Followers

Friday, May 15, 2015

BlurRed: Maga

"Bakit maga ang panga mo, Nak?" Napansin pa rin ni Mommy ang pasa ko kahit pilit ko ng ikinukubli ito.

"Ah, ito po? Wala po ito. Nabangga ako kagabi sa pinto ng CR.." 

"Ayan kasi. Sabi ko naman kasi sa'yo na hinay-hinay lang sa alak..di ka naman talaga sanay uminom e."

"Don't worry, Mommy. Di naman ito dahil sa alak. Aksidente lang talaga." palusot ko pa.

"Dapat nag-iingat ka palagi. Lagi ka na lang ganyan. Mag-iingat ka, ha? Sayang naman ang kagwapuhan mo kung mababangasan lang."

Tumawa na lang ako para matapos na.

Pagkatapos mananghalian, lumabas ako ng bahay para tawagan si Dindee. Ibinalita ko sa kanya ang nangyari kagabi sa CR. Tawa siya ng tawa. Para daw kaming mga timang. Sana nga daw ay sinumbong kami sa may-ari ng bar para mas nakakatawa.

Imbes na maasar ako, nag-I miss you na lang ako sa kanya.

"Hmp! I miss you ka dyan. Baka may iba ka ng miss.." biro niya.

"Wala ah!" 

"Defensive. Sure ka?"

"Oo naman!" Ang bilis kong sumagot.

"Kung talagang miss mo na ako, kailan ang anniversary natin? Aber.."

"September 5!" Ang bilis ko ulit. Tandang-tanda ko pa kasi.

"Wow, huh!"

"Naniwala ka na?"

"Oo na. May magagawa pa ba ako. I miss you, too!"

Sinabi ko na rin sa kanya nag tungkol sa pag-aabay ko sa kasal ng kinakapatid ko.

"Nice one. I'm sure, poging-pogi ka na naman sa suot mo. Sayang, wala ako.."

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...