko.
Ang hirap ng nasa ibang bahay, namamahay ako. Pati nga ang pagkain ay di ko masyadong pansin. Sa dami at sa sarap ng mga pagkain, hindi ko masyadong na nalasahan. Siguro ay stress lang ako dulot ng pagda-diarrhea ni Ion.
Alas-sais y medya ay nasa Bautista na kami. Naabutan namin sina Flor, Nunuy at Rhylle sa tabi ng kalsada. Kaalis lang daw nina Auntie Vangie. Ibig sabihin, muntik na kaming magpang-abot. Sayang..
Pagkatapos magkape, natulog ako. Tapos, alas-diyes ay ginising ako ni Flor para kumain. Inutusan kasi siya ni Mama na mamalengke at magluto. Then, natulog uli ako. Kahit paano ay nabawi ko na ang ilang araw na puyat at pagod.
Si Ion naman ay nakakain na rin ng kanin. Hindi na rin malambot ang poopoo niya. Thanks, God!
Mayo 11, 2015
Pahinga ako buong araw. Nag-Facebook at nag-wattpad lang
ako. Si Flor ang naglaba ng mga labahan namin. Si Mama naman ang nagluto. Sinamahan ko lang si Ion sa panunuod ng cartoons at binantayan sa pakikipaglaro kay Rhylle.
Okay na ang poopoo ni Zillion. Malakas na rin siyang kumain.
Sana ay gumanda na ang katawan niya bago magpasukan. Mahigit dalawang linggo na lang ay pasukan na. Sana ay magawa kong patabain siya.
Wala pa ring tawag mula kay Emily. Malapit na akong
mag-alala. Konting paghihintay pa. Hindi ko naman kailangan ang padala niya. Gusto ko lang na makausap niya si Zillion dahil nagtatanong na ang anak namin. Ito ay para maging inspired din siyang magtrabaho.
Dalangin ko rin na nasa mabuti siyang kalagayan.
Mayo 12, 2015 Alas-nuwebe ay pumunta kami ni Ion sa Gate 2 para magbayad ng RCBC bills ko. Pinagupitan ko na rin siya at pinakain sa Jollibee. Siyempre, nag-grocery kami ng kaunti para may makain-kain siya, since ang hirap niyang pakainin ng kanin. Natatawa lang ako kasi nang nasa barber shop kami, habang naghihintay, pinapili ko siya ng hairstyle. Anong number? tanong ko at turo ko sa mga nakapaskil na pictures ng lalaki. Ang bilis niyang mamili. Sabi niya, 'yung may 2 at 9. Ah, 29! Natawa talaga ako kasi mohawk ang gusto niya. Hindi pwede sa kanya. Ang nipis nga ng buhok niya. Bagsak pa. Gayunpaman, pinanipisan ko na lang ang buhok niya. Ayos ang resulta. Poging-pogi. Isang oras, pagdating namin sa Bautista, umalis na sina Mama at Flor. Didiretso sila sa Sauyo dahil birthday ni Lola Alice. Inimbitahan sila kahapon nang pumunta siya dito. Tapos, bukas, sama-sama silang pupunta sa St. Luke's para sa eye checkup. Naiwan sa akin si Rhylle. Ayos lang naman dahil may kalaro si Ion. Bandang alas-otso, tumawag si Emily. Natuwa ako lalo na nang malaman ko na nakapagpadala na siya sa Aklan. Nasa Saudi siya ngayon kasi taga-roon talaga ang amo niya. Okay naman daw siya. Iyon ang mahalaga. Nagkausap sila ni Ion. Tuwang-tuwa ang anak namin.
Mayo 13, 2015
Kulang ako sa tulog dahil magdamag kaming pineste ng mga lamok. Nakasindi na nga magdamag ang ilaw at nakaikot ang maliit na electric fan sa amin, nakakalusot pa rin ang mga lamok. Sa sobrang pag-aalala ko na baka papakin si Ion, hindi ako agad nakatulog. Pagising-gising ako. Sa buong buhay ko, kagabi lang ako pineste ng ganun kadaming lamok.
Maaga ring nagising si Ion kaya bumangon na rin ako nang bumangon siya. Wala kasi si Mama para asikasuhin siya.
Naabutan namin sa baba na nagkakape si Rhylle. Umalis na rin si Nunuy kaya pati siya ay pinakain ko ng almusal.
Ang tigas ng ulo ng anak ni Flor. Ayaw maligo. Ayaw kumain ng tanghalian. Ayaw ding pumasok. Maghapong nag-abang sa ina sa may kalsada. Antagal din niyang umiyak. Nakakaawa na nakakarindi.
Siguro ay nagutom kaya nang nagmeryenda kami ay sumali siya. Nakatatlong sliced bread din. Tapos, nakatulog siya. Paggising ay lumabas uli at naghintay.
Alas-singko pa daw machecheck-up si Mama ayon sa text ni Flor kaya matatagalan pa ang paghihintay ng anak niya.
Alas-otso sila dumating. Katutulog lang ng dalawang bata.
Mayo 14, 2015
Nakatulog na kami ni Ion ng maganda-ganda. Sa kutson ni Taiwan kami natulog since wala naman siya at umuwi na sina Flor kagabi. Nag-electric fan kami. Si Mama naman ay nagkulambo sa higaan namin.
Unti-unti ko nang nakikita ang epekto ng Propan kay Ion. Ganado na siyang kumain. Favorite niya ang toasted na sliced bread na may palaman na margarine with sugar.
Kaninang tanghali ay marami siyang nakaing kanin dahil ang ulam namin ay longganisa. Isa rin ito sa mga paborito niya.
Kapag nagtuloy-tuloy, bibilog na siya. Magiging pogi lalo siya.
Masaya ako't naging kabaligtaran siya noong nasa Bulan kami. Natatawa nga kami ni Mma dahil siya pa ngayon ang naghahanap at humihingi ng pagkain. Unlike doon, napapalo at napipitik ko pa sa bunganga para lang makakain.
Sana ay magtuloy-tuloy na para bumilog na rin ako. Kahit paano kasi ay nababawasan ako ng problema. Nakakakain din ako ng marami.
Mayo 15, 2015
Dapat ay may faculty meeting kami ngayon, 9 AM, pero kahapon pa lang ay nagdesisyon na akong di pumunta dahil kailangan ni Mama ng kasama sa kanyang pagpapacheck-up ng kanyang mata sa East Avenue Medical Center. Siyempre, mas mahalaga na masamahan ko siya kaysa sa meeting na sigurado naman akong iinit lang ang ulo ko.
Ang gana-gana pa rin ni Ion kumain. Nagustuhan niya ang luto kong chicken adobo. Iyon daw kasi ang paborito noya sa Aklan. Sabi niya pa nga iyong may dahon na brown. Laurel 'yun.
Nalungkot ako kasi paggising ko, nagkaroon lang ako ng maikling chance na magpost sa wattpad. Nawalan na agad ng internet connection. Di ko pa nga natapos. Pinutol na ng Smart. Dalawang buwan na kasi ang bill ko. Kaya ko namang bayaran. Di ko lang nadala ang account number.
Ang hirap pag walang net. Para akong pinapatay sa lungkot. Andami ko pa namang dapat i-post sa wattpad.
Martes pa ako nito makakabayad.
Mayo 16, 2015
Namalengke kami ni Ion, bandang alas-nuwebe ng umaga sa Veterans. Matagal-tagal pa ang pag-stay ko kaya kailangang magpasarap sa pagkain.
Bago kami nakaalis, tumawag si Donya Ineng. Ibinalita niya ang tungkol sa meeting. May nagtext daw sa kanya na ibinigay na ang Filipino coordinatorship ko. Okay, sabi ko. Pero, talagang sumama ang loob ko dahil ginawa nila iyon na wala ako. Gusto ko sanang ako mismo ang magsalin.
Wala namang problema kung tanggalan nila ako ng mga trabaho. Gustong-gusto ko kaya ang makapag-focus sa aking anak, sarili at writing career.
Nanalo man ang kalaban ko na matanggalan ako ng papel, hindi man nila nakuha ang kakayahan kong magsulat.
Pagdating ko, nag-subscribe ako ng one-day internet. Kaya, habang nagluluto ay nakapagpost ako sa blog at wattpad.
Nakapaglaba pa ako ng mga damit namin ni Ion. First time ko ito ginawa dito. Dati si Mama ang naglalaba. Pero, since naggagamot siya ng mata niya, less work siya ngayon. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko. Pag gumaling naman siya ay hindi naman siya nagpapasilbi. Iiwanan ko pa nga sa kanya si Ion sa May 25 to 29, dahil may INSET kami.
Alas-sais, tumawag si Mamu. Gaya ng sinabi ni Donya Ineng, iyon din ang sinabi niya. Mas mahaba nga lang ang usapan namin. Nagkasundo kaming magiging pasaway gaya ng tingin nila sa amin. Pag nag-iba kasi kami ng opinyon, masama na kami sa paningin nila. Kaya, mas maigi pang patunayan sa kanila na pasaway nga kami.
Mayo 17, 2015
Nagsulat, I mean, nag-type ako sa cellphone ko ng mga articles para sa wattpad ko. Sisimulan ko naman ang bagong album ko doon na pamamagatang kong 'Taglish Please'. Ito kasi ay tatalakay sa vocabulary at talasalitaan. Sa katunayan, natapos ko kanina ang sanaysay na may pamagat na 'Anong Hayop Ka?'. Nakasaad dito ang iba pang kahulugan ng mga hayop gaya ng dog, dragon, etc.
Kanina din habang nagluluto ako, pumasok sa utak ko na isulat ang tungkol sa aroma ng ginisang bawang at sibuyas na ikinonekta ko naman sa pagiging mabuting asawa.
Pag may internet na uli ako, ipopost ko kaagad ang mga articles ko ngayong araw. Ia-upload ko din ang mga pictures ni Zillion na kuha ngayong araw.
Bukas ay pupunta kami sa East Avenue Medical Center para sa check-up ni Mama.
Mayo 18, 2015 Kulang ako sa tulog. Alas-tres ng madaling araw kanina ay gising na ako. Di na ako nakatulog. Kaya nang bumangon si Mama, bumangon na rin ako. Tutal, aalis kami. Six-thirty ay umalis na kami. Mabilis ang biyahe. Natagalan lang kami sa Gate 2 at sa Tropical. Nagdalawang sakay kami kasi punuan ang dyip. Pagdating namin sa EAMC, andami nang pasyente. Pang 12 si Mama, kaya, ala-una na kami nakapag-lunch. Alas-tres y medya ay nakauwi na kami. Napagod ako. Pero, masaya ako dahil masaya si Mama. Kahit babalik pa kami sa Wednesday, willing pa rin akong samahan siya. Nakausap namin si Tito Ben. Naawa ako dahil alam niya pala na may banta sa buhay niya ang mga Diokno dahil sa lupa. Bago siya nagpaalam na umuwi na, humingi siya ng pang-inom o pambili ng alak. Forty pesos lang daw. Since, first time niyang humingi, hindi ko siya binigo. Ginawa ko na ngang P50. He he. Kahit paano ay napasaya ko siya.
Mayo 19, 2015
Kagabi ay napanaginipan ko ang tawag na hinihintay ko mula sa 'Ready.Set.Write.' na isang workshop para sa mga nagnanais makapag-publish ng wattpad stories. Akala ko nga ay totoong tawag.Tuwang-tuwa na sana ako. Gayunapaman, maghapon akong naghintay ng tawag.
Ang ahente sa lupa naman ang tumawag sa akin. Hinahanap na raw ng realty corporation ang notarized employment certificate. Sinabi kong before Friday. Sana magawa ko. Gusto ko na ring matapos na ang mga pang-aabala sa akin.
Bukas, kami na lang ni Mama ang aalis. iiwanan ko si Zillion sa pangangalaga ni Jano. Pumayag na siya. Ang hirap kasi pag tatlo pa kami.
Mayo 20, 2015
Pasado alas-sais y medya ay bumiyahe na kami ni Mama. Tulog pa si Ion nang iniwan namin kay Jano. Kampante akong magiging maayos naman ang pag-stay niya doon.
Pasado alas-8 ay nasa Eye Center na kami. Andami nang pasyente. Kaya naman, ang mga sumunod na oras ay nauwi lang sa matagal na paghihintay. Nagutuman kami dahil dito. Hindi pwedeng umalis si Mama para kumain dahil baka tawagin siya. Nang tinawag naman, sinabihang may kasunod pang titingin.
Nagsulat na lang ako ng article habang naghihintay.
Ala-una, nakita ko si Lola Alice. Niyayaya si Mama na mag-stay sa kanila. Ayaw naman ng huli.
Alas-tres na yata natapos i-check up si Mama. Bad result kasi may nodule ang operadang mata niya. Dadaanin sa gamot. Kapag hindi kaya, kailangan nang i-scrape. Nalungkot ako. Dagdag pasakit na naman kapag nangyari iyon. So, dapat gumaling o matunaw iyon after one week.
Babalik siya sa May 27.
Nilibre kami ni Lola Alice ng meryenda. Very late na ang lunch ko, pero ayos lang.
Sa Gate 2, natagalan kami sa Jollibee para bumili ng pasalubong kay Ion, gayundin sa grocery. Pasado alas-7 na nang dumating kami.
Sobrang napagod kami ni Mama. Mabuti na lang at nakapagluto pa ako at nakakain kami ng magana.
Hindi ko na iniisip ang gastos. God is the great provider. Masaya ako dahil nasusuklian ko na ngayon ang mga paghihirap ni Mama sa akin simula noon. Ang dalangin ko lang ay gumaling na siya para mas ma-enjoy niya ang mga biyaya at pagtulong ko. Ayoko kasing sa mga gamot lang napupunta ang mga kinikita ko. Mas gugustuhin ko pang ipasyal siya, bilhan ng pagkain at mga halaman.
Mayo 21, 2015
Wala pa rin si Taiwan kaya hindi ako nakaalis. Mabigat din ang katawan ko kaya nagdesisyon akong sa Sabado na lang pumunta sa Gotamco para maglinis ng classroom. Isa pa, kailangan kong panindigan ang sinabi ko sa guardian ng estudyante ko na nagtext at pinagsalitaan ako ng hindi tama. Inoobliga niya kasi akong pumunta doon para ibigay sa kanila ang card, imbes na unawain ang kalagayan ng aking ina at ng obligasyon ko sa kanya. Hindi daw tama na sila ang mag-adjust dahil sa kalagayan ni Mama. Leche! Samantalang may schedule ng kuhaan ng card. Nagalit ba ako nang di sila nakapunta? Illogical sila.
Nakatikim siya sa akin kaya tumigil pagkatapos kong sabihin ang magic words. Hehe. Nakagawa pa tuloy ako ng tula at anekdota dahil sa isyung ito.
Wala na ring balita tungkol sa Brigada Eskuwela. Alam kong okay naman na hindi pa ako sumipot, since hindi naman ito compulsory. Pero, sisikapin kong makadalo sa INSET sa Lunes hanggang Biyernes.
Mayo 22, 2015
Hindi pa rin ako nakaalis. Wala pang makakasama sina Mama at Zillion kapag iniwan ko sila. Gayunapaman, hindi ako nagmamaktol. Ang plano ko kasi, sa Linggo pa ako pupunta sa school para maglinis ng classroom.
At dahil, konting araw na lang ang bakasyon, kailangang palakasin ko ang katawan ko. Nagluto ako at naghanda ng makakain naming lahat.
Siyempre, hindi ko pwedeng aksayahin ang mga oras. Habang nanunuod ng telebisyon, ako ay nagsusulat ng mga sanaysay, tula at kasabihan.
Wala akong internet maghapon. Pero, ayos lang. Ilang araw na lang ay mababayaran ko na ang bill ko sa Smart. Magkakaroon na uli ako ng unli wifi.
Naiisip ko sina Hanna at Zildjian. Naaawa ako. Ni hindi ko sila nadalaw o nakasama. Paano nga ba? Gayong busy ako sa pag-aalaga sa aking ina at anak. Ubos na rin ang aking budget.
Ang hirap! Nakakalungkot. Mga anak ko rin naman sila. Pero, sa kabilang banda, may pagkukulang din ang dati kong asawa. Kung sana ay isinasama niya rito, tiyak akong mabibigyan ko kahit paano.
Sabi nga ni Mama, kung si Hanna raw ay nasa amin pa, sigurado siyang may mag-aalaga sa kanya. Hindi naman niya aasahan sa lahat. Gusto lang niya ang may makasama. Ang kaso, ayaw namang ipagkatiwala sa amin ng kanyang ina. Kahit nahihirapan na sila, pinipilit pa ring kayanin. Bahala nga sila!
Naisip ko, kapag may bonus pang dumating sa Hunyo, ibibigay ko sa kanilang dalawa.
Mayo 23, 2015
Hindi na naman ako nakatulog pagkatapos kong bumangon bandang alas-12 ng hatinggabi para patakan ng gamot ang mata ni Mama. Lagi na lang din akong puyat. Hindi makatulog kahit hapon dahil sa sobrang init at sa schedule ng pagpatak (kada dalawang oras).
Dumating na si Taiwan bandang alas-diyes. Makakaalis na ako.
Mag-aalas-7 ng gabi ay bumiyahe ako pabalik sa Pasay. Ngayon na lang ako makakauwi simula noong kumuha kami ni Ion ng mga damit para sa pag-stay namin sa Bulan. Halos isang buwan na rin. Kasi, wala pang balita na namatay si Papay Benson ay nasa Antipolo na kami.
Mayo 24, 2015
Alas-nuwebe ay nasa school na ako para maglinis. Akala ko ako lang ang tao doon maliban sa guard. Naroon din pala sina Karen, asawa niya at sina Jonathan at Tristan.
Tumulong si Tristan sa paglilinis/pagma-mop kahit di ko sinabihan. Ayoko sanang magpatulong dahil kaya ko naman at saka gipit ako sa pera. Kaya lang nakita ko ang eagerness niyang tumulong at kumita kaya hinayaan ko. Isang oras lang ang pagod niya, nagka-P100 agad siya sa akin. May bonus pang kalakal (white paper), na nabenta niya sa halagang P48.
Okay lang. Nakatulong na ako, natulungan pa ako.
Bago ako naglunch, nakuha ko sa may bundee clock ang mga bills ko. Limang bills 'yun. Sa internet. Dalawa sa RCBC. Dalawa din sa Smart Postpaid. Hindi na ako Nagulat sa babayaran ko sa net. Nakaschedule na kasi ang pagbayad nun. Sa RCBC naman, expected ko na, na malaking-malaki na ang bills ko. Pero, ikinagulat ko na P2000 plus ang bill ko sa Smart. May notice pa. Matindi.
Naalarma ako. Nakakalungkot dahil andami ko nang babayaran. Naawa tuloy ako sa sarili ko.
Ala-una. Pumunta ako sa HP. Binayaran ko nang lahat ang sa net. Malungkot pa rin ako, kaya naghanap ako ng pay phone para ipa-terminate ang account ko sa Smart. Malas! Wala akong nakita. Umuwi na lang ako at tumawag sa hotline gamit ang cellphone load ko.
Napasigaw ako nang biglang huminto agad ang processing ng call ko. Kinain lang ang P40. Shit talaga! Sobrang malas. Andami ko nang nasayang na pera..
Wala akong nagawa. That's life..
Kaya nga, bago pa dumagdag nang dumagdag ang mga charges sa bills ko, kailangang i-settle ko na. Bukas, makikigamit ako ng landline sa school.
Kanina, habang nasa kasagsagan ako ng kalungkutan, dumagdag pa ang isiping si Mama ay kailangang maipagamot at masuportahan sa pagkain at gamot; ang mga anak ko ay nangangailangan ng gamit sa school at uniporme; at ako naman ay may dapat ding bilhin gaya ng Monday uniform.
Naawa ako sa sarili ko at sa pamilya ko.
Bago mag-alas-kuwatro, nagdesisyon akong bumalik sa Antipolo para sunduin si Zillion. Hindi kasi ako mapakali. Gusto kong ako ang kasama niya lagi. Hindi sa wala akong tiwala kay Mama kundi dahil gusto ko nang masanay na ako na ang kasama niya. Igi-give-up ko na nga ang pagmamasteral ko para sa kanya. Gusto kong mag-focus sa kanya. Siya ang kayamanan ko.
Wala pang alas-y medya ay nasa Bautista na ako. Hindi na kami makakabiyahe ni Ion. Bukas na lang. Hindi ko pa nga alam kung paano magsabi kay Mama. Umaasa siyang ako ang kasama niya sa Miyerkules.
Mayo 25, 2015
Alas-singko y medya gising ko na si Ion para makaalis agad kami sa Bautista. Kaya bago mag-alas-6 ay nasa biyahe na kami. Na-traffic lang kami kaya, alas-otso y medya na kami nakarating sa boarding house.
Pagkaligo, pumunta na kami sa school. Konting minuto lang ang inilagi ko sa office, then, umkyat na kami. Nadaanan namin sina Mam D. Later, pumunta siya mag-isa sa classroom ko para kumustahin si Mama. Parang naglaho ang hinanakit ko sa kanya.
Later, si mam Dang naman ang pumasok. Parang may gusto siyang pag-usapan namin. Hindi ako nag-initiate. Hindi rin siya.
Bago, nagpameeting si Mam, andami ko munang nagawa sa classroom at sa garden ko. Pinasalamatan ko si Ate Cris sa pag-aalaga/pagdidilig niya ng mga halaman ko.
Sa meeting, wala namang sinabing negative para sa akin. Okay naman ang lahat. Doon ko rin nakita kung paano ilapit ni Donya Choling ang sarili niya sa akin, through pagtatanong. Parang gusto kong maniwala na totoo siya.
Bukas ang dating ng artistang si Joshua Garcia para mamigay ng school supplies. Binigyan ako ni Mam Julie ng ticket. Ayos! Naabutan pa namin ni Ion. Akala ko ay noong May 19 pa.
Umuwi na kami ni Ion bandang alas-3:30. Sobrang antok at pagod ko kaya nagpahinga muna kami bago ako nagligpit at naglaba.
Mayo 26, 2015
Kagabi, bandang alas-11:40 ng gabi, naalimpungatan ako sa tawag mula sa TM-Viva-PSICOM, na sinalihan ko nung isang araw. Hindi ako makapaniwala na napili ako bilang isa sa 100 registrant na kasali sa workshop. Whoah! Halos hindi ako makapagsalita nang kinakausap ako ng nasa kabilang linya. Totoo pala ang panaginip ko. Ang kaibahan lang ay bakla ang kausap ko noon sa panaginip.
Hindi agad ako nakatulog pagkatapos ng tawag. Overwhelming sa pakiramdam. Para akong nanalo sa lotto. Sa wakas ay magkakaroon ako ng experience at chance. Malapit na ako sa katotohanan.
Hindi ako natulog na hindi nagpasalamat sa Diyos. Alam kong ibinigay na niya sa akin. Kaya pala maluwag na sa dibdib ko na i-give up ang Fillipino coordinatorship, jouralism at trainorships ko sa school. Mayroon pala akong karera sa labas ng paaralan.Kaya din pala, ayaw kong samahan si Mama sa check up niya bukas.
Maaga kaming naligo ni Ion dahil kailangan kong maedit ang LIS ng advisory class ko. Mga 7:45 ay naroon na kami. Kaya lang wala pa si Lester na siyang nakakaalam ng gagawin ko. Umakyat na lang kami at naggardening ako, habang hinihintay ang pagdating ng artistang si Joshua Garcia.
Pinatawag naman ako ni Mam D para gawin ko na ang LIS ko. Bago dumating ang artista ay natapos ko na ito kaya napicturan ko si Zillion habang tinatanggap ang bag with school supplies.
Mapalad si Ion dahil nararanasan niyang lahat ang mga katulad nitong opportunity.
Nagpakain pa si Joshua sa mga bata at sa mga guro kaya mapalad din ako sa araw na ito dahil nakalibre kami ng lunch. Pagdating ng meryenda, napa-pizza naman si Ms. Kris as blowout niya sa birthday niya kahapon.
Afternoon, bago nagsimula ang meeting ng ala-una, binyaran na ako ni Mareng Lorie ng last payment niya sa credit card. Parang di kami dumaan sa pag-aaway. Nagbiro pa siya. Kaya, no choice rin ako kundi kausapin siya.
Natanggap ko na rin ang dividend ko sa coop. Dapat ay P4,927.00 kaya lang binawasan ng P2000 para sa loan. May tira pa rin kaya nagyaya ako sa hideout. Sinagot ko ag dinner namin.
Namiss naming lahat ang hideout. Sayang wala si Papang at si Mamah.
Mayo 27, 2015
Bago mag-alas-diyes ay nasa Megamall na kami. Kami yata ni Ion ang pinakanaunang dumating sa venue ng workshop.
Andami kong natutuhan sa workshop. Nameet ko na rin ang ilang mga successful author ng Viva-PSICOM, Publishing, Inc. gaya ni Alyloony, Carla, AB Cabuertas, Rhadson "MatabangUtak" Mendoza at Marcelo Santos III. Nakakainspire ang mga sinabi nila at kung paano sila nakilala.
Sulit na.sulit ang binayad kong P200 as registration fee dahil may free book pa, may freebies from Republika ng TM, may snacks at iba pa.
Nakapagpapicture pa kami ni Ion kay Marcelo, na someday ay makakatrabaho ko. Hehe.
Hindi masama ang mangarap, lalo na at interesado akonag sumali sa contest nila. Kaming 100 workshoppers ang magkakalaban. Tatlo ang pipiliin. Hopefully, isa ako sa mapili.
Bakit gusto kong mapublish ang mga works ko? Siyempre, ang pagkakaroon ng sariling published book ang batayan ng pagiging writer. Kapag nangyari iyon, doon lamang ako matatawag na writer. Pero, hindi na iyon malabo. Opportunity already knocked my door. All I have to do is to open it.
Bago mag-alas-8 ay nakauwi na kami ni Ion. Pagod pero fulfilled ako. It's another milestone sa buhay ko. Promise, hindi lang ito basta workshop. Sisikapin kong ako naman ang magiging resource speaker, next time. God has showed me the sign.
Mayo 28, 2015
Bago mag-alas-otso ay nasa school na kami ni Zillion. Agad kaming umakyat para maglinis doon.
Hindi naman na masyadong madumi. Inililigpit ko lang ang mga
gamit ko sa table at cabinet. Itinatapon ko na ang mga hindi na gagamitin. Siyempre, sini-segregate ko ang mga puting papel para mapakinabangan.
Past three, nagkaroon ng GPTA meeting –parents ng Grades 4, 5 at 6 students ang
nakaschedule. Kahapon ang mga magulang sa Kinder hanggang Grade 3. Doon ay ipinakilala kaming mga teachers. Nainis ako nang ipakilala ako bilang grade leader ni Mam Rose. Hindi po ako, sabi ko. Ako raw talaga. Kaya, nang matapos ang meeting, kinausap ko na si Mam Deliarte. Sinabi ko na ayoko nang maging SPA. Ayoko nang tumanggap ng kahit anong trabaho except ang advisory. Tatanggalin niya daw ang grade leadership pero hindi ang journalism. Hindi naman ako nagpatinag. Tulungan ko pa rin daw ang sinumang mapili niya.
Naipaliwanag ko naman ng husto ang mga dahilan ko. Si
Zillion talaga at ang pagsusulat ko para makapag-publish ng libro ang priorities ko. Lumalabas na ang pagiging
Hindi pa siya nag-confirm. Pero, at least, alam na niya.
Natuwa ako ngayong araw dahil binigyan ako ni Mam Lolit ng
P2000. Kabayaran ito ng paggawa ko sa kanya ng action research. Ayaw ko sanang tanggapin dahil masyadong malaki. Sabi ko ay mas kailangan niya ito. May natanggap daw siyang pera kaya okay lang. Tinanggap ko na. Sayang din. Mas kailangan ko ng pera.
Binigyan din ni Sir Erwin ng P50 si Zillion.
Mayo 29, 2015 Naglinis uli ako sa classroom ko. Andami ko ding nagawa ngayong araw. Isama pa ang pakikipagkuwentuhan kay Mam Vi at ang pakikipagbonding sa lunch kina Plus One, Donya Ineng Mang Dang at Mam Bel. Si Zillion naman ay naglaro, nagsulat at kumain. Pakiramdam ko ngayong araw ay unti-unti nang nalalayo ang loob ko sa ilan kong mga kasamahan, lalo na't desidido na akong hindi tumanggap ng anumang dagdag-trabaho. Nakita naman nila na kailangan kong alagaan ni Zillion. Mas siya ang priority ko. Excited nga akong bilhan siya ng scout uniform. Binilhan ko na rin siya kanina ng shool uniform. PE uniform na lang ang kulang niya. Hindi pa rin ako kinausap ni Mam D tungkol sa sinabi ko sa kanya kahapon. Pero, kahit hindi pa siya pumapayag na umalis ako sa mga katungkulan ko, tuluyan ko nang tinuldukan ang mga iyon. Tama si Mam Vi. Dapat ko silang turuan ng leksiyon.
Mayo 30, 2015
Nagpagupit at nagpakulay muna ako ng buhok bago nagpa-notary ng employment certificate na ipapasa ko sa HomeMarks, Inc. Then, pumunta kami ni Zillion sa Harrison Plaza para tumingin ng TV at kutson.
Ang mamahal ng telebisyon, kaya foam lang ang nabili namin. Siguro ay magiging masarap na ang tulog namin dahil dito.
Pag tumawag si Emily, hihingi ako sa kanya ng pambili ng TV. Kailangan kasi ni Zillion. Hindi pwedeng puro internet na lang. Naapaekruhan ang pagsusulat ko, lalo na't may bini-beat akong deadline para sa contest.
Naaalala ko pa rin sina Hanna at Zildjian. Hindi ko man lang talaga nabigyan ng pambili ng mga school supplies. Sana nasabi ni Flor kay Mj na nagipit o nagkagastos-gastos kami nitong Mayo. Sana rin ay maunawaan nila ako.
Mayo 31, 2015
Alas-diyes ng umaga ay nasa Harbour Square kami ni Ion. Hindi kami nagtagal doon. Kumuha lang ako ng ilang shots sa mga yate at kay Zillion.
Tapos umalis na kami. Pumunta kami sa may kampo ng mga navy malapit doon para piktyuran si Zillion sa mga tanke at sa helicopter na naka-exhibit sa may kalsada. Agad naman siyang nagutom kaya agad din kaming nakapunta sa HP. Trineat ko sa sa Mc Do, since binigyan naman siya ng pera nina Sir Erwin at Mam Elsa. Tiyempo may Hot Wheels ang Happy Meal kaya nagkaroon siya ng toy car. Sobrang saya niya. Halos hindi nakakain.
Umuwi na kami after bumili ng mobile phone na may TV. Kahit paano ay maiibsan ang kamangmangan ko sa mga current events. Kailangan ko kahit paano na manunuod ng mga balita dahil ako ay isang maestro.
Inihanda ako ng mga unifors naming ni Zillion para bukas. Nakapagsulat na rin ako ng lesson plan kanina, hapon pa lamang. Ready na ang mga gamit, pero parang hindi pa ready ang katawan ko. Sana si Ion ay ready na. Kahit paano ay tumaba-taba siya, hindi kagaya noong nasa Bicol kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment