Ma-pride talaga si Dindee. Ni hindi siya nagtext o nag-PM. Wala! Talo pa siya ng multo, dahil nagpaparamdam. Pero, siya, hindi.
Ayaw ko na ring manuyo. This time, magiging ma-pride na rin ako. Lagi na lang kasi ako ang nanunuyo. Nakakapagod.
Si Karryle ang nagtext. Nagtanong kung anong problema namin. Sinabi ko naman.
Hindi naman siya nangialam o kaya ay nagsuggest. Parang gusto niya lang na pag-usapan namin si Jeoffrey. Nakita ko ang interes niya sa kaibigan ko kahit di niya sabihin. Ayaw ko lang ding mangialam sa kanila. Basta, sinagot kong lahat ang mga tanong niya.
"Red, may sinabi sa akin si Dindee.." ani Mommy, pagkatapos kong salubungin siya ng kiss. Galing siya sa school.
"Nakita niyo naman po ang mga ginawa namin sa Brigada. Pinagbibintangan si Riz. Mali naman po yata 'yun." paliwanang ko habang nagtatanggal ng sapatos ang aking ina.
"Suyuin mo na, Nak, para okay na kayo.. Madali lang namang mapalambot 'yun.."
"Nasasanay po siya. Kung narinig niyo lang ang mga sinabi niya against Riz.." Tumigil ako. Natapon kasi ang asukal na ititimpla ko sa kape. "..Masasakit na salita, Mommy."
"Ganun talaga, Red. Intindihin mo na lang. Mahal na mahal ka kasi niya kaya feeling niya lahat ng babae na mapalapit sa kanya ay nilalandi ka."
Gusto kong matawa sa tinuran ni Mommy, pero naiinis ako dahil pati si Mommy ay nabulag niya. Siya pa ngayon ang kinakampihan.
"Ayokong suyuin siya, Mommy. Kung mahal na mahal niya nga ako, dapat malalim ang pang-unawa niya. Kape niyo po."
"Salamat!"
Pumasok na ako sa kuwarto. Ayoko nang marinig ang mga sasabihin ni Mommy dahil baka mag-away din kami.
Dapat ako naman ang suyuin niya ngayon. Kapag di siya nagtext o nagchat, mas lalong di ko gagawin 'yun. Kailangang maging ma-pride na rin ako, hindi dahil pogi ako (hehe), kundi dahil wala akong ginawang kasalanan sa kanya. Mahal na mahal ko siya.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment