Followers

Friday, May 15, 2015

Hijo de Puta: Ciento sais

"Nakikiramay po ako." sabi ko sa ina ni Lianne. Inabot ko na rin ang puting sobre na kinapalooban ng singkuwenta mil.

"Ang laki nito, hijo. Salamat. Maraming salamat!" Niyakap niya ako. Mangiyak-ngiyak siya. "Hindi ko alam kung ano ang relasyon natin. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Kaibigan po ako ni Lianne. Ako po 'yung nagsauli ng kanyang planner dati.. Napunta na po ako dito, once."

"Ah, ikaw pala iyon. Pasensiya na, ano.."

"Hector po."

"..Hector. Sandali lang at ipapatawag ko si Lianne."

Inutusan niya ang isang binata. Tapos, sinamahan ako ng ina ni Lianne na sumilip sa ataul. 

Ang sumunod na pangyayari ay di ko na pinansin. Hindi ko na naintindihan ang mga kuwento niya sa akin dahil ang mahalaga sa akin ay makita ko na si Lianne.

"Hindi ko po makita si Ate.." Naputol ang pagsasalita ng ina nang bumalik ang inutusan.

May kapatid pa pala si Lianne. Naisip ko.

"Asan kaya 'yun. Teka lang, Hector. Ako na ang maghahanap."

"Sige po."

Pinagsilbihan ako ng kapatid ni Lianne. Siya pala si Leonardo. Tinanong ko. Then, nalaman ko rin na baka hindi siya makapagkolehiyo next school year, after graduation niya sa high school dahil sa nangyari. Ang ate nga daw niya ay nagsabi na rin na hihinto na rin uli sa pag-iintern.

Naawa ako sa kanilang magkapatid. Ayokong mabalewala ang edukasyon nila.

May dumating pang bisita kaya nahinto ang kuwentuhan namin ni Leonardo. Pero, busy naman ang utak ko sa pag-iisip kung paano ako makakatulong sa kanilang dalawa. Hindi na lang ngayon si Lianne ang gusto kong tulungan, kundi pati ang kapatid niya. Sana mapatawad na niya ako upang maisakatuparan ko ang mga ito.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...