Followers

Saturday, May 23, 2015

Hijo de Puta: Ciento otso

"Bakit umiiwas ka, Lianne?" tanong ko habang walang makakarinig. Nasa kusina kami. Tumutulong ako sa pagtitimpla ng kape para sa mga naglalamay. 

"Hector, this is not the right time." 

"Kailan?" Mas lumapit ako sa kanya.

"Kapag napatawad na kita." sabi niya bago siya tumalikod at lumabas sa kusina. 

Naiwan akong nakamaang. Sunod ay nag-isip ako ng paraan para mapatawad niya. 

"Kuya, Hector.. bakit ikaw na ang gumagawa niyan?" ang kapatid ni Lianne.

Nagising ako mula sa pag-iisip. "Hindi. Tumutulong lang ako sa ate mo." Pinagpatuloy ko na ang paghalo ng asukal sa kape.

"Sige na po. Ako na. Tapos, hayaan mo na sila niyan. Andami namang nag-aayuda. Doon tayo sa likod, may konting salo-salo." Kinuha na niya sa akin ang tray ng mga ng natimplang kape. "Tara!"

Sa umpukan ng mga lalaking kaedaran niya, ipinakilala ako ni Leonardo sa bawat isa. Lima silang lahat. Agad naman akong tinagayan ng isa, pagkatapos bigyan ng mauupuan ng isa. 

Ang sarap palang uminom kapag may babaeng gusto kang makausap pero wala kang lakas ng loob masyado. Narealize ko, malaki rin pala ang nagagawa ng alak. Nakakapagbigay ito ng kakaibang tama sa utak.

"Alam mo, 'tol, L-leonardo mahal na mahal ko.." Maliwanag pa ang pag-iisip ko pero, nahihirapan na akong ayusin nag pananalita ko. "..ang ate mo!" Kami na lang ang nag-uusap kasi nagkanya-kanya kuwentuhan na. "Hindi ko lang alam kung bakit..h-hanggang ngayon, hanggang n-ngayon..ay hindi niya pa ako.. napapatawad!"

"Bakit? Anong kasalanan mo sa ate ko?" Alam kong mas marami pang nainom si Leonardo kesa akin pero malinaw pa ang kanyang pananalita. 

Hinilamusan ko ang mukha ko ng aking mga palad, saka ako nagsalita. "K-kasi.. gago ako, e. Ang gago ko!" Naiiyak na ako.

"Leonardo, ipasok mo na ang kuya mo dito." Naulinigan ko ang boses ng mahal ko mula sa bintana, sa likod ko. 

Shit! Narinig niya yata lahat.

"Sandali lang, Te. Nagkukuwentuhan pa kami." 

Tumayo na ako. Muntik pa nga akong matumba. Mabuti at maagap si Leonardo.

"Pasok na tayo dun, Kuya." Inalalayan niya na ako paloob.

"Pasensiya na po.." sabi ko sa nanay nila nang marinig kong kausap at sinisisi si Leonardo.

"Sige lang, Hector. Pasok na. Pahinga ka muna ha?!" 

Nahihiya ako kaya kailangan kong makabawi..


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...