Followers

Monday, May 18, 2015

Ang Kuwento ng Mangungutang

Nang nangungutang ka, halos lumuha ka na.
Nang pinautang ka, awa ang pinairal niya.
Nang kailangan mo nang magbayad, galit ka pa.
Nang minsan siningil ka, pangako ang napala.
Nang nangailangan ka uli, natuto na siya.
Nang wala kang nautang, iba ang biniktima.
Nang sinisingil ka, inulit mo lang dating gawa.
Nang gipit kang muli, wala nang nagtitiwala.
Nang walang-wala na, sa masama kumapit ka.

No comments:

Post a Comment

Tatlong Letter Z

Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.)   Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...