Tinext ako kagabi ni Jeoffrey, kakatapos ko pa lang magpaalam sa kanya kagabi. Hindi ko siya ni-reply-an. Tapos kanina, pag-on ko ng cellphone ko, dalawang mensahe ang na-receive ko mula sa kanya.
"Musta, Bro? GcnG knb?"
"soRi nga pla kgbi. D ktA pnniwlaaN."
Ayaw ko sanang sagutin ang mga text niya kaya lang naisip ko na dapat para niyang maunawaan ang sinasabi ko.
"nni2wlA k n B?" ang reply ko.
"MedyO."
"K."
"hehe.. raMdaM q nmn un. D nmn aq nttakOt. D n big deAl s akn ang gnyAn.."
Disappointed pa rin ako sa sagot niya. Gayunpaman, sinagot ko pa rin. "ibG sbhin, ppatol k?"
"bkIt hinDi?! Wala nmng mwwala skn.."
Na-check op ako. Hindi ko tuloy nasend ang message kong ito: "Mawwla saU ang resPeto mo sa sArili mo."
Hindi na rin siya nag-reply. Mabuti naman kasi nanuod ako ng laban nina Pacquiao at Mayweather. Tinutukan namin nina Daddy at Mommy. Nagpustahan kasi kami ni Daddy. Kay Floyd ako pumanig. Panalo tuloy ako ng P500. Hehe.
Humirit naman si Mommy ng balato. Magpa-ice cream daw ako. Okay, sabi ko. Lumabas ako at bumili.
Hapon, nag-ensayo ako ng tatlong kanta ni Manny Pacquiao. Alam kong magugustuhan ito ng mga customer ng MusicStram.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment