"Hay, salamat! Umalis din." Nakahinga rin ng
maluwag si Val.
"Oo nga, e. Muntik na. Mabuti, mabilis kang mag-isip." sabi ko. Nagbihis
na ako. Nagsimula na kasi akong magkaroon ng hiya kay Val.
"Sorry nga pala.." aniya, habang nagbibihis. Hindi siya
nakatingin sa akin.
"Saan?"
"Sa nangyari sa atin.."
"Okay lang. Sanay na ako. Huwag na lang maulit o malaman ni
Jake." Tinalikuran ko na siya. Nagsimula na akong magligpit ng mga kalat
namin.
Habang gumagawa, sinusundan ako ng tingin ni Val.
Nang matapos ko, saka ako nagsalita. "Paggising ni Jake,
aalis ako. Pupunta ako sa lamay ng tatay ng girl friend ko sa Pangasinan.
Bahala ka na sa kanya. Ibang klase si Lemar. Ipaubaya mo na lang siya sa kanya.
O kaya'y tulungan mo siyang makaahon sa trabaho namin. Hindi naman niya
talagang gustong magbenta ng aliw.."
"Mabuti kang kaibigan, Hector. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala
ay nakita ko sa'yo ang malasakit para sa kaibigan.."
"Salamat!" Tiningnan ko si Val. Sinsero siya sa
kanyang sinabi.
"Noong nakita ko si Jake, akala ko siya na ang lalaking gusto kong
makasama sa buhay, hindi pala."
Naiintindihan ko ang tinutumbok niya kaya di ako nagkomento.
"Hector, sana naramdaman mo kanina.."
"Maliligo lang ako." Tahimik kong kinuha ang towel at
itinapis sa aking beywang at ibinaba ang aking boxer.
Nakita kong napalunok si Val. "Sana hindi pa ito ang huli
nating pagkikita, Hector.."
Hindi ko na siya nilingon hanggang makapasok ako sa banyo.
Ni-lock ko ang pinto. Iba kasi ang takbo ng isip ni Val.
No comments:
Post a Comment